Cassandra's POV
Nakatingin lang ako kay Jayden habang busy siya sa pakikipag usap sa may phone niya. Bawat galaw ng bibig niya ay pinagmamasdan ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakanganga na pala. Para kasing lahat ng kinikilos niya ay sinusundan ng mata ko.
Nabalik lang ako sa ulirat ng bigla siyang tumayo at ibinalik ang phone niya sa kanyang bulsa. Tumingin siya sakin ng may kunot ang noo kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at tumayo.
"Let's Go, ihahatid na muna kita sa Dorm niyo," sabi niya at nauna ng maglakad.
Napatingin nalang ako sa hawak kong plastic ng isang kilalang clothes shop. Nagtatakha ko itong tiningnan, inabot kasi sakin to kanina ni Jayden pagkatapos naming mag breakfast. Isuot ko daw mamaya sa date namin.
Nagmadali akong umalis sa living room. Grabe halos mahilo ako at malito kung saan ba ako dadaan sa sobrang laki ng mansyon na ito. Kung bakit ba naman kasi ako iniwan ni Jayden eh! May lakad ata yun, kasi kanina hindi ko siya makausap ng maayos dahil mukhang seryoso siya sa pakikipagusap sa phone niya.
Finally! May nakita akong isang maid kaya nagpaturo nalang ako kung nasaan ba si Jayden. Pero ang kaso nito, nasa pool daw tapos bigla na siyang umalis dahil may gagawin pa daw siya. Mukha bang dito ako nakatira para malaman kung nasaan ba yung pool na yun? Hays!
Wala akong nagawa kundi maglakad nalang kahit na di ko alam kung saan ba ako tutungo. Hanggang sa mahanap ko na nga yung pool at nakita ko dun si Jayden may kausap sa phone. Pumasok ako mula sa slidding door. At Whoah!!!!! Ang ganda ng pool nila dito! Ang sarap mag swimming.
Natigil siya sa pakikipagusap. "Oh? Sabi ko magpahatid ka sa maid papunta sa labas. Hintayin mo ko dun."
"Sino ba kasi yung kausap mo?"
"It's none of your business."
Npairap ako sa sinabi niya. Yeah, it's relly none of my business. Nagtatanong lang eh. Masama ba yun? Sapakin kita diyan eh.
"Ok." ang nasagot ko nalang.
Gaya nga ng sabi ni Boss Jayden, nagpahatid ako sa isang maid. Ngayon, iniikot pa naming itong mansion papunta sa labas.
"Hi po, ano pong pangalan niyo?" tanong ko sa maid na naghahatid sakin.
"Ah, ako si Esrelita. Tawagin mo nalang akong Yaya Lita." ngiti niyang tugon sakin. So yun, nag usap lang kami hanggang sa makarating na kami sa parang garden are nitong mansyon which is nasa labas. Mas nakilala ko pa si Yaya Lita, dalawang dekada na pala siya diton naninilbihin sa Clarkson's Mansion. Mabait siya at palangiti.
"O, paano Ineng? Ayos ka lang ba dito? Maiwan na kita ah, hintayin mo nalang si Ser Jayden." pagpapaalam sakin ni Yaya Lita.
"Ah, sige po. Salamat po ulit." sabi ko naman sa kanya ng may ngiti. Tumango siya saka umalis narin. Napaupo nalang ako sa bench dito habang naghihintay kay Jayden. Yung weird na lalaking yun. Sino ba kasi yung kausap niya sa phone niya? Bakit parang busy'ng busy'ng naman siya. Bakit kaya di nalang muna niya ko ihatid sa Dorm ko? Pwede naman ata niyang ipagpatuloy yung pakikipaglandian niya kapag nakauwi na ko diba? Hindi yung harap harapan pa. Masakit rin kaya ano.
Habang nag mo-monolouge ako sa isip ay biglang may lumitaw sa harap ko. Mukha ni Jayden ang tumambad sakin pagkaangat ko ng ulo.
"Oh? Anong inuupo upo mo diyan? Tara na!" sigaw niya sakin. Oh? Ano pa bang ie-expect ko sa lalaking may PMS na ito? Really? Nagkagusto ako sa ganitong ugali.
![](https://img.wattpad.com/cover/88219563-288-k742580.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Gangster is my Boyfriend [REVISING]
Roman pour Adolescents⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ .... you have been warned Highest Rank : #98 in Teen Fiction