HYDRA'S POV
Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi parin mawala sa utak ko ang nangyari sa amin nung gabing tinulungan ko siya.
At dahil nga sa pagkabigla ko sa nangyari ilang araw ko din siyang hindi pinapansin. Nahihiya kasi ako sa ginawa kong paghalik din sakanya pero hindi ko alam kung naiinis ba talaga ako dahil nabitin ako o sadyang naiinis lang ako kasi yung palagi pang nang iinis sakin ang unang nakakuha ng first kiss ko.
"Hydra! Hydra! may hindi ka ba nakukwento sakin hah?" nakakalokong tanong sakin ni Elise na nakapagpabago ng mood ko.
"anong ibig mong sabihin?" patay malisya kong tanong sakanya.
"bruha ka halika nga sa grounds!" nakangiti niyang sabi at bigla akong hinila papunta sa grounds.
Nagulat naman ako nang bigla akong may nakitang mga nagkukumpulang mga tao.
ano kayang meron.
Bigla silang nagbigay daan sakin nung nakita nila ako na naging dahilan para makita ko ang kabuuang may sala dahil sa pagkukumpulan ng mga kumag na to.
"ang swerte naman ng nerd na yan"
"para sakanya talaga yan?"
"huhu fafa ferrer anakan mo ko please"
Bawat tao dito may hawak na mga letra. Binasa ko ito simula dun sa una hanggang sa dulo
I M S O R R Y M S K A N G. Unti unting bumagsak ang mga luha kong namumuo sa gilid ng mata ko nung makita ko kung sino ang may pakana ng lahat ng to.Nilapitan ko siya saka ko sinabing..
"You dont have to do this"
Nakita ko ang pagbabago sa muka niya habang sinasabi ko ang mga iyon.
"Im quite shy person" nakangiti kong sabi sakanya at muling nagbago ang ekspresyon ng muka niya na kaninang malungkot ngayon punong puno ng saya ang mga ngiti niyang nakikita ko ngayon.
"Have you forgiven me?"
"Apology accepted"
Nagulat ako nung bigla niya kong niyakap at saka binuhat at hinalik halikan sa noo.
"Makareact ka kala mo nanalo ka sa lotto." pabiro kong sabi sakanya.
"Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa saya ko ngayon Ms KANGaroo."
bwisit na to tinawag pa kong kangaroo.
"Okay tapos na ang palabas magsibalik na kayo sa mga lungga niyo." singit na sabi ni Lim sa kanina pang mga nanonood samin.
Matapos ang eksena kanina sa labas pinapansin ko na uli itong si kumag na stallin.
namiss ko rin tong hayop na to.
"Teka bakit ka ba nakangiti diyan para kang tanga" seryoso niyang sabi sa akin.
"ano bang pake mo?" maarte kong sabi sakanya pano ba naman kasi pati pag ngiti ko pinapakelaman niya.
" Mabuti sana kung ako dahilan ng pagngiti mo e"
kung alam mo lang na ikaw dahilan ng pagngiti ko ngayon e.
Nakarating na rin kami sawakas sa loob ng room nalate kami ng pasok kaya lahat ng atensyon nila ay nasamin.
teka wala kaming ginawang krimen
"Mr Ferrer and Ms Kang since you're both late , kayo na ang magkapartner sa sayaw is that clear?"bungad sa amin nitong terror namin na guro.