Yuddiee again guys! :*
#CassDen again in Multimedia :)
Credits to the owner.
****2 weeks ago simula nung huli naming pagkikita ni Jayden. Pagkatapos kasi ng Date, hindi na siya nagparamdam. Hindi ko siya nakikita sa loob ng campus, pati nga mga estudyante dito ay nagtatakha narin. Para siyang isang bula, bigla bigla nalang naglalaho.
Tumunog ang bell. Break time na pala, hindi ko man lang namalayan. Naririnig ko nga na nagsasalita yung prof namin, pero hindi naman pumapasok sa utak ko yung mga pinagsasabi niya. Yung utak ko kasi na ka occupied lang kakaisip kay Jayden eh. Hays!
Biglang may lumitaw na kamay sa harapan ko, winawagayway niya ito na para bang kinukuha ang atensyon ko. Pag angat ko ng ulo ko mukha ni Karla at Saffron ang tumambad sakin. Mukhang kanina pa nila ako hinantay dahil maipipinta mo sa kanila ang pagkabagot.
"Akala ko nakatulog ka na ng dilat!" biglang sigaw sakin ni Karla kaya parang nabalik yung kaluluwa sa Sistema ko. Boses talaga neto, parang may nag aaway lang kung maka sigaw eh.
Tumayo nalang ako at kinuha ang bag. Ayoko ng sumagot dahil baka humaba lang yung pagtatalo namin. Dumiretso agad ako sa labas ng room without reminding of them.
"Hey, Cass! What happened to you? Are you sick?" Nagaalalang tanong sakin ni Saffron sabay sapo sa leeg ko para tingnan kung may sakit nga ba ako.
Ngunit mabilis ko lang rin yun tinabig at umiling iling.
Pero di parin siya tumigil, pumunta siya sa harapan ko habang naglalakad sa corridor at nag snap ng finger. "Hey?! Do you have a problem?" hindi ko na siya masisisi. Kilalang kilala ako niyan ni Saff eh, alam niya kung kailan ako masaya, kinakabahan, malungkot at may problema. At siguro nga nabasa niya iyon sa mga mata ko.
"Wala, inaantok lang ako." Pagpapalusot ko nalang sa kanya para matahimik na. Pero knowing this little guy. Hindi ako neto tatantanan.
"You sure?"
"Aysows! Maniwala, palibhasa kasi hindi pa nagpapakita si papa Jayden sa kanya simula nung mga nakaraang linggo!" biglang sigaw ni Karla. Omg! Humanda ka talaga sakin mamayang babae ka! Nakakaloka eh ang daldal ng bibig.
Nasa Cafeteria na kami para kumain. Pero paghakbang palang ng mga paa namin doon ay nagkukumpulang estudyante na agad ang tumambad samin. Well, an ordinary day in the Cafeteria. Naupo nalang kaming tatlo sa kung saan walang masyadong estudyante.
"Jayden? As in Jayden Clarkson? Bakit naman magpapakita sayo yung mokong na yun?" Tanong naman ni Saffron. Anak ng tinapa ka talaga Karla!!! Titinidorin ko talaga yang bibig mo.
"Oo nga! Bakit naman magpapakita sakin yung bad boy na yun?! Baliw lang talaga yang si Karla.
"Nako, nako! Deny pa moreeeeee~~" napailing nalang ako at napairap sa kanya. Humanda ka sakin mamaya.
"OMG!! Wait! Don't tell me nadagdagan na naman yung mga nawawalang babae dito sa school?!" biglang sigaw ng isang estudyante kaya napunta lahat ng atensyon namin sa kanya. Nagsilapitan kami doon na kung saan nakakabit sa dingding ang isang malaking bulletin board at nakapaskil ang larawan at mga pangalan ng estudyanteng nawawala.
Kinilabutan ako bigla, this past few weeks. Sampung babae na ang nawala at kasalukuyang hinahanap. Hindi namin malaman kung ano ba ang dahilan kung bakit bigla nalang may nangyayaring pandurukot sa campus.
"Wait, siya yung President ng Student Council, right? "
"Oo siya nga ata yan. Si Kristel Manalili. Bakit naman kaya siya nawawala? Nakakatakot na talaga!"
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Roman pour Adolescents⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction