Chapter Twenty-Eight

80.2K 2.7K 1.5K
                                    

Muling bumalik si Trigger sa sala dala ang isang baso ng tubig para sakin. Nalipat ang tingin ko sa maleta na naroon, ganoon din sa coat nito na nakasabit sa sandalan ng pang-isahang upuan.

"K-kadadating mo lang?" I asked.

"Opo, pupuntahan sana kita sa shop mo bukas naunahan mo naman ako." Sabi nito bago naupo sa tabi ko at i-abot sakin ang tubig na hawak nito.

Kinuha ko iyon at ininom. "Trigger, yung tinatanong ko sayo. Sagutin mo, please?"

He sighed and leaned on the couch, bago abutin ang kamay ko. "Bakit mo ba gustong malaman? Kinakalimutan ko na nga yun, Thalia."

"Trigger, please? Hindi ko din alam kung bakit gusto kong malaman, but something is kicking inside my head telling me that I need to know what's behind your scars, your trauma..."

"Thalia Cameron..." He sighed again. "I worked in Colorado, I was tortured by my employer. Physically abused, I worked hours beyond. Hindi ako sanay mag-trabaho Thalia, I was born with a silver spoon. Kaya kada mali ko, my skin meets the leather whip. But I have to stay there, I have to endure the pain."

"Pero bakit, Trigger? Bakit kailangan mong magpakasakit?" I said.

"Because baby, I'm a man of my words." He said meaningfully.

Mapait akong napangiti. "Kaya pala sabi mo dati, I wont lose you. But I did."

"You did not." Ngumiti ito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ako nag-punta rito para saming dalawa. Nag-punta ako dito dahil gusto kong malinawan tungkol sa trauma na sinasabi ni Paris.

Nag-iwas ako ng tingin. "Yung gumawa sayo niyan, sino sila?"

"Thalia, kahit naman sabihin ko sayo hindi mo sila kilala." Pagak itong tumawa. "But they're behind cold bars right now, ayos na iyon."

"Bakit hindi mo sinabi to, sa parents mo?" I sighed and bit my lower lip. "This will break Tita George's heart."

"You answered your question. Thalia I don't want to break anyone's heart." Pinag-siklop nito ang aming mga palad.

"You broke mine..." Bulong ko bago humilig sa balikat nito. I felt him kissed the top of my head. "Bakit ang unfair mo? Trigger, sa loob ba ng six years naisip mo ko?"

"Thalia, you never left my mind." Bulong nito.

Dinadaya na naman ako ng puso ko, dahil tulad ng dati ay bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis na tila gusto na nitong kumawala saking dibdib.

Nilingon ko ito. His eyes were closed, he look so tired.

I missed this moment. I missed Trigger...

Naramdaman kong nagulat ito nang iyakap ko sakanya ang braso ko. I know Trigger needs a hug more than anything else right now.

Binitawan nito ang kamay ko at iniyakap sakin ang braso niya. I closed my eyes as tears started rolling down.

"Trigger?"

"Po?"

"Do you have an extra room?" I asked.

"Meron."

"Can I sleep here?" I asked and looked at him. "I'm sleepy, you're tired. Bukas nalang ako ng umaga aalis."

Nakita kong nabalot ng kalungkutan ang mga mata nito bago ito ngumiti. "You can stay here for as long as you want, but stop crying Thalia..."

"Ang pangit mo kasi eh. Palagi ka nalang nag-papaiyak." Kinuha ko ang braso nito. "Kade told me not to hurt you physically, but can I bite you? Naiinis kasi ako eh!"

Tempting TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon