NEW CHARACTER :
Eunice Mendoza on the multimedia 😉
******
" Hoy bata, bakit nagiisa ka diyan? Tara laro tayo! " tinapik ng batang si Cassandra ang isang batang lalaki na siyang tahimik na nakaupo sa tabi. Marahan naman itong napalingon sa kanya habang inaayos ang suot na salamin.
"Huwag ka nga maingay, baka mapagalitan tayo ng mga tagapag bantay at isumbong tayo kay daddy. " daing naman nito na agad ikina simangot ni Cass.
"Hindi naman tayo mag iingay eh, tara sige na please..... Makipaglaro ka na sakin. " pagmamakaawa ng batang si Cass sa batang lalaki.
Napakamot nalang sa ulo ang lalaki at inilapag sa lamesa ang binabasang libro. Wala siyang magagawa, kailangan niyang makipaglaro dito upang matahimik na.
Hinila agad siya nito na agad naman niyang ikinagulat. Ayaw na ayaw niya sa maingay pero iba ang pakiramdam niya kay Cass. Automatiko kasi siyang napapangiti ng lihim sa tuwing kakausapin siya nito at makikipaglaro kahit na hindi naman niya kilala.
Masaya silang naglalaro noon ng kung ano ano ng biglang may tumawag sa pangalan ni Cass,
"Cassandra, anak. Kailangan na nating umuwi, hindi tayo pwedeng magtagal dito. " ang kanyang ama na siyang nagdadala sa kanya sa naturang gusali.
"Pero po, gusto ko pang makipaglaro sa kanya eh. Mamaya nalang po pleaseeeeee. " pakiusap nito sa kanyang ama. Tuwang tuwa kasi siya dahil nagkaroon siya ng kalaro gayong pinagbabawalan siya ng ama.
"Hindi ba sinabi ko sayo behave ka lang dito? Bakit mo dini distorbo ang Mahal na Hari? "
"Papa, naglalaro lang naman po kami. Sige na po payagan mo na ko pleaseeee. " patuloy nitong pagmamakaawa pero tanging iling na lamang ang naisagot ng kanyang ama.
"Huwag ng pasaway, sa susunod hindi na ulit kita isasama dito! " hindi na maiwasan pang mapasigaw ng kanyang ama dahilan para tuluyang mapaiyak si Cassandra. Nalulungkot siya sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ama.
Patuloy lamang siya sa paghagulgol ng biglang lunapit sa kanya ang batang lalaki. Marahan siya nitong hinimas sa kanyang likod na para bang pinapatigil sa pag iyak.
"Tahan na. Hayaan mo, sa susunod na pupunta ka dito. Maglalaro na tayo palagi, kung gusto mo ipahiram ko pa sayo ang baril barilan ko eh. " sabi nito sabay abot ng isang puting panyo na agad namang pinunas ni Cassandra sa kanyang mga luha.
Napangiti naman si Cassandra ng makita ang malawak na ngiti sa mukha ng bata. Sa tagal niya ba naman kasing pumupunta dito ay ngayon niya lang iyon nakita, palagi kasi itong seryoso.
"Talaga? Pangako? Hindi ka nagsisinungaling? " tanong naman niya. Sa di malamang dahilan ay natigil ang pag agos ng mga luha sa kanyang mata.
Rumehistro ang malawak na ngiti sa batang lalaki at nagtaas ng kaliwang kamay bilang pangangako. "Pangako, hindi ako nagsisinungaling. Basta hindi na kita ulit makikitang umiiyak ah? "
"Pangako! " taas rin nito ng kamay.
Sa isang iglap, sabay silang nagtawanan at nagpalitan ng ngiti.
"Omo! Talaga ba Cuz?! Dito ka na magaaral? Omg I can't magkakasama na tayo ulit!! Kyaaaaaaaaah! " namalayan ko nalang na nakadilat na pala yung mata ko kahit na tulog na tulog pa yung sistema ko. Shet! Dapat masanay na ako dito kay Karla eh! Yung boses niya parang kinakalikot yung ear drums mo sa sobrang tinis. Parang hindi ko na ata kailangan ng alarm dahil siya na yung Human Alarm ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/88219563-288-k742580.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Teen Fiction⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction