"Hey? Okay ka lang?" Kunot-noong tanong ko kay Trigger nang balikan ko ito sa office namin ni Romee.
Mula sa pagkakayupyop nito sa table ko ay nag-angat into ng tingin sakin. "Opo, inaantok lang po ng konti."
Nilapitan ko ito at ipinatong ang folders na hawak ko sa lamesa bago sapuhin ang mukha nito at pakatitigan ito. Halata sa mga mata nito na antok na antok itong talaga.
Hinila ako nito at maingat na pinaupo sa kandungan niya bago yumakap ng mahigpit sa bewang ko.
"Okay ka lang talaga?" Muli kong tanong. "Wala ka naman lagnat baby daddy pero bakit ganyan ka?"
"Antok na antok lang talaga ako baby mommy." Tamad na tamad nitong sagot.
"Ikaw kasi eh, di ka na nagpapahinga." I tsked and wrapped my arms around his neck bago ko halikan ang noo nito. "I love you, kahit ang pangit mo."
"I love you, kahit ang takaw mo." Ngumisi ito. "Kiss mo ko ng marami baby para magising ako."
I did. I planted tiny kisses all over his face as I giggled. "Uwi ka na muna, get some rest sunduin mo nalang ako mamaya. Dito lang naman kami nila Lance, since close naman ang shop mag ffood trip lang kami. Nawalan ng gana si Iya gumala dahil sa pashnea na Valerie na yon."
"Dito nalang din ako." Yumakap ito sakin na parang bata bago halik-halikan ang balikat ko paangat saking leeg. "Antok talaga ako, baby mommy."
"Kaya nga, uwi ka tapos matulog ka. Sunduin mo nalang ako mamaya, pupunta dito si Paris eh isasama niya si Ricos." I stroked his hair. "Alam mo ba baby, nanghihinayang ako kay Zander at Romee. Kaya lang sa nakikita ko, Ethan is serious about Romromi."
He shrugged. "Let their love dictate their fate."
"Lalim nun ah!" Tinawanan ko ito nang bigla akong may naalala na nagpataas saking kilay. "Ay oo nga pala Trigger, si Winter pala nakabalik na last month. Hindi ako naniniwalang hindi mo alam. Papansin sayo yung tanginang yun eh, malamang na ikaw ang unang pupuntahan non."
Nakita kong umilap ang mga mata nito at agad na nag-bago ang timpla ng mukha nito. "Yeah."
"Bakit di mo sakin sinabi?" I frowned.
"Nawala na rin sa isip ko, it's not that important anyway." Muli itong ngumiti at hinalik-halikan na naman ako sa pisngi. "Wag ka ng sumimangot papangit baby natin."
"Trigger wala pa nga!" Pinisil ko ang ilong nito.
"Nag-text sakin si Tungsten, on the way na daw siya." Tumatawang sabi nito.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ibabaw ng lamesa at itinapat iyon saking tenga. "Hello, Tungsten.... oo? ay? nasiraan ka? mga five years pa bago maayos? sige ako na magsasabi kay baby daddy." Ibinalik ko yun muli sa lamesa at binalingan si Trigger na nagpipigil ng tawa habang pinapanuod ako. "Nasiraan daw siya baby daddy, five years daw aabutin bago siya makarating."
"Niloloko mo ko, di naman tumunog yung phone mo." Ngumisi ito.
"Di pwedeng naka-silent?"
"Hindi umilaw!"
"Bakit ba pakialamero ka, pundido nga!" Inirapan ko ito.
Muli itong humikab kaya naman napapailing na tumayo ako mula sa kandungan nito. I held his hand and pulled him up.
"Uwi ka na baby daddy, matulog ka." Yumakap ito sakin at sumubsob saking leeg natawa naman ako. "Hoy, bata! Uwi na sunduin mo nalang ako mamaya."
Nag-angat ito ng mukha at pinagtama ang aming mga mata, hindi na ko nagulat pa nang sakupin nito ang aking mga labi sa isang matamis na halik na siyang agad kong tinugon.
BINABASA MO ANG
Tempting Trigger
RomanceFor many years, Trigger has been so good in resisting temptations. He's always smart to know what's best for him. And Thalia Cameron is a walking and talking temptation every man would indulge at any time. She's like the apple of Eden waiting for hi...