Chapter Four

114K 3.5K 448
                                    

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng kiliti sa bandang tenga ko, kaya naman malakas akong napasinghap ng magmulat ako ng aking mga mata at matantong gahibla na lamang ang layo ng mga mukha namin ni Trigger.

"Romanov!" Mabilis akong napalayo dito.

Napapalatak naman itong kaagad bago mag-mulat ng mga mata. "Yung bunganga mo Thalia, kahit kailan talaga hindi pwedeng manahimik."

Bahagya pa akong dumistansya dito at iyon din naman ang ginawa nito ngunit ang kaniyang kamay ay nanatili saaking bewang.

Pilit kong inignora iyon at inilibot ang tingin saaking paligid nang matantong wala ng tao sa bus bukod saaming dalawa.

"Hoy nasan sila?!" Tanong ko dito.

"Don't know. They maybe having their lunch." He said.

"Hala ka! E bakit di ka nanggising?!" Madali kong kinapa ang cellphone ko saaking bulsa upang tawagan si Romee.

"Paano ako manggigising, tulog din ako. Stupid." He muttered arrogantly, kaya naman mabilis kong nasabunutan ang ulo nito. "Aray Taling! Napakasadista mo talaga--"

Mabilis kong tinakip ang palad ko sa bibig nito at sinenyasan itong tumahimik nang sumagot na si Romromi sa kabilang linya.

"Hello, Rom nasaan kayo? Lunch niyo nadin ba?" Napalingon ako sa bintana sa labas kung saan nakahimpil kami sa tapat ng isang stop over.

"Nasa bus lang kami ni Iya, hindi na ako pinababa ni Kade. Mainit kasi masyado." Pagkkwento nito. "Kumain ka narin Taling, bawal kang magpalipas lagot ka kay mama Nae."

"Opo, kakain na. Ikaw bebe wag mo masyado idikit yung face mo kay Iya baka magkapalit kayo nako Romromi sinasabi ko sayo lugi lahi natin sa libag na yan!" Pagbibiro ko.

Agad ko namang narinig ang kontesta ni Iya mula sa background, hauling insults about my boobs na ikinatawa ni Romromi.

"Sige na kakain na ko. Miss na kita agad Romromi." Malungkot kong sabi.

"Miss na din kita, Taling." I heard her sigh. "Sige na kumain ka na dyan! Bye Thalili love you!"

Nang maibaba ko ang tawag ay binalingan ko si Trigger. "May baon ka?"

Umiling ito.

Nangunot naman ng noo ko. "Paano ka kakain?! Sa kaartehan mong taglay, Trigger alam kong hindi kakain ng pagkaing binili sa stop over na iyan."

He shrugged and leaned comfortably on his seat. "Andyan ka naman eh, ikaw nalang kakainin ko."

Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. "Pardon?!"

"Sabi ko makikikain ako sa baon mo." Nauna pa itong nagkalkal sa bag ko. "Ano bang niluto ni mama Nae?"

"Wag ka ngang nakiki-mama!" Sita ko dito. Inagaw ko dito yung kutsara ngunit nakuha lamang nitong muli iyon. "Hoy akin yan!"

"Huwag kang madamot. Share tayo." Binuksan nito ang tupperware na naglalaman ng kanin at ulam. "Hmm, bango. Favorite ko to, pork steak."

"Tangina mo nakikigaya kang patay gutom ka!" Aagawin ko sana mula dito ang tupperware nang kagayin nito ang likod ng kamay ko. "Aray!"

"Wag ka kasing madamot! Share nga eh!" Mariin nitong sabi bago mag-simulang sumandok ng kanin na may ulam at nagsimulang kumain.

"Ay wow galing, share na share talaga tayo sa lagay na iyan." Inirapan ko ito.

Nabigla ako nang iumang nito saakin ang kutsara na may lamang kanin at ulam. "Ang tagal naman Thalia, nagugutom pa ko!"

"Ang kapal ng mukha mo! Akin kaya yan!" Wala na akong nagawa pa kundi tanggapin ang iniumang nito sa bibig ko.

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon