Chapter Fifteen

83.1K 2.7K 488
                                    

So okay, mahal ko nga si Trigger. Mahal ko nga siya, mahal ko siya. Eh ano naman?

Naiinis na hinila ko ang buhok ko bago muling mamaluktot sa kama. Kanina pa ako hindi mapakali, iniisip ko parin yung realization na sumampal sakin.

"Tanginang buhay to oo!" I groaned again.

Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Mabasa ko palang ang pangalan ni Trigger ay hindi ko na mawari ang nararaamdaman ko.

I sighed deeply and picked up the phone.

"Bakit?" Bungad nito.

I texted him fifteen minutes ago to give me a call. At base sa tono ng boses nito ay nag-tatampo parin ito.

"Thalia marami pa kong tatapusing proj--"

"I love you..." Wala sa sariling bulong ko.

"Ano?" Halata ang pagkabigla sa tinig nito.

"Wala!" Sigaw ko. Kailan pa naging sagot sa I love you ang ano? Napakabobo nitong lalaki na to ha! "Nakakainis ka, alam mo yun?!"

"Ah."

Ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan, hindi ko alam pero naiinis na ko sakanya. Ang pangit ng pagmumukha niya!

"Sige na, bye na. Tatambay ako sa tree house ko ikaw gumawa ka ng projects mo. Bye!"

Matapos kong putulin ang tawag ay nag-bihis ako ng simpleng pedal pusher at t-shirt bago ko tunguhin ang tree house ko.

Tinawagan ko si Romee para samahan ako pero sabi nito bawal daw siya pag-gabi. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Romee pag gabi o sadyang tulog lang talaga siya kasi one time tnry ko siyang tawagan ng alas-dose ng hating gabi naka-off ang phone niya. Romee never left her phone unattended.

"Now what, Thalili?" I sighed and sat above the wooden bed na may manipis na mattress.

Pakiramdam ko mababaliw ako, I need someone to talk too. Si Trigger sana, kaso busy naman siya. Si Romee, hindi naman pwede.

I scanned my phone contacts, nang mapasadahan ko ng tingin ang phone number ni Gen. Si Oxygen at si Zach na siguro ang dalawang taong pinakahuling nanaisin kong kausapin. Pero kaysa naman mabaliw ako, diba?

"Gen, kailangan ko ng kausap." Iyon agad ang bungad ko rito.

"Baliw. Nababaliw ka na."

"Siguro nga." I sighed. "Puntahan mo ko dito, Gen. Inuman tayo."

"Gago to oh. Kokotongan kita pag-uminom ka tamo." Sabi nito. "Nasan ka ba?"

"Ang ingay naman dyan! Nasan ka ba Oxygen?! Nasa bar ka noh?! Naghahanap ka na naman ng pepe! Susumbong talaga kita sa mama mong tangina ka!"

"Ito kj. Birthday ng kaklase namin ni Zach. Nandito kami kasama ko sila Dash, sila Trigger---"

"Trigger?" Nangunot ang noo ko.

"Oo si Trigger. Nandito nga si Kade eh." Pagkkwento nito.

"S-si Winter ba nandyan?" Halos bulong na lamang iyon na lumabas saking bibig.

"Oo, kasama si Autumn..."

Hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa narinig ko. Trigger is there, Winter is there too... sabi niya sakin marami siyang project na tatapusin.

I chewed my bottom lip when I felt something painful hit my heart.

"Taling? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. "Nasan ka ba? Pupuntahan kita."

Hindi ako sumagot.

"Sandali lang, pupuntahan kita. Ano bang nangyayari sayong babae ka?"

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon