"Tita, kapag tinawagan po ako ni Dash o kapag po na-contact ko na siya kayo po ang unang una kong sasabihan." Sabi ko kay Tita Aira nang makausap ko ito sa telepono.
"Maraming salamat, Thalia. I just need to see my son. Right now I'm all weak." Malungkot nitong sabi.
"Tita, kumalma ho kayo. Hindi po makakatulong kung labis kayong mag-aalala baka kayo naman ang magkasakit." Pagpapakalma ko dito.
Maya-maya pa ay nag-paalam na ito. Tita Aira is now as devastated as hell, kaya naman sina mama at Tita George ay halos doon na tumira sa bahay ng mga ito.
Dumagdag pa si Dashiel na isang buwan ng hindi nagpapakita sa kahit na sino. I know Dash is hurting, I tried calling him but he's not picking up. I have no idea about his whereabouts, gusto ni Tita Aira na ipahanap na ito kanila Tito Benok but Tita Nisha said that what Dash needs at the moment is time to heal his own wounds.
The whole Mendrez' clan is suffering in deep sadness right now. Kaya naiintindihan ko din si Dash kung bakit gusto niyang lumayo at manatiling mag-isa nalang.
"Nasan kaya nagsuot si Dashiel noh?" Tanong ni Romee na nasa table nito at abala sa pag-ssketch.
"Hindi ko nga din alam." I sighed heavily. "Pero sana safe siya kung nasan siya ngayon."
"Sana nga..." Bigla nitong ihininto ang ginagawa at ibinaba ang lapis na hawak. "Ay alam mo ba Thalili, may knwento si Tita George sakin! Kahapon kasi diba nandun ako sa kanila para sukatan na siya, nagkakwentuhan kami. Ang sabi niya sakin, hindi naman sa Guam nag-aral si Trigger--"
"Sa Colorado, nakita ko nung sinabi ko sayo na dinala niya kami ni Ricos sa unit niya." I rolled my eyes. "Diba? Pati nanay niya pinag-sinungalingan niya. Ibang klase din."
"Hindi Thali there's more!" Sabi nito. "Alam mo ba, ayon kay Tita George sa buong duration ng stay ni Trigger sa Colorado he didn't ask for any cent from his parents. As in nada. Ang mahal mahal ng standard of living sa states, even the tuition fee costs a fortune. They're wondering how he survived without any help from his parents, she once asked Trigger about it and Trigger just said that it's because of hard work and perseverance. So they stopped asking trying to push it." Romee shrugged. "Well, I was just wondering too."
Napaisip ako sa sinabi nito. Pero inihinto ko rin iyon nang isang tanong ang humarang saking isipan. Pakialam ko naman.
"Wala akong pakialam, Romromi. Edi siya na ang wow." I rolled my eyes.
I haven't been seeing Trigger since the day he sent me home which is two months ago. Marahil ay nasa Cagayan pa ito, kagaya ng sinabi nito sakin.
"Ay, Thalili. Since madadaanan mo naman ang MGH on your way home, pwede mo bang ihatid kay Paris yung frosted cake na binili ko kanina. Kasi naipangako ko yun kay Ricos eh hindi na ako makakapunta sakanila kasi magkikita kami ni Lance ngayon." Sabi nito.
"Sige, no problem." I smiled.
Maaga kong natapos ang mga designs na ginagawa ko kaya naman maaga akong naka-alis ng shop. Nauna pa ako kay Romee dahil susunduin daw siya ni Zach sa shop bago nila kitain si Lance.
I drive my way to Mondragon General Hospital kung saan nagtatrabaho si Paris. Well, Paris is soon to be Neurologist. Malapit na nitong matapos ang med course nito at ayon sa tito nito na si Dr. Dave Mondragon ay, he wanted Paris to take over the management of the whole hospital. Dahil ang lalaking anak nitong si Daniel ay hindi naman sumunod sa yapak nito, ganoon din si Vini na ngayon ay broadcast journalist na.
Hindi pa nakakapag-tapos si Paris pero ngayon palang ay hinahasa na siya ni Doc Dave para maging isang dalubhasang doctor kagaya nito.
Nag-dirediretso ako sa opisina ni Paris, nakita ko doon ang assistant nurse nito. Ang sabi ay nag-rrounds pa daw ito kaya naman pinapasok niya muna ako sa opisina ni Paris.
BINABASA MO ANG
Tempting Trigger
RomanceFor many years, Trigger has been so good in resisting temptations. He's always smart to know what's best for him. And Thalia Cameron is a walking and talking temptation every man would indulge at any time. She's like the apple of Eden waiting for hi...