Chapter One

167K 4.3K 498
                                    

Nakangiting pumasok ako sa kabahayan ng mga Santa de Leones. I'm all alone dahil nauna na ang mga magulang ko. It's Tita Mommy Chi's 40th birthday and my Dad wont wait for me to return home bago ito magpunta rito.

In my school uniform, I'm smiling as I went and looked for the celebrant. Sakto namang nakita ko ito sa puno ng malawak na hagdan, nakatayo ito habang kausap si Tito Red. They still look so in love, kagaya ng mga magulang ko.

"Tita Mommy!" I called her out and waved.

Malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Chiara Paula Santa de Leones didn't change a bit. At forty, she's still one hell of a gorgeous woman every man would want. Mahihiya pa nga ang ilang kumakalahati lamang sa edad nito.

Tuluyan siyang bumaba sa hagdan kasama si Tito Red.

"Hi, Tita Mommy, Tito Red." Salubong ko sa mga ito kasabay ng paghalik sa kanilang mga pisngi.

Tiningala ko si Tito Red nang magsalita ito, his eyes were my nightmare. It's too dark, I can't even see myself in it. "Your parents are waiting for you,"

"Opo, nahuli po kasi ako dahil galing pa ako ng review para sa quiz bee," paliwanag ko.

"Nasabi nga sa amin ni Romee na medyo mahuhuli ka ng dating," Tita Mommy said with a smile.

"B, I'll go inside to check on Reid. I still haven't seen him." Paalam ni Tito Red sa asawa.

"Babe, relax. It's my birthday. Ayaw kong may papagalitan ka sa mga anak mo, ha?" Paalala ni Tita Mommy dito na agad nagpalambot sa ekspresyon nito.

He didn't say anything more than a shrug. He planted a kiss on her forehead before walking out.

Mabilis kong niyakap si Tita Mommy nang mawala na si Tito Red. "Ang sungit sungit talaga ni Haring Red!"

"He's not Red if he's not masungit!" Tumatawang niyakap rin niya ako pabalik. "So how's little Thalili?"

Napangiti akong lalo nang tawagin niya akong ganoon. It's Romee who started it, I'm her Thalili and she's my Romromi. Together, we caused trouble. But always in a cute way.

"All the better now that you've asked!" Mula sa bulsa ng aking palda ay inilabas ko ang isang maliit na kahon at inabot iyon sa kanya. "That's my gift for you, it might be a little cheap but it's from the bottom of my heart! I promise, someday, kapag pareho na kami ni Romromi na may work, I'll buy you Tiffany."

Nakangiting binuksan niya ang kahita. It's a simple rose gold bracelet with her name engraved on it. Like what I said, it's not expensive but I'm proud to give her that. Ilang buwan kong pinaghandaan ang kaarawang ito ni Tita Mommy, I would've bought her a necklace, kaso kinulang na ang ipon ko dahil nag birthday din si Romee noong nakaraan. Kung bakit naman kasi magkabuwan pa sila.

"This is beautiful, Thalia! At anong cheap? This is expensive! You should've saved your money for more important things. Kahit naman anong ibigay mo'y ayos lang sa akin, but thank you. I appreciate it." She pull me in her arms and embrace me tightly. "I love you, just how I love your father."

Sa pagkakabanggit niyang iyon kay Papa ay may naalala akong itanong. "Tita Mommy! Anong regalo sa'yo ni Papa?" Father used to tell me what he's gonna give Tita Mommy every year on her birthday, but this year is different. He kept it a secret.

"You would not believe what he got me," she rolled her eyes grinning. "A cabin in the middle of the ranch! Iyong nasa malapit sa dating kubo na ginawa rin niyang cabin."

Namilog ang aking mga mata. I knew it! Two weeks ago, I asked Mama about it. The cabin in the woods is my parents' love nest, ang kuwento sa akin ni Mama ay makahulugan daw ang kubo na iyon para sa kanilang dalawa ni Papa kaya nang ikinasal sila ay pinagawa iyon ni Papa, ipinaayos upang mas maging desente at matibay. We used to go there every weekend when I was a child, ngayon ay silang dalawa na lamang ang hindi bumabali sa tradisyon na iyon. Malaki na kasi ako at isang silid lamang meron ang cabin. Noong nakaraang napadpad ako roon kasama si Moonstone ay nakita ko ang itinatayong cabin hindi kalayuan sa kinatatayuan nito. Oh, my father!

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon