52. The Model

1.7K 90 15
                                    

The Model

Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Blade habang tinitingnan ang kanan niyang kamay. Mariin siyang nagclose-open para siguruhing magaling na nga iyon kagaya ng sinabi sa kanya ni Saint Raphael. Pero siyempre sinabihan siya na hinay-hinay lang sa pagpuwersa sa kanyang kamay lalo na kung makikipag-away siya.

"Sir Blade, ayos ka lang? Kanina ka pa mukhang temang diyan eh." ang hindi napigilang sita ni Karen.

Tumingin si Blade sa dalaga, kasama din nila si Rane na abala sa paglilista ng mga bibilhin para sa garden nito. Katatapos lang ng eskuwela ngayong hapon at magkakasama silang tatlo para mamili sa bayan. Siya ang nakatokang mamalengke ngayon, si Karen naman bibili ng mga sangkap para sa iluluto nitong cupcakes para kay Ai. Aalis na kasi ito bukas dahil natapos na ang bakasyon. Siyempre, isasama nila si Conrad, heto nga at susunduin nila sa elementary school.

"Alam mo namang masaya ako Karen kasi mas naging mabilis ang paggaling ng kamay ko. Hindi ko kailangang mag-alinlangan kung sakaling may emergency..." ang napangisi niyang wika.

"Emergency... Kung sakaling mapaaway kamo ah." ang hindi napigilang sabat ni Rane.

Tsinek niya ang kanyang listahan at okay na iyon.

"Alam mo namang parang kabute kung sumulpot ang mga demonyong aninimal!" ang pakli niya.

"Ay naku Sir Blade, bibig mo nga! Baka maparusahan ka niyan." ang sita naman ni Karen.

Nagpaypay sa hangin si Blade.

"Parang di ka na nasanay sa bunganga ko. Huwag kang mag-alala, busy-busy siguro ang mga archangels kaya ayos lang. Anyways... Nasaan na si Conrad? Kanina pa ang labasan nila sa room ah?"

Nang banggitin niya si Conrad ay napatingin silang tatlo sa paligid para hanapin ito. Hindi naman sila nabigo dahil nakita nila ito kasama ang iba pang bata na nagkukumpulan at tila may pinapanood. Baka sabong ng gagamba? Uso na naman iyon o kaya sabong ng hermit crab na binebenta sa mga bata ng tatlong piso o higit pa depende sa laki. Kaagad silang lumapit sa kumpulan ng mga bata.

"Uy Conrad, anong mayroon?" ang tanong kaagad ni Rane sa nakababatang kapatid.

Nabaling ang atensyon ng bata sa kanila.

"Ate, may nag-aaway! Kanina pa sila oh. Di nga magbati kasi iyong isa natalo iyong panabong na gagamba saka naapakan pa. Ayan, nag-away na sila." ang paliwanag ni Conrad.

"Alam mo Conrad, hindi ka dapat nanonood ng away ng iba. Masamang halimbawa." ang saway naman ni Karen.

Samantala... Nilapitan ni Blade ang dalawang batang-lalaki na nag-aaway. Naggigirian ang mga ito habang naghahamunan ng tingin.

"Oh ano? Ano?! ANO?!"

"Ano?! Ano, ano, ano, ano?!"

Medyo naaliw si Blade sa dalawang bata kasi panay lang sila 'Ano' pero wala man lang nangyayaring sakitan. Isang kalokohan ang pumasok sa utak niya. Napangisi siya.

"Sige nga kung talagang di kayo takot sa isa't-sa, magpitikan nga kayo ng tenga?" ang sutil niyang sugsog.

Nabaling ang atensyon ng dalawang bata sa kanya kasama na ang mga nanonood at nangantyaw na rin ang mga ito dahil sa kagagawan ni Blade.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon