Chapter Twenty-Six

81.4K 2.8K 1.4K
                                    

Hanggang sa marating namin ang condo unit nito ay walang salitang namagitan samin ni Trigger. Si Ricos lamang ang kinakausap nito, mamatay naman na ang may pakialam at busy din ako sa paglalaro ng unblock me sa cellphone ko.

Naka-upo lamang ako sa couch habang ang dalawa ay pumunta sa kusina. Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. A mixture of three colors, white, black and brown. The interior is very simple, halatang lalaki ang nakatira.

Ang mga kagamitan, nakasalansan ng maayos at nasa lugar. Tumayo ako upang tignan ang naka-frame na diploma na nakapatong sa wooden shelf.

It has Trigger's name on it, ngunit hindi iyon ang tumawag ng atensyon ko. Kundi ang pangalan ang eskwelahan nito.

University of Colorado

Kailan pa napunta si Trigger ng Colorado? The last time I checked iniwan niya ako para pumunta ng Guam.

Nagulat ako nang may umabot noon mula sa likuran ko at itinaob iyon.

"Ricos wants milk." Masungit na sabi nito na hindi man lamang ako tinitignan. Tinalikuran ako nitong muli at binalikan si Ricos sa kitchen.

Inirapan ko naman ito bago kunin ang bag ni Ricos at sundan ang mga ito sa kitchen.

Nakatayo sa tapan ng stove si Trigger at si Ricos naman ay nakatayo sa upuan ba inilagay ni Trigger sa tapat ng stove.

"Tito master tol, gusto ko din matuto mag cook para ipag-cook ko si mommy." Sabi ni Ricos na talagang nakakapit ang kamay sa soot na polo shirt ni Trigger.

"Ano ba gusto mong lutuin para sa mommy mo tol?" Pagsakay ni Trigger sa sinasabi nito.

"Pasta din po tito master tol pogi!"

"Oh bat naman nadagdagan ng pogi iyan?" Napataas ang kilay ko. "Mahilig ka talaga mang-uto."

Nilapitan ko ang mga ito at kinarga si Ricos mula sa upuan na tinutungtungan nito, he was giggling.

Hindi parin umiimik si Trigger, hindi ko narin ito pinansin.

"Tita sexy, bakit po ikaw wala pang baby Ricos?" Tanong ni Ricos nang iabot ko dito ang bote ng gatas nito.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba pagkadaldaldaldal ng batang ito? Parang ako ata ang nanay nito at hindi si Paris.

"Mabait ba si daddy Aidan mo?" Tanong ko dito.

Mabilis itong tumango. "Opo, super."

"Oh iyon, wala pa kasing nakikilala si tita na kasing bait ni daddy Aidan mo kaya wala pang baby Ricos si tita." Nanggigigil na pinisil ko ang ilong nito.

"Eh, kailan po kaya magkakababy Ricos ikaw?" Tanong na naman nito.

"Matagal pa yun!" I rolled my eyes. "Yang milk mo nalang ang pansinin mo, wag na ako. Nako talaga kang bata ka!"

Humagikgik itong muli bago naupo ng maayos at ininom ang gatas nito.

Ako naman ay nag-hila ng upuan at pumwesto sa tabi nito. Being in the same room with Trigger and having to share the same air with him just made me think about what happened six years ago, ayaw ko man ay kusa iyong bumabalik.

This day really needs to end so I wont be seeing him again.

Maya-maya pa ay nag-hain na sa lamesa si Trigger. And I can see Ricos is beaming.

"Ayoko, hindi ako kakain." Sabi ko nang mag-lapag ito ng plato sa harapan ko, ngunit hindi naman ako nito pinansin.

"Tito master tol pogi! Ako na po mag-isa mag-e-eat!" Sabi ni Ricos.

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon