I tied my hair in a messy bun and wore a bomber jacket above the white sleeveless croptop I paired to my maong shorts.
Napailing ako habang pinag-mamasdan ang sarili ko sa salamin, years ago hindi mo ako mapapasuot ng ganitong klaseng damit. Not till I realized that this is the new thing, I need to step up and change myself for a better version.
Lumabas na ako ng silid at pinuntahan ang mga ito na nag-aantay sakin sa sala. Agad na kumapit sa kamay ko si Ricos.
"May batang excited oh!" Tumatawang sabi ko dito.
He hopped in place. "Tita Taling we'll play ha? Yung turo mo sakin, apir disapir!"
Narinig ko naman ang pigil na tawa ni Trigger kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Oh? May nakakatawa?" Inirapan ko ito. "Tarantadong toh."
"Bibig mo, naririnig ka nung bata." He tsked and pulled Ricos from me before he carried him and pinched his nose.
"Thalia, ang sasakyan na lamang ni Trigger ang gamitin niyo. Naroon na ang bag ni Ricos--"
"Lolo! Sasabay nalang kami sainyo!" I snapped.
"Four seater na sasakyan lamang ang ipapagamit ko kay Abner, Thalia. That counts my nurse." Nilingon nito si lola at hinalikan sa noo. "I'll be back for lunch, mi querida."
Ngumiti naman si lola dito. "Mag-iingat kayo. Brad, huwag ka masyadong magpaka-pagod."
Wala na akong nagawa pa nang sumakay na si lolo Brad sa sasakyan nito. Inirapan ko si Trigger na pangisi-ngisi sa tabi ko.
Padabog akong nag-lakad papunta sa sasakyan nito at akmang bubuksan ko ang pinto ng backseat nang mag-salita ito.
"Hoy, Thalia. Hindi mo ko driver, dun kayo sa harap umupo ni Ricos, halika dito." Umikot ito sa passenger seat at binuksan ang pinto. He cocked me a brow nang hindi ako tumalima.
"Ayoko diyan!" I hissed.
"Bakit?" He smirked and chuckled. "Sige, give me one good reason kung bakit sa backseat kita papaupuin."
Naningkit ang mga mata ko, hindi ko alam kung anong trip nitong Trigger na to sa buhay eh! "Tangina mo po!"
"Tangina mo po." Ricos giggled.
Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Trigger bago balingan si Ricos.
"What's tangina mo po? That sounds cute." He giggled again. "Tangina mo po, tito Trigger. Tangina mo po, tita Taling."
"Hoy! Batabatuta wag ka magsasabi nun okay?!" Pinandilatan ko ito ng mata at nilapitan sila, kinuha ko si Ricos mula sa braso ni Trigger. "Hindi ka pwede ng word na yun ha! Para lang yun kay tita Thalia, kasi bagay yun sabihin kay tito Trigger. Pero ako lang pwede mag-sabi nun, kasi pag narinig ka ni mommy mo sige ka lagot ka hindi ka na nun papa-alisin. Gusto mo ba yun?"
Umiling ito. "Hindi po. Mag-bebehave po ako, tita sexy."
"Good boy!" I smiled.
Niluwagan ni Trigger ang bukas ng sasakyan at inalalayan ako nito sa lower back ko. Sa inis ko ay siniko ko ito.
I heard him groaned at nagulat ako nang tapikin nito ang pang-upo ko bilang ganti.
Nang balingan ko ito ng masamang tingin ay nakangisi ako nitong kinindatan bago nag-lakad paikot sa driver's seat.
"Seatbelt on, young man." Nakangiting sabi nito kay Ricos.
"Yes, master." Sumaludo pa si Ricos dito na nasa kandungan ko bago abutin ng maliit nitong kamay ang seatbelt.
BINABASA MO ANG
Tempting Trigger
RomanceFor many years, Trigger has been so good in resisting temptations. He's always smart to know what's best for him. And Thalia Cameron is a walking and talking temptation every man would indulge at any time. She's like the apple of Eden waiting for hi...