46. The Van

1.8K 116 32
                                    


                 The Van

Panay ang buntung-hininga ni Blade habang naglalakad siya papunta sa classroom. Marami na ang bumabati sa kanyang estudiyante ng good morning at ginagantihan niya ng ngiti ang mga ito. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ito ang unang beses na haharap siya sa mga bata na alam na nila ang tunay niyang pagkatao. Napalunok siya sa isiping iyon at tila lalo siyang nabingi sa lakas ng kabog ng puso niya. Nasa bungad pa lang siya ng silid-aralan ay dinig na niya ang maiingay at magugulong mga bata. Dahan-dahan siyang nalakad at tila slowmo siyang pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok niya at isang nakakabinging katahimikan ang biglang sumalubong sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil sanay siyang sinasaway ang mga bata kapag dumarating siya. Napaubo-ubo siya kunwari kahit hindi naman siya nauubo.

"Good morning, class!" ang casual niyang bati.

Napakurap siya nang makitang tinititigan siya ng mga bata, walang bumati sa kanya pabalik. Yumuko siya ng bahagya at saka huminga ng malalim. Napakamot siya sa kanyang ulo. Tumikhim siya.

"Alam kong nakakagulat ang mga nalaman niyo tungkol sa amin. Ngunit ginawa ko ang paglilihim dahil ayaw ko kayong mapahamak. Naiintindihan ko naman kung magbabago ang tingin niyo sa akin eh... Alam kong hindi ako normal at-"

Hindi na niya naituloy ang sunod na sasabihin dahil nagsitayuan ang mga bata. Magwa-walk-out ba sila? Kaya lang ay mali siya ng inisip dahil magkakasunod silang nagpunta sa kanyang harapan at isa-isang yumakap. Naunang yumakap sa kanya si Francis.

"Kahit ano o sino ka pa, ikaw lang ang nag-iisa naming Sir Blade! Huwag mong isipin na magbabago ang tingin namin sayo dahil tanggap ka namin kahit na sino ka pa!"

"Oo nga Sir! Kahit na makapal ang mukha mo, matakaw at buraot ka sa pagkain eh mahal ka namin!" si Leah.'

"Kahit na brutal ka magsalita, ayos lang sa amin! Saka mas masaya nga kami kasi ang suwerte namin sa'yo. Sa buong mundo kami lang ang may Sir Blade!" si Rane.

Napakurap si Blade at lalo na niyayakap siya isa-isa ng mga bata. Napangiti siya at kasabay ng ngiti na iyon... Umagos ang luha sa kanyang mga mata ngunit hindi ito dala ng kalungkutan.. Sobra siyang masaya!

"A-Anak na lase! Ang aga-aga, pinaiiyak niyo ako!" ang gumaragal na boses niyang wika.

Kasunod noon ay nakita niyang naiiyak na din ang mga bata.

"Basta Sir Blade, huwag mo kaming iiwanan ah?! Huwag kang aalis!" ang naiiyak na wika ni Jecon.

Napasinghot si Blade at saka napatango-tango.

"Oo, hindi ako aalis! Tama na nga ang lase na drama! Tumutulo na ang sipon ko eh! Saka, magklase na nga tayo!" ang wika niya.

Iyon nga lang ay lalong yumakap sa kanya ang mga bata. Ganoon pa man, masayang-masaya ang kanyang pakiramdam dahil wala nang sekreto.

Samantala... Napahinto sa paglalakad si Vaulant nang maramdaman niyang mayroong sumusunod sa kanya. Papunta siya ngayon sa bahay ni Barbara ngunit nag-iba na siya ng direksyong tinatahak. Nagbago na ang isip niya dahil mayroong nagmamanman sa kanya. Lumiko siya sa isang masikip na eskinita at saka siya napahinto sa bandang dulo. Dead-end na iyon, sumandal siya sa pader at...

"Lumabas ka na nga diyan, alam kong sinusundan mo ako." ang wika niya.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas ngunit walang lumabas. Napamulsa sa kanyang pantalo si Vaulant at matalim na tumitig sa paligid. Mas naging sensitibo ang kanyang aura simula nang mahaluan ang kanyang dugo ng pitong Prince of hell at nagpalit na siya ng anyo bilang isang demon. Hindi nga lang siya pure breed at hindi pa niya alam kung gaano kadami ang lakas na dumagdag sa kanya.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon