Chapter Sixteen

88K 2.7K 599
                                    

"Nako, eto na naman po ang mga langgam." Umirap si Iya nang matanawan niyang papalapit si Trigger sa bench na kinauupuan namin. "Hindi ko alam kung bakit kailangan ka pang ligawan ni Trigger, eh for sure naman pag-naging kayo uutusan ka lang niyan na tulungan siyang mapalapit sakin. Well di ko naman siya masisisi, nakakahiya naman talaga sa kagandahan kong taglay. But be careful Thali, it will break your heart."

"Wag mo ng pinapansin ang mga pinagsasabi ni Iya, kahit ano naman sabihin niyan negra parin siya." Humagikgik si Romee.

"Romee hah! Lalo atang tumatabil ang dila mo nag-college lang tayo!"

"Pag naging honest, tumabil agad yung dila?" Inirapan ko si Iya. "Truth hurts. Truth burns you."

"Double burn ka na." Humagikgik muli si Romee.

"Kayong mag-pinsan talaga, inggit na inggit kayo sa kutis ko."

"Kutis patis." Nginisihan ko ito.

"Grabe noh? Miss na miss niyo ko noh? Ganyan kayo sakin! Ngayon na nga lang tayo nag-kita-kita! Mga insecure talaga kayo!"

Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko saking balikat. "Ewan ko sayo, dumi!" Nilingon ko si Romee. "Romromi kita nalang tayo sa class, I love you!"

Iyon lamang at sinalubong ko na si Trigger. Mabilis ako nitong hinalikan sa pisngi nang makalapit.

"Go team Thager!" Dinig kong sigaw ni Romee na siyang nagpainit ng aking pisngi.

"Triya kaya mas bagay!" Sigaw naman ni Iya.

"Trita kaya yun kasi Ita ka." Humagalpak na naman ng tawa si Romee. "Bye, Thager!"

Hinila ko na si Trigger papalayo bago ito kurutin sa braso. "Ikaw ang harot harot mo! Sabi ko sayo wag mo ko ikikiss sa harap ng madaming tao."

"Kinahihiya mo ba ko, Thalia?"

Nilingon ko ito at nakita kong kunot na kunot ang noo nito. "Hindi be ano ba! Baka kasi masumbong tayo kay papa, ayoko ng ganun!"

"Bakit kasi ayaw mo pa na ligawan kita sa bahay niyo para hindi tayo nag-tatago?" Medyo iritado ang tinig nito, bago nito buksan ang pinto ng sasakyan nito.

Sumakay ako doon at hinintay itong makasakay.

"Lagi nalang tayong ganito, palihim na nag-d-date."

"Trigger naiintindihan mo naman ako diba?" I sighed deeply.

"Thalia, tatlong buwan na tayong ganito." He sighed, frustrated.

"Sorry na, you know I don't want papa to get disappointed--"

"For you having me as a boyfriend? So yeah, I'm a disappontment." Umingos ito.

"Grabe siya oh, di pa sinasagot boyfriend na. Asyumero naman." Ngumisi ako nang lingunin ako nito ng nakamamatay na tingin. "Sorry na, be kasi naman. Maiintindihan mo naman ako diba? Ako lang yung baby nila, kaya please? Let's take it step by step." I held his hand and sighed. "Ayoko na matulad tayo kay Ethan at Caice. Ayoko, Trig kasi sayo ko lang gusto."

He sighed again and held my hand tightly. "Kung sasagutin mo ko, itatago mo parin ako?"

"Trig-"

"Thali, I want the world to know how much you're mine."

Napangiti ako sa sinabi nito, I leaned closer to him and gave his lips a quick but sweet kiss. "We'll cross the bridge once we get there, okay? I love you, Trigger. I love you."

"I love you, too..." He closed his eyes and kissed my forehead.

Napalingon ako kay Trigger nang maramdaman na gising na ito sa tabi ko. Humihikab na kumunot ang noo nito bago mag-lipat ng tingin sa ginagawa kong sketch sa harapan ko.

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon