CHAPTER TWELVE
Hala naman.....
Wala pa yung susuotin kong damit.
Baliw talaga yung lalaking yun! 7 pm daw niya kong susunduin pero yung damit ko wala pa!
Tumingin ako sa relong suot ko.
It's 6:30 pm na.
Thirty minutes to go ay nandito na siya. Kainissssss! Baka naman wala talaga akong damit? Niloloko lang pala niya ako?
Nako kapag nagkataon talaga mapapatay ko yung lalaking yun.
"Oh, Cass yan na ba yung suot mo?" - Karla
"Ganda ah!"
Sarkastikong sabi ni Saff habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.
Gago tong mga to! Sila na nga yung pinapasama eh nagagawa pa akong asarin.
And yup! You read that right? Pinasama ko silang dalawa. Ayoko naman mabulok dun kasama yung pamilya ng gunggong na lalaki yung noh! At siyempre hindi ko yun sinabi kay Jayden dahil baka di siya pumayag.
Surprise nalang mamaya..... pero kung di naman siya pumayag e di hindi nalang din ako sasama sa kanya! Siya pa itong may ganang magalit? Kung pwede nga lang talaga akong umayaw ay umayaw na ko kanina pa.
"Mga BALIW! Wala pa kasi yung damit na sinabi ni Jayden!"
Sigaw ko sa kanila. Wow ha? Mas excited pa ata tong mga to kesa sakin eh? Kahit hindi naman sila yung inimbita. Eh kase naman. Akala mo aattend yung dalawa ng JS Prom or Grand Ball nalang para mas maganda. Bihis na bihis eh.
"Eh wag ka na kasing umasa! Mag bihis ka nalang ng kahit ano!"
Sigaw naman sakin pabalik ni Karla.
"Wow ha? Nakakahiya naman kasi sa inyo eh. Kayo ba yung inimbita? Saka wala na kong ibang magandang damit. Hihintayin ko nalang. "
Nakakainis talaga kahit kailan yung lalaking yun.
"Hihintayin? Eh ilang oras ka na ba naghihintay diyan ha? Isa? Dalawa? Tatlo? Nakakaloka!!"
Sagot naman ulit ni Karla. Si Saff ayun, hindi matapos tapos sa pagaayos ng buhok niya. Siya nga pala dito na matutulog si Saff simula ngayon. Nagulat nga ko kasi may isang kama na sa loob ng kwarto namin.
"Loka loka. Sino ba kasi nagsabing magbihis kayo ng napaka aga? Tapos ang OA OA pa ng suot niyo. Baka kakabogin niyo pa ata ako niyan eh,"
"Siyempre naman, kelan ka ba nanalo sakin pagdating sa pagandahan?"
Nakakalokang sagot ni Karla sabay flip ng hair niya.
"Hindi naman talaga ako mananalo sayo kasi yung ganda mo pang cheap lang. Sakin WORLD CLASS! Kaya di talaga tayo talo !"
At siyempre sino ba naman siya para talunin ako pagdating sa pangaasaran? Ako ata si Ms. Pambara Queen. Charot! Pambara sa inidoro.....
"Tss,"
Napairap nalang si Karla at hindi na nagsalita. Beng! Talo siya beh! Napaiyak ko ang momshie niyo. Wahahaha!
Limang minuto pa at may kumatok sa kwarto namin.
"Ommyyy, Si jayden na ata yan. Kyaaaaaah!"
Nakakabinging tili ni Karla tapos nag last look sa salamin. Ako naman eto.....HINDI PARIN NAKABIHIS!! TANGNA! BAHALA SIYA KASALANAN NIYA ITO.
Dumiretso ako sa kama at nagtulogtulogan. Pwede naman si Karla nalang isama niya diba? Mas panget naman yun sa akin eh.
Nagtalukbong ako ng kumot at unan para epktib yung pagaacting ko.
"Where's Cassandra?"
Isang lalaking ang bumasag sa ear drums ko
De joke, OA hahahah!
Isang lalaki ang narinig ko at hinihiling ko na sana ay di ko na marinig pa.
Paktay na ko neto. Siguradong iihawin ako ng balugang to kapag nakita niya akong hindi pa nakabihis. Putsa!
Sana lang talaga hindi ako ituro nila Karla.
Sana lang talaga hindi ako ituro nila Karla.
Sana lang talaga hindi ako ituro nila Karla.
"Ayun siya oh, natutulog. Wahahahaha!"
P-A-K-S-H-E-T! PAKSHET!
Rinig kong sabi ni Karla tapos sabay tawa at narinig ko naman na nakitawa rin si Saff.
Aaaaaaaaargh! Gusto kong lumabas sa pagkakatago at paulanan na mura sina Karla at Saff pero baka umepek parin naman yung pagtatago ko kaya wag nalang.
"WHUT?! NATUTULOG?! "
Omggg, eto na. Kailangan ihanda ko na yung sarili ko.
"Hoy babae..."
May umalis ng kumot at ipinagbabato yung mga unan.
"HOY?! GUMISING KA NGA DIYAN! BAKIT KA BA NATUTULOG?! TANGNA MO RIN EH ANO? ILANG MINUTO NALANG AALIS NA TAYO!!"
Nagpintig naman yung tenga ko matapos kong marinig yung mga katagang lumabas sa bubutihing bibig niya.
Dahil sa inis ay napatayo ako at nag monster face.
"EH TANG INA KA RIN EH! SINO BA MAY KASALANAN KUNG BAKIT DI PA KO NAKAKA---"
Natigilan ako sa pagtatalak dahil may itinaas si Jayden na kung anong box.
Inilapag niya ito sa kama at binuksan.
At........ WOW!!! Ang ganda nung... DRESS!
Kulay pink siya tapos may mga kung anong maliliit na diamonds ang nakadikit dito...
"O.....M.....G!!!! S-sakin ba ito?"
Hindi kong makapaniwalang sinabi.
"Tekaaaaaa! TANG INA KA ULIT! BAKIT NGAYON LANG TO---"
"Tungaks! Kanina ko pa yan ipinadala dito! Nakita ko yan sa tapat ng pinto ng dorm mo!"
"Ano? SA PINTO? EH BAKIT DIYAN MO LANG KASI IPINALAGAY TANGA TANGA KA RIN EH SA TINGIN MO BA MAKIKITA KO YAN? NA NETO!"
"Tsss, Magbihis ka nalang! Huwag ka ng magpaganda ah? Panget ka narin naman eh,"
Sabi ni Jayden tapos sabay tawa.
HINDI
KO
ALAM
KUNG
MAIINIS
BA
AKO
O
KIKILIGIN.
Ang kyuuuut niya tumawa tangna. SHEEEEET! Anakan mo ko baby Jayden. Charot!
Tinarayan ko nalang siya.
"Ano dito la lang habang nag bibihis ako?"
"Tss, hihintayin kita sa gate dalian mo."
Ang gwapo niya po talaga pramis. Nakasuot siya ng tuxedo eh. Nekekeleke mge be.
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Teen Fiction⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction