Nakatingin lang ako sa labas ng binatana nitong kotse ni Jayden habang pinipigilan ko ang sarili kong makatulog.
"Are you sleepy?" tanong niya sakin habang hindi inaalis ang tingin sa pagmamaneho.
tumango ako ng dahan dahan. "Yeah, ang sakit ng ulo ko," daing ko sa kanya.
Hinawi niya yung takas kong buhok tungo sa king tainga. "I'm sorry for what happened to you."
Napaisip naman ako kahit na ang sakit sakit na talaga ng ulo ko. Yung Literal! Tapos dinadagdagan pa ng pagiisip ko dahil sa mga nangyayari ngayon.
Itong si Jayden, para siyang isang puzzle na ang hirap hirap buuhin. Ang hirap niyang basahin, parang may lock sa buong pagkatao niya na siya lamang ang tanging makakabukas. Feeling ko ang dami niyang tinatago sakin.
"Ang gulo Jayden eh, ang gulo! Ang dami kong tanong. Yung nangyari kanina sa mall? May kinalaman ka ba duon? Bakit kita kasama ngayon? Sila Saff at Karla ang kasama ko kanina ah? Yung mga lalaki na naka all black? Sino ba talaga sila? Ikaw? Sino ka ba talaga Jayden Clarkson?" napahawak ako sa sentido ko dahil sa sakit nito.
Hindi naman niya ko nilingon o sinagot man lang. Ano? Nakikipag usap ako sa hangin? Hindi siya nagsalita. Hilot lamang sa kanyang matangos na ilong ang tinugon niya sakin. At ang mukha niyang palaging seryoso.
Nabaling nalang yung tingin ko sa labas ng glass window ng sasakyan niya dahil mukhang wala naman siyang balak sagutin ako. Pamilyar sakin yung lugar na tinigilan ni Jayden ng sasakyan niya. Mansion nila......
"Bakit nandito tayo?............." tanong ko pero lumabas lamang siya ng sasakyan at pumaikot sakin at pinagbuksan ako. Nabigla na naman ako sa ginawa niya dahil binuhat niya ko ng pang-bride. "Uy! Ano ba? Ibaba mo ko kaya kong maglakad!!"
"Gusto kitang buhatin eh." natatawa niyang tugon. Nagpapadyak ako para mabitawan niya pero wala....... ang higpit ng buhat niya sakin eh.
"Hoy! Hindi naman ako pilay!! Iuuwi mo nalang ako sa Dorm....." pagmamaktol ko sa kanya.
Natanaw ko na naman yung Mansion nila na makalaglag mata sa sobrang ganda at laki. Siguro kung ako lang magisa nakatira dito ay mabobored ako. Dumaan muna kami sa mga makukulay na garden bago makarating sa main gate. Pinagbuksan namin kami ng Guard.
"Good evening Sir Jayden." as usual di na naman niya pinansin.
"Dito ka muna........ babantayan at poprotektahan kita."
Di ko maiwasan mapanganga sa sobrang laki nitong mansion nila. Makukulay ang bawat paligid at malamig.
GrandStaircase ang sumalubong samin ng makapasok kami sa loob ng mansyon. Yung mga naglalakihang Chandeliers ang mas nagpaganda, nakakaaliwalas tingnan eh. Yung Perfect na pagkakaayos ng mga Sofa, siguro ang sarap higaan nun at malambot pa.
Umakyat kami sa Grand Staircase. Malawak din ito, kapag sumilip ka sa baba ay makikita mo ang kalahati ng first floor.
Okay enough na tayo sa diyan. Basta, WOW lang talaga ang masasabi ko.
Ipinasok ako ni Jayden sa isang kwarto, mukhang Guest Room ata.
Inilapag niya ako sa isang kama. Ang lambot!!! Ang sarap mag talon talon.
"Magpahinga ka na babe, Good night," Sabi niya sabay halik sa akin sa pisngi. Wait? Halik? Siya? Sakin? Waaaaaaaaaah!!!! asdfghjkl!!!! Para kong kinukuryente sa sobrang gulat at............... kilig? Ginulo niya yung buhok ko. "Sleep well.......... gusto mo ba magkatabi tayong matulog?" dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Teen Fiction⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction