TCGIMB - Sixteen

1.9K 75 3
                                    


********

CHAPTER SIXTEEN

"HOY! Ikaw Karla 'wag mo 'kong artihan ah? Sabihin mo na kasi sakin!"

Umalingawngaw ang aking boses sa apat na sulok ng kwartong tinutulugan namin.

Paano ba naman kasi, pinipilit kong pagsalitain itong si Karla kung saan at paano nila nakuha ang baril na hawak nila kanina sa Mansion ng mga Clarkson's

"Eeeh! Hindi ka ba makaintindi Cassandra? Toy Gun nga lang iyon! Gaano ba kahirap intindihin no'n? "

Halos pasigaw na sabi narin sakin ni Karla habang itinitimpla niya ang kanyang kape.

"Nako! Hindi mo ako maloloko Karla! Kitang kita ko kung paano mo ikasa yung baril na hawak niyo kanina ni Saffron! Kailan ka pa natutong--"

"EWAN KO SAYO! Nagawa lang naman namin iyon dahil nasa panganib ang buhay mo! Hindi ligtas ang makisalamuha sa mga demonyo Cassandra! Kung ako sayo ay layuan mo na si Jayden!"

"Hindi. Parin. Ako. Naniniwala! Kitang kita ko kung paano kayo kumilos ni Saffron kanina! Para kayong mga Secret Agent na napapanood ko sa mga Action Movies! At iyong sinabi ni Saffron kay Mrs. Clarkson, Temple Run ba yo'n? Basta! ta's Queen of Illusionist daw si si Mrs. Clarkson? Gusto ko na sanang matawa pero nakita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niyo ni Saff. Kaya sabihin mo na ang totoo!"

Natahimik naman si Karla matapos kong sabihin ang dapat kong sabihin. Nagiwas siya ng tingin at napabuntong hininga.

"CASSANDRA! Bakit ba hindi ka naniniwala samin ni Karla?"

Bumukas ng marahan ang pinto ng Dorm at iniluwa nito si Saffron na may dalang mga tinapay. Isa pa 'to! Alam kong may itinatago sila sakin! At alam mas lalong alam ko na hindi joke ang mga nakita ko kanina!

Inilapag muna niya sa lamesa ang dala-dala saka nagsalitang muli...

"Ginawa namin yo'n para mailigtas ka. Gumawa kami ng paraan ng hindi nakakahalata si Jayden. Gumawa kami ng paraan para maiaalis ka sa malaimpyernong lugar na 'yon!"

Umupo si Saff sa kama at nakisali narin sa usapan namin ni Karla.

"At iyong baril? Oo totoo iyon, pero ginamit namin yun na pantakot kay Mrs. Clarkson upang bitawan ka niya...... Ramdam namin na may masamang balak sa'yo ang pamilya ni Jayden."

"Okay.... okay! Saglit! Sumasakit ang ulo ko! Dahil kung makapagsalita kayo ay siguradong sigurado. Sabihin na natin totoo ang sinabi niyo. Pero hindi naman kayo ganyan noong unang niyong kita kay Jayden ah? Lalo na ikaw Karla!"

"Dahil mali ang pagkakakilala natin sa kanya, Cass. " - Saffron

"Haaaist! Isipin niyo nalang ang magiging epekto ng mga nangyari sa atin. Ang mga Clarkson ang may ari ng eskwelahan na ito! At alam kong alam niyo yon!"

"Kailangan na nating umalis dito hangga't maaga pa!"

Si Karla naman ang muling nagsalita.

"Huh? Ano ulit? Ayos ka lang ba Karla? Hindi ako pwedeng umalis dito dahil may scholarship akong pinangangalagaan."

"KAMI! Kami ang magpapaaral sayo. At hindi sa eskwelahan'g ito! "

"Ano? At saan naman kayo kukuha ng pera? Alam kong mayaman kayo pero pera 'yon ng mga magulang niyo. At baka naman pwede pa nating kausapin si Mrs. Clarkson. Baka pwede pa tayong magpaliwa--"

"NO! Cass, kailangan na nating umalis dito. Alam kong naguguluhan ka pero sasabihin rin namin sayo ang totoo kapag kami ay nakasisiguro na. Sa ngayon ay kumain ka muna at matulog!"

Sa mga huling sinabi ni Saffron ang mas lalong nagpagulo sa aking isip. Alam kong may mas malalim pa silang dahilan kung bakit sila nawala kanina. At alam kong marami silang gustong sabihin sakin. Pero hindi pa iyon ngayon. Kaya mas minabuti ko nalang na tumahimik at hintayin ang pagkakataon.

'Princess of X-Hallucinate'

'Princess of X-Hallucinate'

'Princess of X-Hallucinate'

Muli na namang nag pop-up sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Mrs. Clarkson, at may kutob akong malaki ang kontektado noon sa aking tunay na pagkatao.

Sinimulan ko ng kainin ang tinapay at natulog.

____^^____^^____^^____

KINABUKASAN

Magisa akong naglalakad sa Hallway papunta sa Cafeteria. Paggising ko kasi ay wala na sina Karla at Saffron. Siguro nauna na sila at hindi ako ginising. Ang ayoko kasi sa lahat ay ang iniistorbo ako sa pagtulog kaya siguro ay hindi na nila ako inabala pang gisingin.

Hindi nakaligtas sa aking tainga ang mga bulung bulungan sa mga estudyante simula kanina nung paglabas ko nung hallway.

'Ang chismis nga naman ay parang Virus, ANG BILIS KUMALAT!'

Lihim naman akong nangisi dahil sakin'g naisip. Hindi ko akalain na kakayanin kong humugot sa kabila ng mga nangyayari ngayon.

"Grabe, nagagawa pa niyang ngumiti matapos nilang tutukan ng baril si Mrs. Clarkson kasama yung mga kaibigan niya,"

"Kaya nga eh, napakakapal ng mukha!"

"Matapos niyang agawin ang Baby Jayden ko, huhuhu!"

Napataas naman ako ng kilay dahil sa aking narinig. Mga haliparot talaga ang mga babaeng iyon. Ang lakas nilang makapaghusga kahit hindi naman nila alam kung ano'ng buong istorya.

Dahil sa inis ay hindi ako sa Cafeteria nagpatuloy, dahil panigurado lang na mas maraming chismis at masasakit na salita ang maririnig ko roon. Aaminin ko nasasaktan ako sa mga sinasabi nila lalo na't wala akong magawa para maipagtangol man lang ang sarili ko. Hinahayaan ko lang na pumasok ang mga katagang yo'n sa magkabilang tainga ko.

Yamot akong lumabas ng eskwelahan at doon itinuon ang inis ko. Lumanghap ako ng hangin kahit na tirik na tirik ang araw.

Inis akong napaupo sa katabing bench. Pinagmasdan ko ang paligid. Walang katao tao at kakaunti lang rin ang mga sasakyan na dumaraan.

Biglang sumagi sa isip ko si Mama, namimiss ko na siya... sa tuwing malungkot ako ay siya lagi ang nagpapagaan ng loob ko. Parati siyang nandiyan at handa akong damayan gaano man kabigat ang problema ko. Sana lang ay okay lang siya kasama ang mga tito't tita ko. Palagi niya sanang iniinom ang mga gamot niya.

Bibisitahin ko nalang siya siguro...

Lumipas ang ilang minuto ay napagdesisyonan ko ng bumalik sa loob ng Campus, malamang ay hinahanap na ako ng dalawa....

Ngunit di pa man ako nakakaisang hakbang ay may maharas na humila sa magkabilang braso ko at tinakpan ang aking bibig gamit ang isang panyo.

Malalakas ang puwersa nila kaya hindi ko magawang manlaban... namalayan ko nalang na nasa loob na pala ako ng isang van.

"Sigurado ba kayong siya 'yon?"

"Oo, siya yung nasa litrato na ibinigay satin ni Miss Mila..."

Dalawang malalaking boses ang aking narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon