CHAPTER EIGHT
Ilang minuto na ang lumipas at hindi parin nakakabalik si Jayden kaya naman napagdesisyunan na namin ni Saff na lumabas na sa loob ng cinema.
Tumahimik na rin naman KAHIT PAPANO, dahil hanggang ngayon kasi hindi parin tumitigil ang mga putukan pero hindi kagaya kanina na sunod sunod. Pamilyar sakin ang mga pangyayaring ito.
Nanginginig parin ako dahil sa takot, Five years ago nung una akong makarinig ng putok ng baril.... At ang huli kong makita si papa na nakahiga sa sahig at puno ng dugo... I really miss him... And this moments reminds me of that.
"Are you okay, Cass? "
"I'm not.... "
Sabi ko sa nanginginig na boses...
"Everything will be fine, basta kasama mo ako hinding hindi ka mapapahamak... "
Tila napawi lahat ng takot na nadarama ko nung yakapin ako ni Saff, he was still my bestfriend na lagi akong pinoprotektahan at pinapasaya....
Napangiti ako sa sinabi niya.....
"Thank you pogi, "
Sinabi ko habang yakap yakap parin ako ni Saff,
Nawala ang maraming tao na nakita ko kanina..
Nagkumpulan silang lahat sa iisang lugar....
Sa Smoking area...Ito na ba yung sanhi ng pagputok ng mga baril kanina?? D-dont tell me..
"Grabe yung pumatay sa kanya noh? ",
"Nakakaawa naman siya, "
"Sino kayang may gawa niyan? "
Rinig kong bulong bulungan ng iilan sa mga taong humaharang sa paningin ko.... Nakisiksik kami ni Saff mula sa mga nagkukumpulang tao hanggang sa makarating kami sa pinakaunahan... At sa pangalawang pagkakataon ay nakakita ako ng taong duguan... Ng harap harapan...
Pilit kong iniwasan ito ng tingin pero hindi ko magawa... Grabe ang pagkapatay sa kanya... Napakabrutal, Napakaraming dugo ang kumalat sa sahig... T-tekaaaa! Pamilyar ang mukha niya huh?
Bigla kong inalala kung saan ko ba siya nakita...
"Are you okay Cass? "
"Ahhm, oo. May inaalala lang ako. "
"Iniisip mo ba yung nangyari sa--"
"NO! Kung pwede lang huwag mo ng ipaalala yun, "
"Okay, sorry. "
Namimiss ko na si Dad pero ayoko na talagang inaalala kung papaano siya namatay. Pero sa sitwasyon na ito ay hindi ko mapigilan.
Pagkatapos ng halos limang minutong pagtitig sa biktima ay dumating bigla si Jayden at kinausap ang mga pulis na nagiimbestiga.
Napalingon siya sa direksyon namin kaya bigla siyang lumapit dito.... Galit? Bakit siya galit?
"Bakit kayo lumabas? Cassandra! Diba sabi ko ay manatili kayo sa loob ng cinema? "
Akala mo naman ito..... Daig pa ang mga magulong ko kung magalala....
"Jayden..... Bakit ka nag aalala ng ganyan? Like.... Parang matagal mo na akong kilala? "
Tila nagulat siya sa sinabi ko... Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita....
"I just want you to be safe, sa nangyari ngayon ay napakadelikado na. "
"Excuse me? Nandito ako oh? "
Sabi naman ni Saffron... Tss.
"Btw, ano nga palang nangyari? Bakit may lalaking nakahandusay diyan sa sahig? "
Pagiiba ko ng usapan, still uncomfortable.
"May mga nakakita kung paano siya binaril... Pero di nila namukhaan.... "
Sabi ni Jayden on a serious tone...
"Binaril? Sure ba silang binaril lang yan? Eh parang minassacre eh! " -Saffron
Yu, I agree. Kung ikaw naman kasi ang makakakita ay aakalain mo talagang minassacre.
Nagkibit balikat lamang si Jayden at nagiwas ng tingin. Para siyang may tinatago....
"Iniimbistigahan pa namin ang mga nangyari. "
"Namin? Kelan ka pa naging Detective o Pulis huh?"
"I'm not! Pero ako ang may ari ng mall nato. "
S-siya? Ang yaman naman po pala ni Kuyang Jayden. Kaya pala ganon nalang ang trato samin ng mga guards, saleslady, janitor at kung sino pang nagtatrabaho dito sa loob ng mall.
Pero napakabata pa niya para patakbuhin ang negosyo na ito ha? Well, baka naman may tumutulong sa kanya.
"I-ikaw? P-pero, "
"Mabuti pa ay umuwi na tayo sa Dorm mo Cass, "
Singit ni Saffron sa usapan... Ay sorry nandito pala siya....
"Ihahatid ko na kayo.... "
"No bro! We don't. I can handle my princess, "
"Tss, "
Tuluyan na kaming tumalikod at nagsimulang maglakad pero.....
"Magiingat ka Cassandra! "
Pahabol ni Jayden....
P-pero... H-hindi yun ang ikinagulat ko....
Isang lalaking naka Jacket ang nakakuha ng pansin ko...
At sa likod ng jacket niya ay nakalagay ang code na ito...
'CSMS
6076'E-etoooooo? Ito yun!!
Itong ito rin yung code na nakita ko nung mamatay si papa.... D-di kaya??
Bigla akong kinilabutan...
"Cass, are you okay? "
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Novela Juvenil⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction