Naging mabilis ang takbo ng bawat araw yet everday spent with Trigger is worth it.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng hall habang bumababa ako ng stage kasama ang aking mga magulang. Flashing bulbs were every where. Maraming tao, maraming nagbubunyi dahil sa wakas magkokolehiyo na kami.
"Thalili!"
Napalingon ako kay Romee nang tumili ito sa harapan ko. Tulad ko'y nakasuot pa ito ng toga at hawak hawak pa ang nakarolyong diploma.
"Congratulations satin!" Mahigpit ako nitong niyakap. "Isa isa na nating natutupad yung dreams natin, see naka graduate na tayo ng high school! With honors pa!"
"Congrats Romromi. Love love you." Nakangiting sinuklian ko ang yakap nito.
Humiwalay naman ito ng bahagya at tinitigan ako sa mata bago bumulong. "You're not happy."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kung merong isang tao na labis na nakakakilala saakin, si Romee yun. Kaunting galaw ko lang, alam na ni Romee ang ibig sabihin.
She sighed and then he turned into his parents who's talking with my parents. "Mom, dad magiikot lang kami ni Thalia sa hall to congratulate our classmates ha?"
"Romee, you mi--"
"Go on, love." Tita mommy Chi smiled at Romee, bago hawakan ang braso ni tito Red na akmang tutol. "Red, loosen up a bit."
"Chiara--"
"Shut up, Santa de Leones." Binalingan nito si tito Red ng isang mapanganib na tingin bago malambing na ngitian. "Sige na love, pumapayag na ang daddy mo."
Mabilis na akong hinila ni Romee papunta sa mga kaklase namin. Nakita namin si Bonifacia na nakatayo sa tapat ng spot light habang nag-seselfie.
"Gosh, tisay feels!" Tili nito.
"Hoy, libag." Tawag ko dito.
Napalingon naman ito saamin. "Oh hi, insecure duo." Muli itong nag-selfie ng ilang ulit bago ibulsa ang cellphone nito at tuluyan kaming balingan. "Congratulations!"
Mahigpit kami nitong niyakap atsaka naglululundag. "Sheeet! College na! Magiging ka-building ko na si Kade!"
"Bakit? Industrial Engineering kukunin mo na course?" Kunot-noong tanong ni Romee.
"Tangina ka, manlulupa. Mukha ka lang lupa pero hindi ka bagay sa course na yun, ikaw pa nuknukan ka ng arte." Sabi ko.
"God, you and your eewy mouth!" She sneered.
"You and your eewy self." Ganti ko. "Nasan si mamshie Bonie?"
Biglang umasim ang mukha nito. "Nandun, nakakita ng kakilala ayun. You know naman my momdy, so sikat."
Momdy ang tawag nito sa ama nitong si Bonie Sandoval na isang tanyag na director. Ang kwento saamin ni Iya, her mom Jyn Vera was a famous make up artist - na hindi sinasadyang mabuntis ng isang direktor. Well obviously he's gay. Two months after Iya was born, her mom commits suicide. Doon lang din nalaman ni mamshie Bonie ang tungkol sakanya.
"Hi Thalia, Romee at Iya." Napalingon kami sa bumati saamin, it was Billgates wearing his thick glasses. "Congratulations."
Nginitian namin ito ni Romee, samantalang si Iya ay umirap bago bumulong. "Nerd."
"Congratulations din, Bill." Nginitian ko rin ang kapatid nitong tahimik na nakatayo sa likuran nito. "Sayo din, Trake."
Isang tipid na ngiti lamang ang sagot saamin ni Trake. Trake is a year older than Bill pero last year ay naoperahan ito kaya huminto ito sa pag-aaral at nakasabay namin.
BINABASA MO ANG
Tempting Trigger
RomanceFor many years, Trigger has been so good in resisting temptations. He's always smart to know what's best for him. And Thalia Cameron is a walking and talking temptation every man would indulge at any time. She's like the apple of Eden waiting for hi...