Chapter Twenty-Nine

83.9K 2.8K 1.3K
                                    

"Ang ganda mo po." Nginisihan ako ni Trigger nang mag-angat ako rito ng tingin.

Inirapan ko ito at muling niyuko ang ginagawa ko. "Lumabas ka, bawal ang ibang tao dito sa office namin ni Romee."

Hindi naman ito nakinig, pinagpatuloy lang nito ang paglalaro sa stress ball na nakuha nito sa mesa ni Romee.

"Pakialamero ng gamit ng may gamit, ibalik mo na yan Trigger at umalis ka na. Naihatid mo na ko diba?" Inirapan ko ito.

"Sungit naman ng baby ko." He chuckled again.

"Ano bang nakain mo bat maligaya ka pa sa maligaya?" Hindi ko na ito nilingon pa at nag-patuloy na lamang sa pag-ssketch.

"Seeing you in the morning before anyone else, makes my day perfect." He said.

Halos sampal-sampalin ko na ang sarili ko. No Thalia Cameron, hindi ka kinikilig! "Tigilan mo ko, hindi ka nakakakilig."

Ilang designs na ang natapos ko ngunit naroon parin si Trigger na tahimik na pinapanuod ang bawat galaw ko. Pilit ko namang hindi ito pinapansin.

"Taling, ayaw mo ba talaga akong kasama?" May pagtatampo sa tinig nito. "Ayaw mo kong pansinin eh."

"Trigger, oo ayaw kitang kasama. Umalis ka na at marami pa kong ginagawa." Masungit kong sabi.

"Sungit naman ng baby ko eh." Malambing nitong sagot nago lumakad papalapit sa lamesa ko. Itinukod nito ang isang braso sa lamesa bago yukuin ang ginagawa ko. "Ang galing talaga ng baby ko..."

Napapikit ako at inis na bumuntong hininga. "Trigger can you stop calling me baby?"

"I can't, baby." He whispered, then I felt him kissed the top of my head. "Wag ka ng mainis, aalis na ko."

Tiningala ito, nginisihan ako nito. But then, I never missed to see the sadness in his eyes.

Nanatili akong nakatitig sa mga mata nito, ganoon rin ito sakin. Sa ganoong tagpo bumukas ang pinto at iniluwa si Romee at Zach.

"Anong ginagawa ng tarantadong iyan dito?" It was Zach who sneered.

"Zach!" Suway ni Romee dito bago kapitan ang braso. "Sorry, we didn't know you have a visitor. Lalabas nalang muna ka--"

"No need, I was about to leave." Sabi ni Trigger habang nananatiling nakatitig sakin.

I don't know why but when he said the word leave, I felt a sudden pang in my hert. That made me get into my feet. "I-ihahatid ko na siya sa labas."

Hanggang sa makalabas kami ni Trigger ay hindi ito nakawala sa matalim na titig ni Zach. We both stood in front of his car, hindi ito gumagalaw.

"S-sige na, baka may gagawin ka pa." Sabi ko.

"Palagi naman akong may ginagawa..." Bagot nitong sagot.

"Oh, busy ka pala naabala pa kita." Nilingon ko ang sasakyan nito. "Alis n---"

"Busy ako kakaisip sayo." He chuckled and kissed my cheek.

"Ano ba?!" Pinahiran ko ang pisngi ko. "Nakakiss ka lang kagabi namihasa ka naman! Wala kang karapatan halik-halikan ako ha!"

"I'm your boyfriend." He shrugged.

"Was." Mariin kong sabi.

"We never broke up..." He says matter-of-factly.

Napairap naman ako. "Ang gago mo. Trigger that was six years ago, nung mahal pa kita!"

He shrugged. "Still no break up happened, Thalia Cameron."

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon