Cassandra's POV
"Bes, may tanong ako!" mahina kong tinapik yung balikat ni Karla para sakin mapunta yung atensyon niya.
"Kung tatanungin mo kung maganda ka ba, hindi! okay na?" sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Aba bastos to ah! Alam ko naman yun eh kaya di ko na kailangan tanungin hehe.
"Huy hindi nga! Seryoso 'to!" niyugyog ko na lahat lahat pati balikat niya at ayern!! Lumingon narin siya sakin.
"Ano ba yun? Kung ayaw mo makinig huwag mo nalang ako idamay!!"
"Hindi nga kase, isang tanong lang naman eh!!" kailangan ko talagang itanong 'to. Dahil baka kapag hindi, eh sumabog nalang bigla ang utak ko.
"Aish!" ginulo niya buhok niya. "Sige na! Ano ba yun?" kumunot ang noo niya.
"WHAT IS LOVE?" rumehistro ang problemado kong mukha sa kanya. At eto naman si gaga. Tinawanan lang ako! Seriously? Anong problema niya? May masama ba sa tanong ko? Hays!
"Ewan ko sayo tanong mo sa Google! Hahahaha!!!!" tawa lang siya ng tawa tapos ako eto, ang seryoso ng mukha. Palibhasa kasi di pa ata umiibig ang momshie niyo. "Akala ko seryoso yung tanong mo tapos--- Pffff---!"
"Bahala ka!"
Tumayo na ako. Para siyang baliw! Akala ko pa naman matutulungan at maa-advice-an niya ko pero ano? Tinawanan lang ako! Tsk! Ang bait talaga ng kaibigan ko! Tsk!
Sakto naman na pagkatayo ko ay tumunog narin yung bell kaya lumabas narin ako ng room.
"Huy teka Cass!" walang tigil parin siya sa pagtawa. "Saglit lang, kanino ka ba kasi Inlove?"
Ngayon naman ay sabay na kaming naglalakad papunta sa Cafeteria.
"Ah.... basta..... ano....." Nag-utal utal na ako. Sino ba kasi sasabihin ko? Kanino ba ako inlove? Inlove na ba ako? "Wala pa, di pa nga ako sigurado eh." napabuntong hininga nalang ako kasabay ng pagupo.
"Teka! Paguusapan natin yan bibili lang ako....." yumango nalang ako. tumayo na siya at umalis.
Napadako nalang yung tingin ko sa glass wall dito sa cafeteria. Kung saan kita yung field na pinaglalaruan ng mga iba't ibang sports. Sa isang iglap ay parang bigla nalang lumipad yung isip ko at satingin ko ay patungo ito kay Jayden. OO KAY JAYDEN! Kay Jayden na hindi na maalis alis sa isipan ko. First Time kong maramdaman ang gantong pakiramdam. ANG WEIRD! Parang may nagtatambol sa dibdib ko. Parang may lumilipad na mga paro-paro sa tiyan ko. Ganto ba talaga kapag inlove ka? Hindi mo siya maalis alis sa isipan mo? Naramdaman niyo na ba 'to? Hays!
I'm not pretty sure sa nararamdaman ko. Pero masaya ako kapag kasama ko si Jayden.
Bumalik na si Karla na may dala dalang pagkain. Oo nga pala, libre niya ang mga ito gaya ng napagusapan namin sa Dare. Yay! Hahahaha! Saya talaga kapag unli foods! Food is Life men!
"Oh kumain ka muna!" tapos abot sakin ni Karla.
"So let's start! Kwento muna sakin, you know I'm not that expert at love pero kahit papano ay may maadvice naman ako sayo bes!"
"Feeling ko kasi inlove ako kay............. Jayden!"
Pagkasabi ko nun ay bigla nalang siyang umubo, nabulunan ata kaya mabilis kong iniabot yung Juice.
"Ano kamo? KAY JAYDEN?? Sa Bad Boy na yun?? Kailan pa huh?" ang sama ng mukha niya ngayon kung nakikita niyo lang. Para siyang pinagsakloban ng langit at lupa. Well di ko siya masisisi. Pati kasi ako nagugulat din sa nararamdaman ko eh.
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Novela Juvenil⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction