CHAPTER NINETahimik akong nakatunganga sa itaas ng kisame ng kwarto habang nakahiga. Simula kasi kanina nung ihatid ako ni Saff ay iniisip ko parin kung ano ba talaga yung nakita ko kanina.
Anong connect nun sa pagkamatay ni papa?
Ano yung code na yun?
"Huy? Nakatunganga ka diyan? "
"Karla.... "
"Gaano mo kakilala si Jayden? "
"Ewan? Wala kong alam about his personal life, try mo magtanong dun sa mga babaeng patay na patay sa kanya! "
Hindi ko nalang pinansin si Karla, hindi nakatulong yung isinagot niya.
"Aaaaaargh! "
"Huy, nababaliw ka na ba Sandra? Ano ba kasing nangyari sa lakad niya kanina nung kaibigan mo? "
Ayoko munang pansinin si Karla, nakatuon lang kasi yung isip ko sa iisang bagay..... Sa mga nakita ko kanina....
Dumagdag pa sa isip ko yung lalaking minassacre kanina... Napakapamilyar nung mukha niya... Sigurado akong nakita ko na talaga siya... Hindi ko lang alam kung kailan at saan.
Bakit ba ko nagkakaganito? Sasabog na talaga ang ulo ko. Nagtalukbong nalang ako ng kumot... Sana lang hindi ko muna makita bukas si Jayden. Please!
****
(Next Morning)
Nagiba ang atmosphere ng school, bukod sa hindi na ako pinagtitripan ng grupo nila Sayries ay may iba pang bagay akong napansin.
Parang luminis ang loob ng school. Naglagay sila ng mga palamuti at ang stage ay napakaraming upuan. May darating bang bisita ang school?
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Karla papunta sa cafeteria sinisimulan na kasi niya yung paglilibre sakin ng pagkain sa isang buwan. Wahahaha! Paniguradong busog ako neto. Rich kid kaya si Ateng Karla niyo! Ikaw ba naman magkaanak ng artista diba? Teen King pa, Wahahahaha!
K, bye!
"Oy, Sandra. Ano ba kakainin mo? "
"Large Fries, Burger w/ Cheese, One Slice of Pizza, Waffle, Spaghetti at Large Coke. Thanks! "
Sabi ko ng may malawak na ngiti,
"Andami huh? Hindi ka naman gutom niyan? Wahahaha! Baka biglang tumaba ka niyan ha? Sige ka papangit ka. "
"Alam mo, wala naman akong pakialam kung tumaba ako eh. Basta makakain lang masaya na ako. "
Sabi ko kay Karla ng may taas noo. Yup, basta makakain lang talaga happy na ako. Hahaha! Hindi nalang niya ko pinansin bagkus ay nagtungo na sa bilihan. Hindi niya pwedeng tangihan kung gaano man karami ang ipabili ko dahil kasama yun sa Dare. Pero syempre di ko naman gigipitin si Karla. Minsan lang.
Asan na kayo yung bugok na yon?
I mean si Saffron.
Sabi niya kasi babalik siya dito para makapag enroll pero wala parin siya.
Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Tsss si Saff.
"Oh? Nakapag enroll ka na? "
"Oo, kanina pa. Bumalik lang ako samin para kumuha ng pera.. "
"Para san? "
Pagtatanong ko habang nagsasalpak na earphones sa tainga.
"Teka lang makinig ka nga muna! "
Pasigaw na sabi ni Saff at saka tinanggal yung earphones.
"Oh?! Ano?! Bakit ba?! "
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Roman pour Adolescents⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction