TCGIMB - Thirteen

1.8K 87 2
                                    

Dedicated to PrettyKlie HelenSabay5
Salamat sa pagsubaybay.

*****

CHAPTER THIRTEEN

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway habang susuot ko ang Dress na ibinigay sakin ni Jayden.

Nasanay na ako kaya hindi ko nalang pinansin yung mga babaeng kanina pa ako tinititigan. Eh sa ganda kong 'to eh.

Nasa likod ko naman sina Karla at Saff....

Nagtakha naman ako sa dalawa.

Ang bilis nilang maging close eh....

Parang matagal na nilang kilala yung isa't isa.

Hindi ko nalang sila tinanong dahil baka isipin pa nilang pinipigilan ko silang maging malapit sa isa't isa.

At baka isipin pa netong si Saff ay nagseselos ako. Tch! Asa naman siya, isang matalik na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. At hindi na magbabago yun.

Maging pagdating sa labas ay hindi parin tumitigil sa pagtiting tinginan sakin.

Naging mas awkward nga lang kasi pati lalaki ay pinagtitinginan narin ako.

Kahit gabi na ay maliwanag parin naman dito sa labas dahil may mga nakakalat na poste ng ilaw dito sa loob ng campus kaya malayang makapag ikot ikot ang mga estudyante.

At sa wakas ay nasa gate narin kami kaya matatakasan ko na ang nakamamatay na titig na yon.

Mula sa kinatatayuan ko ay matinam kong pinagmasdan ang hitsura ni Jayden.

Sa bagay, he has that looks naman kaya hindi na talaga nakakapagtakha kung maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

Sa isip isip ko.

Mula sa likod ay pinagmasdan ko ang nakakaloka niyang tindig. Lalaking laki. Hapit na hapit rin sa kanya ang suot niyang polo at tuxedo. Aaaaaaargh! Stop this bullshit's Cass. He is a demon!

Napalingon naman siya sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Ngumisi muna siya at saka nagsalita.

"Tingnan mo nga naman oh, na kaya kang pagandahin ng dress na yan,"

Binawian ko rin siya ng ngisi.

"Bakit, nagagandahan ka ba sakin?"

I said on a sexy tone.

"Hindi.... sobra akong nagagandahan..."

Naginit ang mukha dahil sa sinabi niya.
Mukhang di ko na kakayanin bang banatan yung mga huli niyang sinabi kaya nagiba ako ng topic.

"Bakit ba hindi pa tayo umalis?"

"Sige, umalis ka. May nakikita ka bang sasakyan?"

Sarkastiko niyang pagkakasabi.

Inirapan ko nalang siya at naupo sa bench.

Sila Saffron at Karla naman.... ayun! Mukhang seryong seryoso sa pinaguusapan nila habang nakaupo sa kabilang bench. Nawi-weirduhan na talaga ako sa dalawang to ha!

Siya nga pala, nasabi ko na rin kay Jayden na pinasama ko yung dalawa, hindi naman siya nagreklamo ngunit hindi rin naman niya ko pinansin. Ang samaaaaa. ANG SAMA.

Hinaplos ko ang magkabilang balikat ko gamit ang dalawang kamay habang hinahayaang humampas sakin ang malalamig na hangin.

Nakakainis, bakit kasi ganito yung binigay na dress sakin ni Jayden?

Hindi ko namalayan na tumabi pala siya sakin. Umurong naman ako ng kaunti senyales na ayoko siyang makatabi.

Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

Mas lalo siyang lumapit sakin at.....

Hinubad niya yung tuxedo niya at ipinatong ito sa balikat ko.

OKAY

ANG

AWKWARD

NA

PO

TALAGA

Nakaramdam ako ng paginit ng aking katawan, dala siguro ng tuxedo.

Gusto ko man alisin pero hindi ko na talaga kayang labanan pa yung lamig ng hangin.

Hindi ako makaimik dahil ayokong mahalata niyang hindi ako komportable.

Mas lalong naginit yung mukha ko nung inihakbay niya sakin yung kaliwa niyang kamay.

Kaya ang resulta. Para na kaming magsyota ngayon. Aaaaaargh! Bakit ganto ba tong lalaking ito?

"Pasensya ka na, hindi ko naisip na lalamigin ka pala kapag iyan ang suot mo,"

So it means na siya pala ang pumili ng Dress na ito? Infairness maganda ah? Bakit hindi siya nag fashion designer.

Hindi ko nalang aiya pinansin para magmukha siyang tanga.

Maya maya pa ay may narinig akong busina na kotse. Hindi lang isa, sa tanya ko ay mga nasa tatlo sila.

Huminto ang isang medyo mahabang van sa harapan ng gate.

Tumayo na si Jayden kaya tumayo narin ako, ganun rin ang dalawa.

Lumabas na kami ng gate at hindi nga ako nagkakamali.... tatlong sunod sunod na van ang nakita ko.

Teka? Apat lang naman kami ah? Tapos tatlo pa yung pinadalang van.

Nagsilabasan yung napakaraming lalaki sa mga van, Men in black silang lahat.....

Kagaya nung nakita ko noon sa Mall.

Na weirduhan naman ako kasi pumalibot sila samin.... ano to? Maglalaro ba kami?

Binuksan naman ng lalaki yung isang itim na van.... pinasakay naman na kami ni Jayden.

Dun ako pumwesto sa likod ng driver's seat.
Gustong gusto ko kasing natatanaw yung mga bagay bagay kapag bumabyahe kami ni mama. Nakasanayan ko na.

Huling pumasok si Jayden at tumabi siya sakin.

Bigla namang tumibok ng mabilis ang aking puso at hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko gustong malapit siya sakin pero once na lapitan niya ako.

I don't want him to let go.

The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon