TCGIMB - Seventeen

1.6K 75 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Masakit ang aking ulo ng maimulat ko ang aking mata.

Itim.

Madilim.

'Yan lamang ang nakita ko. Iginalaw ko ang aking kamay ngunit nabigo ako dahil ngayon ko lang napagtanto na nakatali ang magkabila kong kamay at nakapiring habang nakaupo sa isang upuan.

Nagtakha ako dahil walang takip ang aking bibig, kaya't walang sawa akong nagsisigaw sigaw sa bawat sulok ng hindi ko pa nalalaman na pasilyo. Hindi ko alam kung nasan ako ngayon, ang huli ko lang na naalala ay may dalawang lalaki ang marahas akong hinatak at ipinasok sa loob ng isang Van.

Kaba at Takot.

Iyan ang narardaman ko ngayon dahil isa lang nakasisigurado ako. Nasa kapahamakan ang buhay ko. At kailangan kong makaalis dito agad dahil kung hindi ay tuluyan na akong mapahamak.

"Pakawalan niyo ko dito! "

Tuloy parin ako sa pagsisigaw hanggang sa makarinig ako ng mga yapak. Pinakiramdaman ko ang paligid, mas lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib ng malaman na may taong papalapit sakin. Nararamdaman ko ang prinsensya nila at ang mahihina nilang hininga ngunit sapat na ito upang basagin ang katahimikan na bumabalot sa paligid.

"Tumahimik ka! "

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nung may biglang sumampal sa akin. Ramdam ko ang pagiinit ng aking mukha, dahil sa galit at sakit. Kung wala lang siguro itong mga nakatali sa akin ay baka nasapak ko na yung sumampal sa akin.

"S-sino ka?, SINO KAYO?! ANONG KAILANGAN NIYA SAKIN, HA?! "

Nagiinting ang panga ko sa galit. Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang kainisan. Ano bang nangyayari sa buhay kong ito? Nung nakaraang araw lang ay halos mapatay na ako ng nanay ni Jayden tapos ngayon na kidnap naman? Ano ba talagang nangyayari? Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko. Idagdag mo pa yung mga sinabi sa akin ni Mrs. Clarkson pati nina Saffron at Karla. Sa totoo lang, nakakasakit talaga sila ng ulo!

Isang malakas na sampal muli ang aking natamo. Mas dumoble yung sakit at inis ang aking naramdaman lalo na't may naramdaman akong tumulong likido mula sa aking labi. Panigurado ay dugo iyon.

"Isa pang buka ng bibig mong iyan ay sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw! " anang isang nakakapantindig balahibong boses ng isang babae. Dahil sa takot ay hindi na ako muli nagsalita. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking mga luha. I feel lost. Wala kasiguraduhan kung makakaalis pa ba ako dito.

Naramdaman kong pumunta siya sa aking likod at tinanggal ang aking piring sa mata. Finally, nakakita ako ng liwanag at nagbakasakaling magkaroon ako ng pagasang makaalis dito. Nasisilaw kong inilibot ang aking paningin. Halos malaglag ang puso ko nung makakita ako ng iba't ibang uri ng baril at mga kutsilyo. Tumigil ang pagikot ng aking mata sa isang babae. Naka crossed arm siya at nakataas ang isang kilay. Siguro ito rin iyong taong sumampal sakin.

Binigyan niya ako ng nakakamatay na titig.

"S-sino ka?! " sigaw ko. Hinatak niya ang isang upuan at ipinuwesto ito sa aking harapan saka umupo.

Nabigla ako sa biglang paghaplos niya sa aking pisngi. Parang may kung anong kuryente ang kumunekta don. Lumambot ang titig niya sa akin.

"Hindi na nakapagtatakha, kamukha mo nga siya, " aniya sabay inilipat sa aking tainga ang takas na buhok. "Kamukha mo nga si Julio, ang tatay mo! "

Sino ba talaga sila? Bakit kilala nila ang tatay ko? Sila ba ang pumatay? Parang binagsakan ako ng isang malaking aparador nung ngumisi siya sa akin. Napakamisteryoso ng ngisi niya, parang may gustong ipahiwatig. Tumayo siya at nagpakawala ng sunod sunod na halakhak.

"B-bakit kilala mo ang tatay ko?! "

Natigil siya sa paghalakhak kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Sumeryoso ang mukha niya at pinagmasdan ako dala parin nito ang nakakalokong tingin. Para bang may alam siyang hindi ko alam.

"Wala ka nga talagang alam, " aniya sabay humalkhak na naman, baliw na ba 'to?

Pumaikot siya sakin at pinagmasdan ako ng may ngisi. "Nakakaawa ka naman. Wala kang kaalam alam na naagaw na yung trono mo, " tumirik ang mata nito at humalakhak ng napakalakas.

Ewan ko pero may part parin sakin na gusto kong maniwala sa kanya, may part rin naman na gusto ko nalang siyang tawanan. Trono? Anong trono ba yung pagiging maganda ko? Maling tao talaga ang dinukot nila. Nakisabay rin ako sa pagtawa niya. Ewan, pero natatawa talaga ako sa mga nangyayari sakin ngayon. Trip lang ata ko ng mga eto.

Napatigil siya sa paghalakhak at kumunot ang noo. Naiinis ko ata siya, akala niya siya lang ang may sayad sa utak ah? Huh!

Tinalikuran niya ako at.......

At?

Kutsilyo? Waaaaaah! May hawak siyang kutsilyo! Mabilis niya itong itinutok sa pisngi ko at ginuhitan, sa posisyon ko ngayon ay hindi ko na nagawa pang umilag. Ramdam ko ang mga dugo na ngayon ay walang sawa ng umaagos. Napangiwi ako sa sakit. Samantala siya? Humalakhak lang ulit at pinaglaruan ang kutsilyo. Mali, mali ko. Hindi lang pala siya baliw, psycho ka! Wala akong nagawa dahil nakagapos ang mga kamay ko sa upuan kaya binigyan ko nalang siya ng nakakamatay na titig.

"Hahahaha! Hindi ka dapat magsaya! " sabi niya. At bakit hindi ako pwede magsaya ha? Hawak ba niya ang buhay ko? Hindi na lang ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siya. Dahil hawak hawak parin niya yung kutsilyo. "Small world! Nagkatagpo kayo ni Jayden, pero NO! Dahil hindi ako makakapayag. Ang anak ko na ang magiging prinsesa! At hindi ikaw! Ikaw na walang alam! " nanlaki ang mata ko nung itutok niya ulit sa mukha ko ang kutsilyo. Waaaaaah! Gusto ko ng makaalis dito!!

"W-wala akong alam sa pinagsasabi mo! Pakawalan niyo na ko dito!! " nagngilid na ang luha ko sa aking mata. I feel so weak! Gusto ko na talaga makaalis sa malaimpyernong lugar na ito. Mama!!

Halos mapatalon ako ng ikinasa niya yung isang baril na nakalapag sa lamesa. Napaatras ako, nagpipesta na ang puso ko, nanghina ako ng bahagya. Katapusan ko na. Umagos ng umagos ang luha ko. Natitikman ko narin ang dugong dumadaloy sa mukha ko pero hindi ko na inisip yun.

"Sorry pero hindi pwedeng ikaw ang makakasira sa plano ko! Kailangan mo ng mawala sa paningin ko! Nabuhay ka ng walang alam. At papatayin kita ng walang alam. " sabi niya at tumawa ng napakalas. Hindi ko na talaga alam kung may pagasa pa bang makaligtas ako lalo na't nagkakasa na siya ng baril. Halos mabali rin yung mga buto ko sa tuhod at bumigay. Please! Help me lord! Kayo na po ang bahala sakin.

Nawalan ako ng pagasa'ng mabuhay nung unti unti na siyang lumapit sakin. Bumigay na rin yung puso ko. Nag shut down na rin lahat ng sistema ko sa katawan at hinihintay nalang ang aking katapusan. Naging masaya rin naman ako sa 17 years na pamumuhay ko dito sa mundo. Marahan akong pumikit at ngumiti. Bye, World!




Nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril pero..........

Bakit buhay pa ako?

Siguro nasa heaven na ko pero..... Iminulat ko ang aking mata....... BUHAY PA KO!

Nakita ko ang mga napakaraming men in black na tumatakbo. Ang babaeng gusto akong patayin ay nabitawan ang baril. Pumalibot sila sa babaeng gusto ako patayin.

"Miss Mila! Kailangan na po nating umalis! Marami na po ang namatay! " hingal na hingal na sabi ng naka men in black. Kumunot ang noo ni Miss Mila.

"Paparating na po siya! " sigaw pa ng isa......
Omg! Someone's saved me! Halos sumabog ako sa tuwa nung makita kong nagsitakbuhan na ang naka men in black at si Miss Mila.

Halos manghina rin ako sa sobrang hapdi ng aking pisngi. Pero bago ko pa man maipikit ang aking mata ay isang tao ang aking nakita...... Ang taong kapag nakikita ko ay sobrang nabibibwiset ako pero baki ano ngayon? Gumuhit ang ngiti sa aking labi.....

"J-jayden.... "

Niyakap niya ko...

********

A/N:

OMG! Sobrang tagal na talaga nung huli kong update! Huhuhu! Sobrang naging busy at stress ako sa school! Sorry talaga guys! Halos mawala narin yung plot nito sa utak ko pero! NO! Alam kong marami parin ang sumusuporto nito kaya ipagpapatuloy ko. Wahahaha! Tuloy tuloy na po talaga ang UD nito ! Labyaaaah guys!

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon