Tulala at malalim ang iniisip ko habang nakatitig sa kawalan habang nakahiga sa kama.
Patulog nalang ako pero bumabagabag parin sa isip ko yung sinabi ng weird na babae saki kanina. Too much information can destroy your mind nga talaga, lalo na kapag wala kang nalalaman ni isa. There's a broken piece of me na kailangan kong buuhin. Hindi ako tanga para hindi mapansin yun. Lahat ng taong nasa paligid ko ay parang may tinatago sakin.
Wala sa sarili kong ipinikit ang aking mata at natulog ng mahimbing.
KINABUKASAN
"Maam, excuse po." itinaas ko ang kaliwang kamay ko, kaya naman naptingin sa akin si Maam pati narin yung iba kong kaklase. "Sasagutin ko lang yung tumatawag sakin."
Pagpapaalam ko sa aking guro.
"Be fast Ms. Lionhart," sagot naman niya sakin.
Napatingin naman ako kay Karla, tinanguan nalang niya ako.
Dali dali akong nagtungo sa labas ng room saka sinulyapan yung tumatawag sakin.
Laking gulat ko ng makita ang pangalan ni mama sa screen, bakit naman kaya siya napatawag? Bihira lang naman kasi siya tumawag eh, usually puro text lang. Kaya nakapagtatakha talaga. May problema kaya?
"Hello, ma? bat ka napata------"
"ANAK! YUNG ATE MO! NAKITA KO YUNG ATE MO!!"
napakunot naman ang noo ko. si ate?
"Ma, kalma ka lang! Baka naman hindi yan si ate? Baka naman po namamalikmata ka lang?"
rinig ko ang mabibigat na paghinga ni mama. Sobra talaga siyang nangungulila kay ate.
"HINDI! HINDI AKO PWEDENG MA-MALIKMATA CASSANDRA!! ANG ATE MO YUN! SI CATHERINE YUN! CASSANDRA PLEASE! TULUNGAN MO KO HANAPIN NATIN SIYA."
"S-sige ma, hintayin mo ko diyan!"
Tumakbo ako muli sa room saka kinuha yung bag.
"Teka, Uy Cass! San ka pupunta?" Tanong ni Karla.
"S-sa Mama ko, nakita na daw niya si Ate Cath, kailangan ko siyang puntahan."
"Ha? Ang ate Catherine mo? Sige sasama ako, ako na bahala magpaalam kay maam Hintayin mo ko sa Canteen."
Tumango nalang ako. Mabuti ng may kasama ako na tutulong sakin, kilala ko na kung paano mangulila yun si Mama kay Ate, ni kahit sino na nga na babae ay pinagkakamalan na niyang si ate.
Tinakbo ko na pababa ng building, ang bwiset kasi eh, nasa 4rth floor pa yung room namin kaya nakakarayuma mag akyat baba.
Napatigil ako sa pagtakbo nung may humarang sakin na lalaki.
"Oh Cass? Wala ka bang klase? Saka bat ka hingal na hingal? May humahabol ba sayo??"
Iniangat ko ang ulo ko at si Saffron lang pala. Naka Jersey Shirt siya atsaka nakapambasketball na shorts. Varsity player kasi siya e, Imagine? Ganyan kaliit pwede? Hahaha, pero wag kaya magaling yan si liit. Hehehe.
"Uuwi ako samin, Si mama kasi eh. Emergency lang."
"Ha? Bakit anong nangyare kay tita Cora?" gaya ko, nagaalala narin siya para kay mama. Kilalang kilala na siya ni mama dahil magkaibigan ang mga magulang namin.
"Mahabang kwento eh....... Ahm Saff? Pwede favor? Pwede pagamit muna ng kotse mo?" balak ko kasi talagang mag commute nalang pero baka matagalan pa ko sa dami ng pasahero.
"No Worries, yun lang pala eh. Tara! Bilis!"
Nakitakabo narin siya sa akin hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school.
"Wait! Pano si Karla?" naalala ko sasama pala siya.
"May kotse yun, susunod nalang yun. Sakay na bilis."
Hindi naman gaano kalayo yung bahay namin sa School. Kaya limang minuto lang ay nakapunta na kami agad ni Saff. Thank God dahil hindi traffic.
Pagbaba at pagbaba palang namin ni Saff ng kotse ay nagkukumpulang tao na agad ang tumambad di kalayuan samin.
Kinabahan ako. Dahil malaki ang posibilidad na si mama ang rason kung bakit ang dami na namang chismosa dito.
Napatingin ako kay saff ng may takot at kaba. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Pinilit namin makisiksik hanggan sa makapunta kami sa harapan.
SI MAMA!
Nakakapit ang dalawang kamay niya sa palda ng isang babae, di ko pa nakikita ang mukha niya pero parang mayaman dahil sa suot.
Dali dali ko siyang nilapitan at niyakap.
"Cassandra? CASSANDRA!! Buti dumating ka! Ang ate mo! Huwag mo na siyang paalisin dahil baka mawala na naman siya! Please!!!"
Naiyak narin ako nung umiyak si mama. Kaawa awa ang lagay niya, para siyang hayop na nakadapa at nagmamakaawang bigyan ng pagkain.
Iniangat ko ang ulo ko at........ Yung babae! Pamilyar siya!
"OH FREAKING BITCH! IKAW YUNG BABAE SA SCHOOL NA MANGAAGAW DIBA?! BWISET KA! BWISET KAYO NG NANAY MO KUNG NANAY MO MAN SIYA! PAGKAMALAN BA NAMAN AKONG ANAK NIYA? HAHAHAHA! SORRY BUT, ANG LAYO NG MUKHA KO SAYO PARA MAGING KAPATID EEEEEEEW!!!"
Wait................. TRIXIE? BAKIT SIYA NANDITO??
END OF CHAPTER TWENTY THREE
VOTE AND COMMENT PLEASE! I LOVE YOU MY READERS :*
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Fiksi Remaja⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction