5. Confidently Beautiful with a Heart!

2.4K 122 30
                                    

         Confidently Beautiful with a Heart!


Napangiti si Trade Saunders ng makita niya ang mga kaibigan niyang masaya sa mga dala niyang pasalubong. Nakakuha siya ng bakasyon at medyo matagal-tagal siyang mag-e-stay sa bahay ng kaibigan niyang si Drake. Tamang-tama lang daw ang bakasyon niya kasi nalalapit na ang fiesta sa lugar. Marami daw nakalinyang events na puwede niyang paglibangan. Mga damit at sapatos ang dinala niyang pasalubong. Siyempre, hindi niya nakalimutan ang chocolates. Ayon nga at nangunguna na si Blade sa pagpapak.

"Uy, Trade! Salamat talaga sa lahat ng ito ah?"

Ngumiti siya kay Blade.

"Walang anuman. Teka lang, bakit ang tagal ni Drake sa banyo? Kanina pa siya nagpaalam sa atin ah? Ni hindi pa nga niya nagagalaw itong mga pasalubong ko sa kanya." sita niya.

Tumawa ng nakakaloko si Blade.

"Malamang, nag-oorasyon na iyon. Binalaan na nga ni Zech na huwag sosobrahan ang pagkain ng prutas na kaimito. Ayon.... Matigas ang ulo."

Napakunot-noo si Trade.

"Nag-oorasyon? Bakit?" na-aamaze niyang tanong.

"Malakas maka-constipate ang prutas na kaimito kapag nasobrahan ng kain. Iyong star-apple? Tiyak na mapapa-orasyon ka talaga bago ka makapag-let it go. Anak na lase!" natatawang paliwanag ni Blade.

Dahil sa narinig ay natawa si Trade. Tatandaan niya iyong maigi, hindi siya kakain ng maraming star-apple para hindi siya mag-orasyon sa banyo. Kaya pala ang tagal na ni Drake doon.

Nasapo naman ni Hunter ang kanyang tiyan. Napatigil siya sa ginagawang pagsipat ng mga damit na pasalubong ni Trade. Bigla siyang pinagpawisan. Kumontra yata iyong nainom niyang sariwang sabaw ng buko doon sa kinain niyang nilagang mani. Sapo ang tiyan ay napatakbo siya papunta sa banyo. Pagkatapat na pagkatapat niya sa may pinto ay marahas niya iyong kinatok na tipong gigibain na niya.

"Okitnam! Kung sino ka man, maghintay ka! Nag-oorasyon pa ako dito! Sinisira mo ang concentration ko! Abuwisit ak pa, nabibitin eh!" ang naiinis na wika ni Drake.

Sapo ang tiyan ay nagmamakaawang napatingin sa pinto si Hunter. Malakas ulit niya iyong kinatok bago siya magsalita. Pinagpapawisan na siya ng malalaking butil. Hindi na niya kaya.

"D-Drake, ako 'to si Hunter! Puwede bang ako na muna?! Utang na loob! I really can't fight this feeling anymore! Ang sakit na ng tiyan ko, kailangan ko nang mag-let it go!!... Drake!..."

"Nauna na akong naupo dito sa trono eh!"

"K-Kung ganoon, bilisan mo na ah!.."

"Huwag ka nang makulit, lalo lang akong natatagalan eh!"

Humilab ang tiyan ni Hunter at saka siya namilipit sa sakit. Sinapo na niya ang kanyang puwetan. Muli siyang kumatok ng marahas. Namumutiktik na siya sa pawis dala ng matinding pagpipigil. But he can't really fight that feeling anymore!

"Ako na muna sabi eh! Lalabas na nga!... Lalabas na!.." pagalit at pasigaw na wika ni Hunter.

"Sandali sabi eh! Abuwisit ak pa!..."

Dahil sa narinig na sagot ay desperadong napahawak sa may pinto si Hunter at napakanta ng...

"Maawa ka... Maawa ka... Sa a... Akin!..."

Biglang napatingala sa kisame ng banyo si Drake matapos niyang marinig ang maikling kanta ni Hunter. Kanta nga ng nakakaawang anghel kasi nasundot bigla ang nawala niyang konsensya. Napahinga siya ng marahas. Umalis na nga siya sa trono kasi wala pa naman. Hindi siya maka-let it go kahit matagal na siyang napapa-orasyon. Lumabas na siya ng banyo at nakita niya si Hunter na sapo ang puwetan habang palakad-lakad sa harap ng pinto ng banyo. Namumutiktik na ito sa pawis at aburidong-aburido. Natawa siya ng todo sa kanyang nakita.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon