Chapter Twenty-Three

76.8K 2.9K 1.7K
                                    

Dashiel smiled and winked at me nang lingunin ko ito matapos kong tingalain ang fireworks display sa pinagdalahan nito sakin.

"It's beautiful. A for effort ka dyan ha! Very good." I giggled.

Dash and I had been going out for a month now. But I made it clear to him that I can't offer anything more than friendship, hindi naman sa nagmamaganda ako pero kasi halos araw-araw na kaming lumalabas labas ni Dash and he's a good friend that I don't wanna lose kaya naman mabuting nililinaw na habang maaga palang. Tinawanan lang naman ako ito nang sabihin ko iyon rito.

"So, what are we doing here in the park bukod sa panonood fireworks display?" I frowned.

He shrugged. "Have dinner with me tonight, Thalia."

"You know I can't, I have to attend a family dinner." Nginitian ko ito. "Isa pa, I don't want you to ditch your mom and your sister. May dinner kayo hindi ba?"

"Oh shit, I forgot." He scratched his head like a boy.

"Hoy, pala Dashiel! Balita ko the 'eeeeew with five e and a single w' girl is already here. Diba ex mo yun?" Humagikgik ako.

"Ah, si Gabby. Baliw. Gabbana and I were really good friends up until now. Isa pa, that was a stupid mistake I made." He rolled his eyes.

Natawa naman ako dahil alam ko ang ibig nitong sabihin.

"You know Dash that's normal, lalo pa't hindi mo naman alam." Napailing ako at natawa. "Dashiel bili kang cotton candy ko!"

"Ayoko wala akong pera." Masungit nitong sabi.

"Letse, magiging square ang buwan pero hindi ka mawawalan ng pera." Iningusan ko ito. "Dali na, sampung piso lang yan madamot ka!"

"Ayoko, kapag bumili ka niyan ipipilit mo na naman sakit ipakain." Pagmamatigas nito.

Natawa naman ako, kahapon kasi nag-pabili ako sakanya ng isaw at barbecue sa nadaanan namin. Hindi ko na naubos yung barbecue kaya pinakain ko sakanya, buti nga hindi isaw eh!

"Ang arte mo naman! Isang stick lang yun parang kala mo magkaka-ketong ka na kung makapag-ano ka!" Inirapan ko ito bago naglabas ng sampung piso mula sa bulsa ng maong shorts ko. "Dyan ka na nga, ako na bibili baka mapikon ako sa kaartehan mo at elbowhin kita diyan tamo lang."

"Thalia, wag ka ng bumili niyan!" Awat nito.

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-arte ni Dashiel at tinungo ang stall ng cotton candy. Bumili ako ng isa, I rolled my eyes.

Bakit naman kasi kailangan kulay pink? Tangina ang korni, wala bang cotton candy na black? Kundi lang to masarap ibabasura ko to eh.

"Dash, kain oh!" Pang-asar na inalok ko ito, ngumisi ako nang mairita ito. "Arte arte, kala mo napakalinis nitong bes kong to."

Sayang-saya akong kumain ng cotton candy bago ako naupo sa hood ng sasakyan nito.

"So sarap, wanna try?" Humagikgik ako nang iritado ako nitong lingunin.

"Madumi yan. Tignan mo nga kung gano ka-kalawang yung pinaglulutuan niyan." Umirap ito.

"Sus, kala mo talaga to! Yung kinain mong barbecue kahapon nasarapan ka naman. Sus sus sus Dashielito!" Dinutdot ko ang daliri ko sa pisngi nito.

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon