Chapter Forty-Seven

78.8K 2.6K 1.3K
                                    

I've slept for less than an hour and had been staring blankly at the ceiling for hours now. Some weird dream woke me up, a weird dream where I saw Trigger lying lifeless inside a coffin. And that's the reason why I couldn't sleep anymore, natatakot at kinakabahan ako na baka iyon muli ang aking mapanaginipan.

I know I have to sleep, but I can't. I can't stop thinking about Trigger.

I tried closing my eyes again trying really hard, ayoko naman ikasapanganib ni Tungsten ang hindi ko pag-tulog. I'll bet my own life for my baby's safety.

Ngunit wala pang tatlong minute akong nakakapikit ay tumunog ang aking cellphone, alumpihit akong nag-mulat ng mata at inabot ang cellphone ko sa bedside table.

A call from an unknown number. Normally, I wouldn't answer it but my gut feeling is telling me to hit answer. Who would be calling me in this ungodly time of the day?

"T-Thalia..."

Agad na umahon ang kaba saking dibdib na siyang nagpabangon sakin paupo nang marinig ko ang nangangatal na tinig sa kabilang linya. "Winter?"

"T-Thalia s-si T-Trigger..." Halos hindi na nito maipagpatuloy ang sinasabi dahil bigla na lamang itong napahagulgol.

"B-bakit? Anong nangyari kay Trigger?" Sinuong ng kaba ang aking dibdib nang mabanggit nito ang pangalan ni Trigger. Hindi ito makasagot at tila takot na takot ang gawi ng pag-iyak nito. "Winter putangina anong nangyari kay Trigger?!"

"T-Thalia, s-si Trigger... N-naaksidente..."

"A-ano?!" In an instant, tears started falling down from my eyes as flashes of my dream came across my mind. "N-nasan?! N-nasan si Trigger? T-tell me he's okay..."

"N-nandito kami sa Caloocan General Hospital---"

Hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinasabi nito dahil nabitawan ko na ang aking telepono. Mabilis akong bumangon at tumakbo palabras ng silid.

I need to see Trigger. I need to see him.

"Thalia..." Si Oxygen ang nakita ko sa baba na nakaupo sa couch hawak hawak ang can ng beer, mabilis itong napatayo nang Makita akong umiiyak. "Hey, why are you crying?"

"Gen.. G-Gen si Trigger.. I-I need to see him, Gen..." Mabilis akong naglakad patungo sa malaking pintong narra, uncaring if I have nothing in my feet.

"Hey! Thalia." Mabilis akong nasundan ni Oxygen, kinapitan nito ang braso ko at mula kung saan ay umabot ito ng isang bedroom slippers. "Wear that, nasan si Trigger? Sasamahan kita."

Wala na akong ibang nasabi kundi ang kinaroroonan ni Trigger. Hindi ko alam kung alin ang dapat na una kong maramdaman, ang takot na baka kung ano na ang nangyari sakanya? Ang panghihina? O ang sakit?

"Taling, hush... Everything will be okay." Pagpapakalma sakin ni Oxygen, hinawakan nito ang aking kamay na tila ba sinasabing hindi ako mag-isa. "Stop crying, makakasama yan sa baby."

Ngunit hindi ako natigil sa pag-iyak.

"Taling, you calm down okay? Let's just hope against hope that he's okay."

Ipinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit na umusal ng panalangin saking isipan. I know God will never fail me, I have enough faith in him. Pero hindi ko parin maiwasan ang labis na pag-bugso ng sakit saking damdamin.

Nang humimpil ang sasakyan ni Oxygen sa harap ng ospital ay agad akong bumaba at tumungo sa loob ng ospital.

"S-si Trigger?" Wala sa sarili kong tanong sa isang intern na nakasalubong kong may hawak na dextrose.

"Ma'am? Doon na lamang ho kayo mag-tanong sa front desk--"

Hindi ko na ito pinatapos pa at mabilis na tinakbo ang front desk na sinasabi nito. The nurse assigned is answering a call but I don't care.

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon