CHAPTER FOURTEEN
"Piiiipiiiiiip!"
Isang malakas na tunog ang gumisng sakin.
Inilibot ko ang paningin ko.... nasa kotse parin pala ako ni Jayden........
At? AT NAKATULOG AKO??
"Piiiiiiiipiiiiiiiip!!"
Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng muli 'kong marinig ang maingay na tunog.
Napatingin ako sa manubela at doon.... Nakita ko si Jayden na walang sawang pinipindot ang preno.
"Ano ba?! Tigilan mo nga yan! Ang sakit sa tenga!"
Ngumisi muna ito ng malademonyo bago magsalita.
"Ang hirap mo kasing gisingin eh, mukhang nasa isang magandang panaginip ka ata. Kaya sa ganitong paraan nalang kita ginising and look. It worked,"
"Napakademonyo mo talagang lalaki ka!"
Tinarayan ko nalang siya at pinunasan ang laway ko na tumulo ata kanina habang natutulog. Eeeww. Gross.
Inayos ko ang sarili ko at binuksan na agad ang pinto ng kotse. Hanggang ngayon talaga hindi ko parin maisip kung bakit ako pumayag sa lalaking ito. Kung tutuusin sobra sobra na talaga yung purwisyong dinulot sakin ng lalaking ito.
"Oh, wag kang sumimangot. Pumapanget ka eh,"
"Okay lang mas panget ka naman, eh."
Sarkastiko kong sagot. Ipinagpag ko muna ang suot kong dress bago maglakad..
"Tekaaa, andito na ba tayo?"
"Oo,"
Tipid niyang sagot. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Mayyghad! Makakaharap ko ng muli ang mga magulang ng lalaking ito. Parang ayoko na tuloy ituloy pero alam ko namang hindi ma ko makakatakas pa dito.
"Nasan na nga pala sila Karla? Ba't wala sila dito,"
"Ewan ko, wala naman akong pakialam dun."
Hinampas ko ang braso niya habang nakasimangot ang mukha.
"Oy ano nga? Nakakabuwiset ka!"
"Hindi ko nga alam. Tss!"
Kita sa mukha niya ang pagkayamot habang hinihimas ang braso.
Sa'n ba nagpunta ang dalawang 'yon?
Don't tell me na umuwi sila tapos magisa akong makikipagusap dun sa mga yon?
Nakuuuu, baka mamatay ako ng di oras.
Hindi ko nalang pinansin si Jayden bagkus ay naglakad na.
May pathway sa mga dinaraan ko kaya yun nalang ang sinundan ko dahil ayoko ng magtanong pa sa demonyong 'to. Masyado kasing malawak ang loteng tinatapakan ko kaya medyo nakakalito kung saan ba ako dadaan. Pero mukhang tama naman kasi sumusunod lang siya sakin.
Napatigil ako dahil sa mangha, isang bahay or should i say mansion ang nakikita ko ngayon.
Napakalaki nito at nagkakalat ang mga palamuti sa bawat sulok. Mga nagtataasang halaman ang sumalubong sakin bago ko tunguhin ang gate.
Hindi naman siguro halata na namamangha ako. Nakakanga na ko eh. Ikaw ba naman kasi makakita ng ganitong kaganda at kakulay na mansion ewan ko lang kung hindi tumulo yung laway mo... parang ito lang yung nakikita ko sa tuwing nagsesearch ako ng dream house sa google.
"I-ito na ba yung, M-mansion niyo Jayden? Ang gandaaaaaaaaa!"
Ayoko sanang magsalita pero hindi ko na talaga kayaaaaa. Sobra akong namamangha sa mga nakikita ko.
Nagtataluntalon naman ako sa tuwa habang hindi inaalis ang paningin ko sa harapan ng mansion.
Nakita ko naman si Jayden na nakangisi habang umiiling iling. Palibhasa ay sanay na siya sa ganitong tanawin. Hayy mayayaman talaga.
Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagtatalon.
Medyo nakarecover narin naman ako kaya natahimik akong saglit.
"Aaaaaaaaah!"
Napasigaw naman ako ng malakas nung may isang lalaki ang nagtutok sakin ng.......
BARIL??
WHUT??
Tila napako ako sa aking kinatatayuan nung mas lumapit pa sakin yung baril.
Waaaaaah! Pers taym ko pong makakita ng baril in my entayr layp. Pramis!!
"What are you doing here? And who are you?"
Nung magsalita siya ay mas lalo akong kinilabutan. Mahinahon ang pagkakasabi niya pero may diin sa bawat salita.
Asan na ba si Jayden bakit biglang nawala yon? Inilingon ko ang ulo ko ngunit wala talaga siya. Kahit kailan talaga yung lalaki yun.
"A-aahh. K-kasama ko kasi si-- Aaaaaaaah!"
Naputol ang aking sinasabi nung biglang tumalsik yung lalaki kasabay nito ang baril.
May sumuntok sa kanya at si...... Jayden?
Ang lakas naman niya para mapatalsik yung barakong lalaking yun noh? Eh samantalang kasing edaran ko lang siya.
Inawat ko naman si Jayden.
"Huwag mo siyang gagalawin!"
Katulas nung lalaki ay may sinseridad din sa bawat salitang binitawan ni Jayden. Ibang iba siya sa Jayden na nakilala ko.
Mabilis tumayo yung lalaki at yumuko. Para siyang naging lantang gulay ngayon.
"S-sorry po Master Jayden, h-hindi ko po alam---"
"Lumayas ka na!"
Mabilis naman naglakad palayo yung lalaki matapos sabihin yun ni Jayden. Nagtransform na ba siya sa pagka Monster?
"Oh, bakit mo naman agad sinuntok? Eh mukhang nagkamali lang---"
"Tumahimik ka na lang at sumunod,"
Walang emosyon niyang pagkakasabi.
Wala akong nagawa kundi ang sundan nalang siya.
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Fiksi Remaja⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction