29. Romancing the Devils

1.9K 113 26
                                    


             Romancing the Devils

"Blade, salamat sa pag-aayos ng bahay ah? Hindi nga nagkamali si Viper na irekomenda ka sa akin para ayusin itong bahay. Ang bilis mo ngang natapos eh." ang nakangiting wika ni Barbara.

Ngumiti si Blade sa babae. Nagpapasalamat talaga siya kay Viper at nabigyan siya ng part time na trabaho.

"Maliit na bagay, Miss Barbara. Eh kung iyong lumang bahay nga ni Bangkay na mas luma at mas malaki eh naayos ko kaagad-"

Hindi naituloy ni Blade ang sasabihin dahil...

"Bahay ni Bangkay..?" ang amaze na tanong naman ni Barbara.

Napakagat si Blade sa kanyang labi at saka alanganing tumingin sa kausap niya.

"Ah, wala... Kuwan, ang ibig kong sabihin eh may inayos na akong bahay na mas luma pa sa bahay na ito. Iyong mukha na talagang bahay ng bangkay na buhay..." ang nagpapalusot niyang wika.

Tiyak na mataginting na 'abuwisit ak pa' ang maririnig niya kay Drake kung nandito lang ito.

"Maiba lang ako, Blade... May kakilala ka ba kung saan ako makakabili ng mga halaman? Balak ko kasing sunod na ayusin ay itong garden. Kita mo naman, patay na ang lahat ng mga halaman at ang lalaki na ng mga damo na kailangang bunutin. Gusto ko nga, i-landscape ito eh para hindi naman magmukhang haunted house itong bahay."

Bahagyang napatango si Blade at napahawak sa kanyang punong-baba na tila nag-iisip.

"Alam mo, may kilala akong kaibigan at siguradong mabibigyan ka ng discount. At Miss Barbara... Kung kinakailangan mong ayusin itong garden eh kayang-kaya ko na ring gawin. Presyong kaibigan basta libre ang pagkain eh okay na sa akin."

Natawa ng mahina si Barbara kay Blade. Bigla niyang naalala ang sinabi ng kapitbahay niyang sina Viper at Asp, basta daw libre ang pagkain eh okay na si Blade... Noong una ay hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kambal pero napatunayan niyang totoo nga.

"Sige, puntahan na natin siya kung ganoon. Pupuntahan ko lang ang anak ko, tiyak na matutuwa siyang makakita ng mga magagandang bulaklak." ang paalam pa ni Barbara.

Pagkatapos noon ay umalis na ito at nagpunta sa isang kuwarto ng silid. Nanatili naman si Blade sa may malaking terrace ng bahay na nasa ikalawang palapag. Old Spanish house iyon. Ang sabi sa kanya nina Viper at Asp ay matagal na naabandona ang bahay at lupa na ito. Pero nang malaman ni Barbara na balak ibenta ng mga kamag-anak ang property ay bigla itong napauwi para pigilan iyon. Siya ang tunay na may-ari dahil siya ang pinamanahan ng mga abuelo nito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit iniwan ni Barbara ang property na ito at ayaw na rin niyang magtanong tungkol sa anak nito. Masyado na iyong personal kahit medyo curious siya kasi maganda naman at mabait ang babae. Masarap ding magluto kaya nga presyong kaibigan lang ang rate niya dito. Siyempre, kinonsidera na rin niya sina Asp at Viper na nagrekomenda sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang babae, buhat ang apat na taong gulang na anak, si Venice. Ang cute nito at medyo maikli ang wavy na buhok na tinatalian ng ribbon na pink. Nakasuot din ito ng pulang dress na sleeveless. Maputi ang bata, namana nito ang makinis na kutis ng ina. Pero, ang mukha nito... Parang pamilyar sa kanya, hindi lang niya maalala kung kaninong features niya nakita. Palihim siyang napalunok, kaya ba nate-temp siyang magtanong ng personal na bagay...?

"Tayo na, Blade. Ready na si Venice oh." ang nakangiting wika ng babae.

"Sige, Miss Barbara." ang sagot niya.

Tumingin siya sa bata at ngumiti ito ng cute sa kanya. Ngumiti din siya pabalik at bahagya niyang pinisil ang mamula-mula nitong mga pisngi. Nauna na siya sa paglalakad at napapasunod sa kanya ang mag-ina. Hindi naman kalayuan sa kinaroroonan nila ang bahay ni Zech kaya naman sandali lang sila naglakad. Halata sa mukha ng mag-ina ang paghanga nang makita ng mga ito ang bungad ng bakuran ni Zech. Lumapit siya sa doorbell at kaagad iyong pinindot. Mula sa likurang bahagi ng bahay ay lumabas si Zech, may hawak itong sprayer. Naglakad ito palapit sa kanila at ngumiti. Hindi naman inaasahan ni Barbara na lalaki ang sinasabing kaibigan ni Blade na bibilhan niya ng halaman. Binuksan naman ni Zech ang gate at pinapasok ang mga bisita sa loob ng kanyang bakuran.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon