Unice pov:Tila huminto ang mundo namin dahil sa halik na pinagsaluhan namin sa ilalim ng bilog ng buwan. Nang maghiwalay ang aming labi, tila kamiy sabik na sabik sa isat isa na wariy matagal na hindi nagkasama.
Inabot niya sa akin yung kamay niya, kaya naman inabot ko ito hindi man rinig ang tugtog patuloy padin kami sa pagsayaw, nakayakap lang ako sa kanya habang nakapikit at umiindayog sa gitna ng kakahuyan na tila bilog na buwan lang ang siyang nagbibigay liwanag sa lahat..
Mahal kita unice, hindi ko kaya na mawala ka sa akin.
Bulong nito sa akin mas lalo akong napayakap sa kanya at umiyak, hindi ko makuhang sumagot kaya naman huminto kami at iniharap niya ko sa kanya.. Paulit ulit niyang pinupunasan yung mga luhang kanina pa umaagos..Please dont cry, nasasaktan ako pag umiiyak ka.
Nasaksihan ng mga mata ko kung paano umagos ang mga luhang kaninay kanyang pinipigilan..Basta lagi mong tatandaan... Tuloy padin ako sa pag luha, hindi ko na maituloy yung sinasabi ko dahil para akong sinasaksak sa bibitawan ko..
Hindi man ikaw yung makasama ko habang buhay, isipin mong mahal kita at walang magbabago dun.. Titingin ako sa buwan na siyang saksi sa lahat, duon ko babalikan yung mga ala-alang kasama kita..
Napayakap ako sa kanya kasabay ng walang tigil na pag-agos ng aking mga luha..Nahimasmasan na ang aming mga kalooban kaya naman nagdesisyon kaming umuwi sa bahay, habang naglalakad pauwi tanaw na namin lahat ng mga kasamahan namin sa labas ng bahay..
Where have you been??? Nag-aalala na kami sa inyo bigla nalang kayong nawala.. Seryosong bungad sa amin ni dad, nagkatinginan naman kami ni nhate at sabay napailing..
Pasensiya napo nag-usap lang kami. Magalang na sagot naman ni nhate..
O siya sige pumasok na kayo para makakain na..
Pumasok kami at nakita naming maraming tao at maraming handa.Sa lahat po ng nagtulong tulong para po sa amin maraming salamat po.. Binabati ko po kayo ng maligayang pasko sa lahat..
Sabi ni dad at itinaas yung baso niya..Cheers!!! Sigaw nito kaya naman nagsipaghawakan din kami ng mga baso namin .
Cheers!!!
Nagkainan lang kami, at nagkwentuhan kasabay ng tawanan.
Pasensiya na wala akong regalo sayo. Sabi ko kay nhate, nandito kami sa labas kasama ang mga kaibigan namin..
A have a gift for you, pero hindi ko pa ibibigay surprice . sabi nito kaya naman pinangunahan ako ng kuryosidad.. Ano naman kaya ang regalo niya sa akin..
May regalo ako sayo nhate, matatanggap mo sa huling araw ng december. Gulat kong tinignan si dad, hindi na siya nagsalita at nginitian lang ako..
Ano naman kaya yun?? Tanong ko kay nhate, nagkibit balikat lang siya..
Ilang oras pa kaming nagkasiyahan ng magsalita si dad..
Okey sige na magpahinga na tayo maaga pa tayo bukas. Utos sa amin ni dad at nanguna ng pumasok sa loob..
Bro kala namin tinanan mo na si Unice. Hahaha.. Biro ni ghen nagtawan lang yung mga kasamahan namin bago sila pumasok sa loob...
Naiwan naman kami sa labas ni nhate lahat ng mga kasama namin ay nakapasok na..Good night. Sabi ko dito, hinalikan naman niya ko sa noo
Good night sweet dreams. Sagot nito at pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto..
Nag-ayos lang ako at saka tumabi kay yass.. Kala ko ay tulog na siya kaya nagulat ako ng magsalita siya..
Kamusta?? Nagkausap naba kayo??
Tanong nito habang nakatingin sa itaas..Nag-kaayos na kami. Sabi ko dito at pinikit ang mga mata ko inaalala yung mga nangyare kanina..
About christine, kababata niya yun.. Hindi mo kasi ako pinatapos..
Gulat ko siyang tinignan.. Bakit hindi niya sinabi sa akin.. Ay tanga hindi ko nga pala siya pinatapos..Wag mo kong sisisihin ikaw may kasalan niyan.. Kung ano ano kasi agad iniisip mo weh..
Tama siya, bakit ba kasi hindi ko muna siya pinakinggan bago ko magselos..I'll talk to her nalang bukas, sa ngayon I want to rest masyadong maraming nangyare nitong nakaraang araw.. Sabi ko dito
Muka nga. Sige good night.. Hindi ko na siya nasagot dahil antok na antok nako..
Thank you Lord.
KINABUKASAN
Maaga kaming nagising at inaayos yung mga gamit namin, nakita ko namang kakayari lang ni christine kaya naman nilapitan ko siya..
Pwede ba tayong mag-usap??? Tumango lang siya at lumabas kami sa likod bahay..
Tungkol sa pagtrato ko sayo, Im sorry nagkamali ako.. Sabi ko dito habang nakayuko..
Its okey,, kung ako din naman yung nasa posisyon mo, I'll do the same thing.. Sabi nito napaangat naman yung tingin ko sa kanya, mabait naman pala siya muka lang mataray..
Friends??? Offer nito sa kamay niya, inabot ko at nginitian siya..
Hindi nako sasabay sa inyo, uuwi nako sa US. Saktong lumabas naman si nhate..
Why to early?? Tanong nito nakikinig lang ako sa kanila..
You know dad haha
Sabi nito at niyakap si nhate at pati ako..Sana magkita kita pa tayo.. Lets go??
Nagpaalam na kami sa tinirhab namin at bumiyahe na papunta sa airport..Mamimiss ko tong bohol.. Kung hindi kami napunta dito hindi siguro mabibigyang linaw ang lahat..
Author's Note:
Sorry sa wrong grammar and typo.. Thank you sa mga nagbabasa..
Hold on guy's malapit na tong matapos . Expect the Unexpected..💖author...
YOU ARE READING
ALTNF (A Love That Never Fade)
BeletrieBoy: what if hindi mo na ko maalala.. Girl: makalimutan kaman ng utak ko pero hindi ang puso ko.. Because love will never fade only memories..