Chapter Six

116K 3.3K 412
                                    

"Taling, sure ka ba bukas sa plano natin?" Tanong ni Romee nang lumabas ang Science teacher namin para kumuha ng papers sa faculty room.

"Oo, wala naman na tayong pasok bukas kasi sembreak na." Tumango ako.

Today is our last day of school, kakagaling lang namin galing sa camping. Ngayon ay pasahan lamang ng mga projects for the grading period.

At dahil walang pasok bukas ay niyaya ko si Romee na mag-pabody massage. Ipapamassage ko nadin ang boobs ko dahil walang epekto kung ako lang ang gagawa, naisip ko na baka nasa kamay ng iba ang magic.

"Okay, nag-paalam na ako kay daddy. Sabi ko din sainyo ako matutulog." Nakangiting sabi nito.

"Very good ka talaga Romromi kaya love na love kita eh."

"Saan kayo pupunta bukas? Sama!" Sabi ni Iya.

"Bawal ka dun, no pets allowed bes." Ngisi ko dito na siyang tinawanan ni Romee.

Akmang sasagot si Iya nang mag-salita si Romee. "Oo na, Iya sasama ka na. Wag na kayong mag-sagutan baka maabutan tayo ni Miss Rama. Alam niyo naman iyon."

Umingos si Iya ngunit hindi narin naman na ito nag-salita pa. Maging ako ay tahimik na nangalumbaba na lamang sa aking lamesa. I was thinking about my boobs again.

Hindi ko alam kung saan ko ba napulot ang frustrations ko about sa dibdib ko. Basta one day I woke up being envy to girls of my age having their pair of boobs grow. Nagising nalang ako isang araw na minuminuto nang binabantayan ang pag-laki ng boobs ko na siyang hindi naman nangyayari.

Kung noon ang gusto ko'y tumangkad kaya ako nagtatatalon pag new year, ngayon ang gusto ko naman magkaboobs.

Akala ko dati kapag nagkamens na ko matik na yung pagusbong ng dede ko, kaso naman bes ilang taon na kong dinadalaw ni Regina buwan buwan wala namang paglaking nagaganap. Mas maumbok pa ata ang tuhod ko kaysa sa dede ko eh.

Dumating ang oras ng dismissal na puro paglaki ng dede ang siyang umaabala saaking isipan. Kung sana'y sing dali lang ng pagdidilig para tumubo ang pagpapalaki ng dede edi sana binabad ko na sa tubig ang dibdib ko diba? Kaso hindi eh.

Nang makalabas kami ay nag-paalam muna ako kay Romromi na mag-ccr lang. Nag-paiwan naman ito sa bench, kampante naman ako dahil dumating si Zander at Ethan.

Nakayuko akong nag-lalakad habang ang dede ko padin ang iniisip ko. Yung kaklase kasi namin, si Max Imperyo ang ganda ng boobs niya. Goals na goals. Pati yung kapatid ni Ekis, si Baraha dede goals din. Eh, magkaka-edad lang naman kami.

"Aray!" Ingit ko nang mabangga ako nang nasa harapan ko. Nakita ko si Trigger na nakayuko sa cellphone nito at abala sa pag-tetext. "Romanov, kung magtetext ka maupo ka sa isang tabi!"

Nilampasan ko na ito. Tuwi nalang kasing makikita ko si Trigger ang natakbo sa isip ko ay yung kung paano ko minassage ang boobs ko sa harap ng screen habang nagvivideo chat kami. Medyo oklog ako sa part na iyon at aminado ako doon.

I can feel my cheeks burning as I remembered the exact scenario.

Why the hell did I do that, only the demon knows!

"Hoy, Taling."

Napaigtad ako nang maramdaman ang pag-patong ng braso nito sa balikat ko. I moved away, but he just caught me again. "Ano ba?!!"

"Bakit ba ang sungit mo?" He frowned. "Thalia Cameron, ipapaalala ko lang sayo. We share a dirty secret."

Agad nanlaki ang mga mata ko. How dare him remind me of what I did! "Douchebag!" Siniko ko ang sikmura nito at akmang kakawala dito nang higpitan nito ang kapit. "Ano ba!"

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon