Chapter Fifty

105K 3.2K 1.5K
                                    

"Baby daddy, good morning..." Bulong ko sa pinasiglang tinig bago ko abutin ang kamay ni Trigger.

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilin ang aking luha. It's been six weeks now since the operation happened and until now Trigger is still in coma. Isa-isa kong hinalikan ang mga daliri nitong namumutla na ang kulay.

I felt a pang of pain in my chest as I look at him. Unti-unting tumutubo ang buhok nito na kinalbo para sa operasyon, gone with the healthy man I used to stare at every morning. Bumagsak ang katawan nito dahil sa daming tubo na nakakabit dito.

"Baby daddy, nandito na ko ulit." Dinala ko ang malaya nitong kamay saking sinapupunan na bahagya ng umuumbok. "Behave si baby baby kanina, hindi niya hinilo si baby mommy. Hindi rin siya lazy and sleepy kasi alam niya church day today and that we have to attend the first mass. Excited din siguro siya kasi binulungan ko siya kagabi na pinayagan kami ni Tito Dave mag-stay dito mag-hapon."

Hindi ko na naiwasan pa ang muling pag-baha ng luha saking mga mata. Sa araw araw na ginawa ng diyos sa loob ng anim na linggo ay walang pinalampas ang aking mga luha. Bawal mag-tagal ang mga bisita ni Trigger sa loob ng private room nito, that's the hospital policy. Mahaba na ang apat na oras para makasama ito, kaya naman hindi ko iyon inaaksaya. Tuwina'y kinakausap ko ito. Sabi ni mama sakin naririnig daw ako ni Trigger, ganoon daw dati si lola nang ma-comatose din ito dahil sa aksidente.

Pinahid ko ang luha saking mukha atsaka ngumiti. Mula sa dala kong shoulder bag ay inilabas ko ang isang itim na notebook. Humila ako ng upuan at ipinwesto iyon sa tabi ng kama na hinihigaan ni Trigger.

"Trig, dala ko yung notebook. Palagi ko naman tong dala eh. Pakiramdam ko pag-dala ko to kasama kita. Pakiramdam ko pag-binubuklat ko to at sinisimulang basahin, pakiramdam ko kasama kita." Hinaplos ko ang braso nito. "Payat mo na, baby. Pero ikaw parin ang pinaka-gwapong daddy sa paningin ko. Ikaw lang naman ang gwapo para sakin eh."

Hinaplos ko ang sinapupunan ko at muling huminga ng malalim.

"Stay put ka lang dyan baby baby ha? Babasahan ko kayo ni baby daddy ng story."

Binuklat ko ang notebook na hawak ko, si Tita George ang nag-bigay noon sakin. Nakita niya daw iyon sa mga gamit ni Trigger. Dala-dala niya iyon nang una niyang bisitahin si Trigger, isang linggo matapos ang operasyon matapos ipaliwanag sakanya ni Tito Zigger ang mga pangyayari.

Taliwas sa inaasahan, Tita George didn't have a breakdown. Sa halip ay ito ang malimit na nag-sasabing Trigger is a fighter and that she trusts her son to be brave enough to win the battle. Araw araw ko din silang kasama sa receiving area na nag-aantay ng pag-gising ni Trigger. Walang ni isa samin ang nawawalan ng pag-asa. Isa pa, itong notebook na ito ang isa sa dahilan kung bakit naniniwala akong makakayanan ni Trigger. Dito sa notebook na ito ko mas napatunayan na sobrang lakas ni Trigger. Tama si Tita George, he's a fighter.

"To Thalia..." Panimulang pag-basa ko. "I miss you. Yeah, Taling I miss you that fast. I was with you the whole afternoon, I was annoying and teasing you all day but still I already miss you. How I love to pull the bun of your hair, you wanna know why? Because baby, you look so damn pretty with your hair down. I miss you, Thalia Cameron. I'm longing to hug you again."

Napangiti ako, my heart flutter inside me. The letter was date years and years ago. I was eleven then. Yup, that's right. Base sa mga sulat ni Trigger dito sa notebook na ito, napatunayan kong totoo nga ang sinasabi niya. Trigger Martin had long been in love with me. All the struggles that he'd been through because of loving me was written in here. At sa loob ng ilang linggo ay ilang beses ko na iyong paulit-ulit na binabasa at sa wari ko'y kailanman ay hindi ako magsasawa sa kaalaman na mahal niya ako.

"Baby daddy ko, ngayon ba hindi mo ako namimiss?" Napalabi ako. "Sabi mo sa letters mo palagi mo kong namimiss, namimiss na din kita eh. Lika na ulit dito, kiss mo na ko ulit. Baby daddy please, gising na ikaw. Papakasalan mo pa ko, diba? Sabi mo gagawa pa tayo ng babies. Trigger gising na, masakit na yung heart heart ko."

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon