PROLOGUE

2K 137 18
                                    


                                    "PROLOGUE"

"Marahas na napabuntong-hininga si Blade habang nagllakad siya papalapit kay Alexa. Malungkot itong nakatulala sa hangin habang nakaupo sa bench. Nang tuluyan na siyang makalapit sa dalaga ay agad siyang naupo sa tabi nito. Ni hindi ito gumalaw, nagpapahiwatig na hindi pa ito aware sa kanyang presensiya. Pasimple siyang tumikhim.

"Alexa..." umpisa niya.

Bahagyang napakislot ang dalaga at maang na napatingin sa kanya. Hindi ito nagsalita at nakikita niya sa mga mata nito ang matinding kalungkutan at kalituhang dinadala.

"Alexa..." pasimple ulit niyang wika.

Ngunit kagaya ng dati, hindi ito nagsalita. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ng dalaga at saka inilapit sa kanya. Mahigpit niyang ikinulong ang mga kamay nito para makaramdam ito ng comfort na nais niyang ibigay para sa isang kaibigan. Huminga siya ng malalim at saka siya bumuwelo...

"Kung wala ka nang maintindihan! Kung wala ka nang malapitan! Kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin... Di kita bibitawan!..." itinodo pa talaga niya ang pagkanta.

PAAAK!!!... Sa isang iglap lang ay isang malakas na igkas ng sampal ang napala niya mula kay Alexa.

"Buwiset!" bulalas pa ng dalaga.

Marahas itong tumayo at dali-daling nagwalk-out. Naiwan si Blade na sapo ang pisngi at medyo tuliro. Parang hindi siya makapaniwala sa ginawa sa kanya ni Alexa.

"Why, bakit, aken, apay ngay...?!" tuliro pa niyang tanong sa hangin.

Iyon nga lang ay wala siyang napalang kasagutan kaya napahinga na lang siya ng marahas at saka napailing.

Samantala... Mariing ikinuyom ni Hydrian ang kanyang mga kamao habang nakatitig siya sa malawak na karagatan. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Pumikit man siya o hindi, palagi niyang nakikita ang mukha ni Alexa. Hindi maalis sa isip niya ang malungkot na mukha ng dalaga. Hanggang ngayon, matindi ang nangyayaring kaguluhan sa buong-sistema ng kanyang pagkatao. Nasapo niya ang kanyang labi habang tulirong nakatingin sa dagat.

"Dahil ba iyon sa isang halik? Pero, isang simpleng halik lang naman ang namagitan sa aming dalawa..." wika pa niya.

Marami siyang tanong sa kanyang isipan pero natatakot siyang makakuha ng kasagutan. Isang mapait na ngiti ang namutawi sa kanyang labi.

"She's carrying my child..." kusa siyang napangiti.

Isang marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at saka na siya naglakad paalis sa may tabing dagat. Isang desisyon ang kanyang nabuo. Siguradong-sigurado na siya sa kanyang gagawin.

******************************************************************************

#pasensiya na sa sobrang tagal na walang update. Nasira kasi ang laptop ko pero ngayon, may bago na... Salamat sa matiyagang paghihintay.


Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon