TCGIMB - Nineteen

1.7K 86 6
                                    

Mabilis kong iminulat ang aking mata habang hinahabol ang aking hininga, una kong nakita ang isang hindi pamilyar na lugar o kung nasaan man ako.

"Ayos ka lang?"

Hindi pa man malinaw ang paningin ko ay nakilala ko na kung kaninong boses iyon. Kay Jayden. Tumingin ako sa harap, nasa loob pala ako ng kotse habang nagdadrive siya.

Napatango nalang ako sa tanong niya.

"Mabuti naman, " Ani Jayden habang hinihilot ang bridge ng ilong niya. Lumabas siya ng sasakyan at tumungo sa direksyon ko. 

"Andito na tayo sa Campus, gagamutin ko muna yang sugat mo sa pisngi at ihahatid na kita sa Dorm mo. " Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Mabilis niyang iniangat ang magkabilang hita ko at binuhat na parang isang bride. Hindi ito yung una pero iba lang talaga yung pakiramdam kapag nagdidikit yung katawan namin, may kung anong kuryente na dumadaloy sa aking katawan.

Hindi ko nalang ipinahalata ang pagkahiya ko, siyempre malay niyo naman nagmamagandang loob lang siya, nanghihina parin kasi ako hanggang ngayon matapos manyari yung pandudukot scene. 

Pagpasok namin sa loob, maraming pares ng mata agad ang nakatitig saming dalawa. Naging center of attraction pa tuloy kami ngayon, Jayden Clarkson ba naman ang bumuhat sayo diba? Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko magalaw yung paa ko para makababa, ang higpit kasi ng hawak niya sakin.

"J-jayden, baba mo na ko please?" 

"No!" Maotoridad niyang sagot.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya...... Parang nagiging overprotective niya sakin. Ayoko ng ganitong feeling........ yung panandalian lang.

Napabuntong hininga ako ng bigla nalang akong tumilapon sa sahig kasabay ng pagkasubsub ng aking braso. Awwwts??

Napahawak ako sa sikong ko na ngayon ay nagdudugo na. Iniangat ko ang ulo ko para alamin kung bakit bigla nalang akong nalaglag pero mukha ni Jayden ang sumalubong sakin habang kagagat ang ibabang labi niya....... He......... He looks so hot on that pose. Nakakaakit.

"What the hell?! Are you fucking okay Cass??!!"

Lumapit siya sakin habang tinititigan yung sugat ko sa braso. Napansin ko rin yung suot niya longsleeves na parang may basa na kulay ewan?

Inalalayan niya kong tumayo bago muling lumingon. "Stay here!" Aniya.

Napukaw naman ng mata ko ang isang lalaki na nakasalamin habang may bitbitin na mga libro at yung iba ay? Tumilapon sa sahig na ngayon ay pinupulot niya. Rumehistro ang takot niya sa mukha ng makitang papalapit sa kanya si Jayden.

Base on this scenario ay siya ang dahilan kung bakit ako nabitawan ni Jayden at sumobsob sa sahig.

"S-sorr--"

Napatakbo ako at hindi inalintana ang sakit ng binti ng bigla siyang sinpak ni Jadyden. What's happening? Bakit niya ginawa yun?

Aambahan pa sana siya ni Jayden pero mabilis kong hinawakan ang braso niya na naging dahilan para mapatigil ko siya.

Pumutok ang ibabang labi nung lalaki at  tumalsik ang suot niyang salamin na ngayon ay warak na.

"J-Jayden, s-sorry...." Nangingig na tugon ng lalaki. Nakaramdam naman ako ng awa sa naging itsura niya...... Bakit ba ganito si Jayden? Dinadaan niya lahat sa pakikipag suntukan.

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon