"Good morning, students!" Masiglang bati saamin ni Miss Jill na siyang aming camp master.
"Good morning, camp master!" Masiglang sigaw din ng mga kapwa ko estudyante.
Samantalang ako na akmang babati ay hindi na nakatuloy dahil nauwi lamang ang pagbukas ko ng aking bibig sa isang antok na antok na hikab.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at pinilit na ginigising ang aking diwa bago pa ako mahuli ng camp master namin.
"Hoy, Taling. Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Romee sa tabi ko. "Ang lalim ng mata mo, nakatulog ka ba kagabi?"
"Nako, pakiwari ko hindi." Pagsali ni Iya sa usapan. "Siguro nag-novena mag-damag iyan. Pinagdadasal na sana umusbong na yung most awaited boobs niya."
"Nako, diyan ka nagkakamali." Umiiling kong sabi. "Hindi ang boobs ko ang ipinag-novena ko mag-damag. Kundi sana matuto ka ng mag-hilod para hindi ka na isang walking libag."
Agad naman natawa ng malakas si Romee sa sinabi ko. "Thalia ang aga aga pa!"
"Ang aga aga pa pero ang dilim dilim mo na." Binalingan ko ng mapang-asar na tingin si Iya na siyang inirapan naman ako.
"The lost dede." Maarte nitong sabi.
Hindi ko na ito naasar pa nang mag-salitang muli ang aming camp master upang sabihan kami na mag-tungo sa labas upang sabay-sabay na mag-agahan kasama ang boys.
"Oh my God! Makikita ko si Kade sa umaga!" Impit na tili ni Iya bago kami balingan ni Romee. "Romee, maganda ba ko? Ayos lang ba ang itsura ko? Gosh! Wala pa nga kinikilig na ako." Niyugyog pa nito ng bahagya si Romee. "May dumi ba ko sa mukha, ayokong mapahiya."
"Pfft.." Pinigilan ko ang pag-hagikgik ko na siyang nagpabaling dito saakin ng isang nakamamatay na tingin.
"Ano na naman, Thalia?!" Masungit nitong sabi.
"Kasi naman, tinatanong mo pa kung may dumi ka sa mukha. Hello, isa ka kayang malaking dumi." I rolled my eyes and stood up from my seat.
"Sumosobra ka na ngayong araw boobs not found ha!" Tumayo narin ito sa kinauupuan nito.
"Sabi ko kasi sayo, Thalia. Mag-boyfriend ka na tapos ipa-massage mo na iyang boobs mo para hindi ka na nalalait pa ni Bonifacia." Napalingon kaming tatlo kay Laila na humagikgik mula saaming likuran.
Napalabi naman ako nang mapatingin ako sa hinaharap nito. Hubog na hubog sa suot nitong organization shirt ang dibdib nito. Samantalang ako, hanger. Kasya pa nga ata si Romee sa loob ng shirt ko eh. Kung bakit naman kasi sa lahat ng mamamana ko kay mama ay ang body frame pa nito. I want to have a curvy body like Tita Aira. But that's gonna be impossible. Because girls in the family are more likely to be skinny.
"Pano nga mag-kakaboyfriend, e mas may cleavage pa ang mga lalaki sakanya. Nowadays." Pang-aasar ni Iya saakin.
"Sus kala mo naman din magkaka-boyfriend siya. Eh mas mukha ka pang lalaki sa mga lalaki nowadays." Balik asar ko dito na dahilan upang malakas na mag-tawanan ang lahat.
"Excuse me!" Eksaheradang sinapo nito ang dibdib. "Iniinsulto mo ba ang kagandahan ko Thalia Cameron?!"
"Iniinsulto lang kita wag kang feeling, wala kang ganda." Inirapan ko na ito atsaka lumabas na ng camp site.
Nakasunod naman agad ito saakin, kasama si Romee.
"Romromi, doon tayo sa malilim. Baka ubuhin ka." Hinila ko si Romee sa lamesa sa ilalim ng malaking puno.
"Kade!" Sumigaw ito, bago kawayan si Kade na kalalabas lamang ng camp site ng mga boys. Kasama nito si Zander at Trigger.
Agad akong napahinto nang mag-tama ang aming mga mata ni Trigger. Akmang babatiin ko ito nang mapahikab ako, kasabay din ng pag-hikab nito.
BINABASA MO ANG
Tempting Trigger
RomanceFor many years, Trigger has been so good in resisting temptations. He's always smart to know what's best for him. And Thalia Cameron is a walking and talking temptation every man would indulge at any time. She's like the apple of Eden waiting for hi...