TCGIMB - One

5K 175 4
                                    


CHAPTER ONE

NAGLALAKAD KAMI NI KARLA SA LOOB NG SHERIDAN CAMPUS, KAKATAPOS LANG KASI NG NAUNA NAMING MGA SUBJECT.

"Cassandra, gusto mo bang ilibre kita ng mga pagkain for 1 month? " - Karla

"Oo naman, bakit hinde? " -Cassandra

"Pero hindi ganon kadali yun noh! "

Naupo kami sa isang table at duon ipinagpatuloy ang aming usapan.

"Kapag hindi mo nagawa ang dare na ito.... "

"Huh? May Dare? Nakooooo Karla, kung manlilibre ka manlibre ka nalang....... "

"Huwag ka mag alala, madali---- magugustuhan mo ang Dare na ito.... At saka diba nagiipon ka para may pambabayad kayo sa utang ng nanay mo? Makakatipid ka! "

"Osige na nga ano ba yung dare na iyan? "

"Once na makipagdeal ka, you'll never escape, "

"Ok? "

"Lapitan mo si Jayden, ang Campus Gangster, duon sa kabilang table na pinalilibutan ng mga babae, at yakapin mo siya sabihin mong girlfriend ka niya, "

"............"

Nakanganga lang ako at nanlalaki ang mata matapos kong marinig ang sinabi ni Karla... Pwede pa naman akong umayaw diba? Di ko kakayanin ito....

"A-ayoko , di ko kaya yan pinapa--"

"Kakasabi ko lang, di ka na pwedeng umayaw! Pwede pa naman pero kapag hindi ka sumunod.... Ikaw ang manlilibre sakin... "

"H-huh? D-di ko naman alam na ganito pala kahirap yung ipapagawa mo, Andayaaaaaaa! "

"Bawal ng umalis Sandra.... Or else ikaw ang manlilibre kaya kung ako sayo, gawin mo na ngayon! "

Para bang huminto ang pagtakbo ng oras, bumilis ang tibok ng puso ko.... Kay Jayden? Gagawin ko yun sa harap ng mga babaeng patay na patay at kayang pumatay para lang sa kanya.....

"P-pero..... "

"No buts Sandra.... "

Sinimulan ko ng maglakad sa table ni Jayden... Halos lahat ng babae sa Cafeteria ay pinaguusapan siya, Well..... He has that good looks... Matangos ang ilong, matangkad, wavy hair, at white texture.... Pumalpak nga lang sa Ugali... I admit na matagal ko na siyang gusto. Pero wala naman akong pagasa sa mahangin na lalaking yan...

Pleaseeee, tulungan niyo ko mga bubutihing anghel.

"Ahhhmm, "

Unang salita ko palang halos nakakamatay na ang mga titig nila. Well teritoryo nila itong tinatapakan ko. Sana kainin nalang talaga ako ng lupa.

No! No! Kailangan ko itong gawin....

"Baby Jayden! Na miss talaga kita.... Bakit ba hindi ka na nagtetext sakin? Mamaya pala may date tayo ha? Don't be late... "

OMYYYGHAD ! ANONG PINAGSASABI KO? KYAAAAAHHH! PAKTAY NA KO NETO... N-NIYAKAP KO SI JAYDEN? DI KO ALAM KUNG KIKILIGIN BA AKO O MATATAKOT. NAKITA KO KASI ANG PAGKUNOT NG NOO NIYA EH. HUHUHU

"What the hell---"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa isang iglap lang, tinapunan na ako ng mga babae ng kung ano ano.... Juice, pansit, at... Itlog??

Hindi ko na talaga alam gagawin ko, nakayakap lang ako kay Jayden habang hinihintay na bawian ako ng buhay.... Lord pleaseeee....

May humila sa kamay ko, si JAYDEN? Whut? Hinila niya yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa tagong lugar ng Campus....

"ANG TANGA TANGA MO TALAGANG BABAE KA! BAKIT MO GINAWA YUN??? "

Paktay na talagaaaaaaa!

******

PLEASE VOTES AND COMMENTS.

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon