TCGIMB - thirty one

1.2K 44 8
                                    

"Cass okay ka lang? " tanong sakin ni Karla habang lumalapit papunta sa aking direksyon kaya wala sa sarili kong naisara ang locker ko.

Napatango nalang ako sa tanong niya. Ayokong makita niya akong nagluluksa, at mas lalong ayokong malaman niya kung anong dahilan nun.

"Kanina ka pa kasing tulala at hindi nagsasalita. " dagdag pa niya kaya napangiti nalang ako upang hindi na siya mag alala pa.

"I'm okay, I'm really okay. " paniniguro ko sa kanya. Did I'm just being weird? It can't be happen! Gusto ko nalang ibaon itong nararamdaman ko para kay Jayden.

"Kahit hindi mo na kasi sabihin, alam ko namang tungkol iyan kay Jayden. " mahinahon na tugon sakin ni Karla. Rumehistro sakin yung gulat kaya napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"What? Anong meron kay Jayden? " pagaalangan kong sabi sa kanya. Papaano niya yun nalaman? Masyado na ba akong halata? Ganon na ba ako kabaliw kay Jayden?

"I think you're fallin for him, am i right? "

20 minutes pa bago ang susunod namin na Subject kaya napaupo nalang kami sa Gym. Kitang kita namin doon ang mga basketball players na naglalaro. Anduon din si Saffron kasama ang buong team niya. Todo kung magensayo sila ngayon, sa susunod na buwan kasi ay may laban sila sa isang malaki at kilalang school. Kaya panigurado pagod na naman itong si liit dahil sa puspusan nilang training.

"You have to be kidding me. It was too impossible to happen. " pilit kong iniiwas ng tingin sa kanya, kilala ko tong si Karla. Malalaman niya kung nagsisinungaling ba ako o hindi sa pamamagitan lamang ng pagtingin niya sa mata ko.

"Impossible? Pero nangyari na. " parang sumuko na ako sa pagpapanggap dahil sa sinabi niya, feeling ko kasi nabuko na niya ako.

"Go fafa Saff! "

"Go Blue Eagle! Fight! Fight! Fight! "

"Go number 17!"

Dahan dahan kong iniliko ang paningin ko kay Karla. Bakas sa mukha niya ang inip dahil sa paghihintay ng sasabihin ko.

I have no choice but to tell it to her.

"Karla, ng dahil sa dare na yun unti unti~~ "

Natigil ako sa pagsaslita ng biglang lumapit samin si Saff, patuloy ang pag agos ng mga butil ng pawis sa kanyang katawan. Mukhang pagod na pagod siya dahil humihingal hingal pa siya ng lumapit samin.

"Hey! " tawag niya samin.

"Anong ginagawa niyo dito? Pinapanood niyo ba kung papaano ako kagaling maglaro? " pagyayabang niya samin kaya naman napa irap nalang ako at si Karla naman ay nabatukan siya ng di oras kaya napakamot siya sa kanyang ulo.

"Hindi! Pinapanood ka namin kung papaano mahimatay sa pagod! Mr. Trying Hard!! " pang aasar naman ni Karla kay Saff. Ewan ko ba, pero palagi siyang beast mode kapag nakikita niya si liit kaya ngayon nakabusangot na naman ang mukha niya. Pero siya naman ang nagdala sakin dito sa Gym. Baliw lang?

"Sus kunwari ka pa Karla! Gusto mo lang makita yung malapandesal kong abs eh. Hahahaha! " sabi ni Saffron sabay pabirong inangat yung jersey shirt niya kaya aksidente kaming napatingin don.

Wait, bakit parang tumutulo yung laway ko?

"Eeeeww! Mandiri ka ngaaaaaa! " tili ni Karla tapos nagtakip ng mata, ako naman napatitig lang sa nakataas na damit ni Saff hanggang sa ibaba na niya ito.

Napasulyap ako kay Karla. Nag init yung pisngi niya dahil kulay reddish na ito ngayon.






Damang dama ko ang init ng sikat ng araw habang naglalakad ako dito sa hallway papunta sa locker ko. Kahit isa ay walang estudyante dito dahil lahat sila ay nasa kani kanilang klase.

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon