Chapter Three

113K 3.7K 330
                                    

"Thalia, nandito sa bag na to ang lahat ng gamot ni Romee. Binukod ko na, para hindi ka mahirapan mag-hanap mamaya." Sabi ni mama habang inaasikaso ang mga dadalhin ko. "Mag-iingat kayo doon, Taling. Yung off lotion, wag mong kakalimutan. Baka mamaya malamok dun at magkasakit pa kayo. Kapag may nangyari na hindi maganda, puntahan mo kaagad si Kade ha? Bantayan mo ng maigi si Romee, Thalia."

Napangiti naman ako kay mama, kahit naman hindi sabihin ni mama ay iyon naman ang gagawin ko. Bukod sa lagot kaming lahat kay Haring Red kapag may nangyaring masama kay Romromi ay si Romromi iyon kaya dapat talagang ingatan.

"Kabisado mo naman na ang lahat ng bawal sa pinsan mo, huwag din kayong masyadong magpapagod doon Thalia ha?" Paalala ni mama.

"Yes, ma'am." I answered and continued eating.

Today we'll be having an overnight camp up in the mountain for our Advance Science subject. Reid wont be coming, because he has more important things to do than to attend a camp. Kaya naman hindi rin dapat papayagan ni Tito Red si Romee na pumunta, so I forced Kade to come and attend the camp. He's now first year college, kahit naman kasi mga college basta may Environmental Science na subject ay maaaring sumama. Wala na itong nagawa kundi pumayag at sumama, isa pa ayaw din naman nito na mag-alala kay Romee.

"Thalia, kumain kayo sa oras ha? Papaluin talaga kita sa pwet kapag ikaw nagpalipas." Mariing paalala ni mama.

"Opo, ma. Hindi niyo na kailangan pang ipaalala yan. Patay gutom si Bonifacia, hindi nakakalimot kumain iyon." Tinapos ko na ang almusal ko atsaka tumayo. Sakto naman na narinig ko ang busina ng sasakyan ni Tito Red.

"Ayan na sila, Romee. Mag-iingat kayo ha?"

Yumakap na ako kay mama atsaka hinalikan ito sa pisngi. "Kiss mo nalang ako ng madami kay papa, ma ha? I love you, babye!" Sinukbit ko na ang bag ko atsaka isinigaw ang pangalan ni Kade. "Kadee! Kadee! Andyan na si Haring Red, bawal pag-antayin iyon mababaril ka!"

Narinig kong natawa si mama sa sinabi ko. Baka akala niya joke iyon, totoo kaya yun!

Nakita ko itong pababa ng hagdan dala ang bag nito. He went to mom and kissed her cheek.

"Kade, ikaw na bahala sa mga pinsan mo ha? Mag-iingat kayo doon." Bilin ni mama dito. "At, Kade. Bawas bawasan mo ang paninigarilyo anak."

"Opo, ma." Iyon na lamang ang nasabi ni Kade bago ko siya tuluyang nahila palabas kung saan naroon ang sasakyan ni Haring Red.

Sumakay na kami ni Kade sa backseat. Si Romee nasa passenger seat katabi ng daddy niya na nag-ddrive.

"Good morning, Tito Red!" Masiglang bati ko dito.

"Good morning, Tito." Kade greeted.

He just nod his head and started driving off. Si Romee naman ay nilingon kami ni Kade. "Kumain na kayo ng breakfast? Here oh, I have plenty of cookies binake ni mommy."

Inabot nito saamin ang tupperware na naglalaman ng cookies. Agad ko namang binigay iyon kay Kade kasi alam kong patay gutom siya doon.

"Ikaw ba Romromi ay uminom na ng gamot mo?" Paninigurado ko.

"Oo, bago ako umalis pinainom na ko ni mommy. Pagtapos namin kumain." She smiled.

"Sigurado ka lang dyan ha?!" Tumango itong muli. "Very good, palagi mo kasing kinakaligtaan ang mga gamot mo. Very bad iyon."

Nakita kong napabaling saamin si Tito Red at napangiti, wala naman itong sinabi pa at nag-patuloy na sa pagmamaneho. Hindi naman malayo ang school kaya agad kaming nakarating sa tapat ng school kung saan naroon na ang mga bus na aming sasakyan.

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon