CHAPTER EIGHTEEN
"Ah, dad. Bakit ka po may hawak na kutsilyo? " itinuro ko ang hawak hawak ni dad.
"Anak, naghahanda ako para sa darating na laban. " sabi naman ni dad tapos ibinato ang kutsilyo sa manikin ng isang tao. Sakto naman itong tumama sa noo.
"Ha anong laban po? Yun bang mga napapanood natin sa tv? " lumapit ako kay dad at kumuha rin ng isang kutsilyo.
Napakapamilyar talaga ng panaginip na ito. Ay, hindi. Nangyari pala talaga ito noong nabubuhay pa si dad.
Pero bakit parang ang linaw linaw ng mga pangyayari sa akin? Kung paano gumalaw si dad at ang batang ako? Parang lahat ng ito ay nangyayari mismo sa harapan ko?
Sinubukan kong ihakbang ang aking paa. Ngunit mabilis ko itong binalik.
Teka?? Nakakalakad ako sa mismong panaginip ko? Anong nangyayari? Sinubukan kong lumapit kay dad at sa batang ako. Tama! Andito nga ako sa panaginip ko.
"Oo anak, gusto mo bang matuto kung papaano lumaban? " Lumapit ako kay dad. Lumapit ako kay dad. Hinawakan ko ang pisnge niya ngunit nabigo ako dahil tumagos lang ang kamay ko. Hanggang sa mamalayan ko nalang na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Grabeeee! Namimiss ko na talaga si dad.
"Opo naman po dad, " sabi ko ng may malawak na ngiti sa aking labi. Hinding hindi ko malilimutan ang eksenang ito.
"Good! Darating ang panahon anak ay makikipaglaban ka narin sa mga kaaway ni daddy. Kaya mabuti na ang ihanda kita. " dito ako unang nakahawak at nakagamit ng kutsilyo. Kung nabubuhay pa siguro si daddy ay tinuturuan niya parin ako hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Jugendliteratur⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction