"Alam mo ba, Si Babe Jayden nasa labas ng Girls Dorm!"
"Oo nga eh, kanina pa kaya siya dun at mukhang may hinihintay."
"Ha? Eh sino kaya? Tara puntahan natin! Ang gwapo niya eh."
Rinig kong bulong bulungan ng mga babae dito sa Dorm. Kinabahan tuloy ako, totoo kayang kanina pa siya dun naghihintay? Nagmadali nalang akong kumilos. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin at naglagay ng face powder. Okay naman 'tong binigay na dress sakin ni Jayden, maganda siya kaso hindi ako komportable.
Sinuklay ko yung hanggang bewang kong buhok at naglagay ng pabango. Umupo naman akosa kama tapos nagsuot na ng flat shoes. "Oh Karla! Baka naman matunaw ako sa titig mo na yan ha?" Suway ko kay Karla, pano kasi yung titig niya parang nananaksak as sobrang talim eh.
"Nakakainis ka kasi!" padabog niyang ibinagsak yung binabasa niyang libro. "Ano bang pinakain sayo ng Jayden na yan at pumapayag kang makipag date dun? Baka mamaya mapahamak ka na naman eh! "
"Hindi yan! Kaya ko naman sarili ko eh."
"Sabihin mo nga sakin Cassandra, MAHAL MO NA BA SI JAYDEN?"
"H-huh? hindi noh!"
"Oh, sige alis na ko ah?"
Nagmadali akong lumabas sa kwarto. Napaisip tuloy ako sa Sinabi ni Karla. Kung tatanungin ko yung sarili ko. Mahal ko na nga ba talaga siya? Mahal? Ewan, di naman siguro ganun kabilis yun. Nagpapadala lang ako sa emosyon ko. Habang naglalakad ako sa Corridor pinagtitinginan ako ng mga babae dito, grabe naman yung titig nila parang diring diri sila sakin eh.
"Sige, maglaway kayo." bulong ko nalang sa sarili ko.
Pagkalabas ko Dorm inlibot ko agad yung mata ko, na saan na kaya yung lalaking yun? Huwag naman sanang umalis na siya dahil ang tagal ko. Huhuhu! Kasalanan ko bang nawala yun sa isip ko? Ay oo kasalanan ko nga.
Yung mga studyante dito titig na titig lang sakin, na weirduhan naman ako sa kanila kaya napaupo nalang ako sa katabing bench. Sana naman hindi masayang yung effort kong magbihis ng ganito. Huwag naman sanang di ako siputin ni Jayden, pero sabi nung mga babae kanina andito na raw si Jayden ah? Ang gala talaga nun kahit kailan.
Napatayo ako, nakakapagod rin pala umupo. Habang hinihintay si Jayden may biglang lumapit sakin na lalaki, dito rin ata siya nag aaral. Nakangisi siya sakin, yung ngising mangingilabot ka at tatayo yung balahibo mo. Sino naman kaya ito.
"Hi Miss, may hinihintay ka ba?" sabi naman niya sakin. Tuming naman ako as kaliwa't kanan ko para makasigurado kung ako ba talaga kausap niya. Wala naman tao so ako nga.
"Sorry, i don't talk to stranger!" feeling ko napahiya siya dun kayo nagsalubong ang dalawang kilay niya, feeling close kasi eh! Tsk!
"Aba ang yabang mo naman! Akala mo maganda ka!" hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko, yung tipong sobrang higpit talaga kaya mapapa "A-aray!" ka nalang.
Hindi parin niya inaalis yun kaya pakiramdam ko ay mababali na yung kanang braso ko. "Ano ba ang problema mo! Bitawan mo sabi ako eh!!" buong pwersa kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa braso ko pero di parin siya natinag. Letchugas naman!
"At bakit naman kita bibitawan ah?"
"Ahm, kasi hawak-hawak mo ko? Baliw ka pala eh!!" hays salamat natanggal narin. Pero bakit nga ba niya binitawan. Bakit ba palaging may nantitrip sakin? Sawa na ba sila sa buhay nila?
![](https://img.wattpad.com/cover/88219563-288-k742580.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Novela Juvenil⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction