TCGIMB - twenty four

1.3K 50 5
                                    

Matapos niya akong tarayan ay umalis na siya. Trixie? Anong ginagawa niya dito? Like......... I mean, dito sa lugar namin? Siya ata yung ex ni Jayden diba? 

Napapitlag ako ng habulin siya ni mama.

"CATHERINE!! SAAN KA PUPUNTA? DITO ANG BAHAY MO OH!!" sabi ni mama tapos pinagtuturo yung bahay na kaharap lang namin. Napahinto naman si Trixie at nilingon siya.

"Could you please just shut up? That was too impossible! Dito? Sa lugar nato? Titira ako? Huh! Never!" aba't ito pa ang mataray na babaeng to? 

Lumapit ako tapos pinigilan si mama.

"Hoy ikaw na babae ka! Wala kang karapatan para bastusin ang mama ko!" tinaasan ko siya ng kilay. Tingin mo ikaw lang yung pwedeng magtaray dito? Baka nakakalimutan niya lugar namin itong inaapakan niya.

"Tss! Whatever!" sabi niya saka umalis na. 

Nawala narin yung mga chismosang tao na nakikinuod. Tumingin ako kay mama na umiiyak parin dahil sa babaeng yun. Inalalayan ko si mama maglakad tungo samin, tinulungan naman ako ni Saff. 

"Cass, ang ate mo! Hanapin natin siya," 

"Ma, hindi yun si ate! Ang sama sama nun eh." 

Nawala si ate noong bata palang siya. Eh hindi pa nga ko pinapanganak nun eh. Mga 3 years old ata siya nun. Tas ako pinagbubuntis palang ni mama. Sayang nga eh, hindi ko man lang siya nakasama. Pero may picture naman niya kami na tanging yun nalang ang remebrance pati yung mga damit niya nung baby palang siya. 

Pinahid ni mama ang luha na nagbabadya na namang tumulo sa mga mata niya. 

Iniupo namin siya ni Saff sa couch sa Living Room.

"Kamusta ka? Yung school mo??" wala na ngayong ekspresyon yung mukha niya. Parang hindi nangyari yung kanina. 

"O-okay lang po, kayo po okay lang ba kayo dito?" tanong ko kay mama. Kampante naman ako sa yaya namin dito na matagal ng nagsisilbihan samin. Si Aling Gloria, siya narin yung nagaalaga kay mama at nagbabantay. Okay naman siya, mapagkakatiwalaan pero bakit wala siya ngayon dito? Siguro day-off niya or may pinuntahan lang.

"Okay lang din. " nagulat ako kasi ngumiti si mama. Mood Swing lang? 

"Hello po tita!" Singit bigla ni Saffron. Hala andito pala siya, ganon na ba siya kaliit para di ko makita? Hehehehe. Tumabi siya kay mama tapos niyakap ito. Close na sila ni mama eh, para ko ng kapatid to si Saff dahil turing niya kay mama eh mama na niya rin. Nung mga panahon kasi na kinailangan nila Tita Sophia at Tito Aaron na lumipad tungo sa ibang bansa para sa business trip ay iniwan muna nila dito sa amin si Saff ng mga 3 months din siguro. 

"Oh Saffron! Ikaw na bayan?" ginulo ni mama yung buhok niya. "Ang gwapo mo parin ah! Kaya lang parang hindi lumalaki." napatawa ako bigla. Hahahaha! Si mama talaga ang lakas mang asar.

"Tita naman eh! Pag ako tumangkad." pagmamartsa ni Saff. Eh? Goodluck nalang po sayo. Hahahahaha! 

"Loko lang hahaha! Sige magpapahinga muna ako. Nagluto ako ng adobo diyan, kumain muna kayo." ani Mama, humiga na siya sa couch.

"Ay! Favorite ko yang adobo mo tita!" sigaw naman ni saff na parang bata tapos nagtakbo sa kitchen.

Sinundan ko naman siya. Kumuha ako ng dalawang plato tapos pinaglagyan siya ng kanin. 

"Kahit kailan ka talaga Saff! Para kang three years old." 

"Eh sa nagugutom ako eh. Kapagod kay maglaro ng basketball." 

Pinanood ko nalang siyang kumain. Grabe lang, kay liit liit na tao ang lakas kumain eh! 

Natigilan ang pagtitig ko sa maamo niyang mukha ng biglang tumunog yung phone ko. Mabilis ko itong kinuha mula sa aking bulsa tsaka tiningnan yung text.

From Beshie Karla:

Besy, dito na ako sa labas ng house niyo. :)

Kaya naman lumabas ako ng bahay at nadatnan ko dun si Karla na nakaupo sa bench.

"Bes!" tumakbo siya sabay yakap sakin. Hala ang OA? Ano 1 year di nagkita?

"OA mo talaga!" tapos pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Eh kasi naman! Nagalala lang ako sayo pati kay Tita Cora!" Pagmamaktol niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay. 

"Tsaka, ang sabi ko hintayin mo ko eh!" nagpout siya na parang bata. 

"Teka? Asan na pala si Tita? Okay lang ba siya? Si Ate Catherine daw nakita niyo na."

Kung di ko lang siguro ito kaibigan si Karla eh baka nasipa ko na to papuntang south pole.

"Okay na siya, nagpapahinga lang." 

"Eh? Buti naman, nasan na si liit?"

"Sa loob, kumakain."

"Humanda yun sakin,"



Ano na naman kayang gulo 'to. Nauna na siyang maglakad sakin saka pumasok sa loob. 

Pagdating ko sa loob ng kitchen. Tumambad saki ang kamay ni karla na hawak hawak na yung buhok ni Saffron. Naku kung ako kay Karla tigilan niya yan. Baka makasuhan pa siya ng Chil Abuse.

"Ikaw na liit ka, Bakit di mo ko hinintay! Sabi sabi ka pa na may sasakyan ako? Sinungaling ka! Na-late tuloy ako ng dating! Tsk!" Sabi ni Karla, tapos niyugyug yung buhok ni Saffron habang sinasabunutan. 

"Araaaaaay! Huy! Teka!! Yung buhok ko! Huhuhu!!" Sabi naman ni Saff habang pinipigilan si Karla.

Napailing nalang ako sa kanila. Para silang mga bata. Hahahaha! Halata naman sa mukha ni Saff na nadismaya dahil nabitin sa pagkain. Syempre! Luto ba naman yan ni Mama eh.



"Tsk! Ang Sweet niyo...... Hahahaha!" Pangaasar ko sa kanila. Natigilan naman si Karla sa pagsabunot at parang relief yun kay Saff. "Para kayong magsyota!" dagdag ko pa na nagpakunot sa noo ni Karla, Si Saffon naman poker face lang.

"Seryosa ka diyan Cass? Dito sa liit na ito magiging syota ko? Eh ano nalang magiging height ng anak namin? Baka manahin pa nila yun dito sa liit nato! Kaya No! No! No! Dahil balak ko pa naman sila maging basketbolista kapag lalake. Sa babae naman, Teacher o kaya sa mga office...... Tapos......." Yung mukha ni Karla! Pffffft! Para siyang humihiling sa may kapal habang magkahawak yung dalawang kamay niya at nakatingin sa ulap.



"Ang Exaggerated mo naman! Feeling mo talaga mag asawa tayo eh!! Asa ka naman!" Si Saffron naman yung bumanat tapos ayos ng buhok niya. Pero ito naman si Karla sinabunutan siya ulit. Hahahaha!

"Tseh! Never! Never! Never! " maarteng pagiling ni Karla. 

"Talaga? Lets stop pretending. Cass, Ang totoo niyan. Kami talaga ni Karla. MATAGAL NA!" 

Wait...... whut?

END OF CHAPTER TWENTY THREE

-------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

ANG LAME NITO GUYS! HUHUHU! BUT SANA NAG ENJOY PARIN KAYO. :)



PLEASE VOTES AND COMMENT :)

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon