Chapter 6

27 0 0
                                    

ELISE'S POV

Nagulat ako sa nakita ko habang naghahanay kami kanina sa astrodome kaya agad ko itong sinabi kay Leo. Mad lalo kong ikinagulat  dahil hindi lang pala ako ang nakakita dito  nakita rin pala ito ni Leo at ni Lim.

"We have to tell her this"

"I'm afraid" malungkot na pagkakasabi ni Leo at biglang yumuko.

Alam ko na matagal ng gusto ni Leo si Hydra pero hindi naman niya kayang aminin ng seryoso siya dahil sa pagiging joker ni Leo samin marahil ay ginagawa niya ding pabiro ang pag amon niya kaya siguro ayaw siyang paniwalaan nitong si Hydra.

Masakit para sakin ang nangyayari kay Leo pero mas masasaktan ako pag nalaman na ito ni Hydra natatakot ako na baka mahulog na naman siya sa patibong nitong si Benedict.

Naglalakad ako patungo sa classroom ng bigla kong makasalubong itong si Hydra kasama nung makulit niyang kaklase. Iniisip ko parin kung dapat ko ba itong sabihin o hahayaan ko nalang siya na siya mismo ang makatuklas niyon.

Gusto kong sabihin para maging aware siya , pero ayaw kong sabihin dahil baka masaktan lang siya at bumalik na naman siya sa pagiging cold niya. Ayaw ko ng mangyari yun dahil mas nakakatakot siya pag ganun ang pakikitungo niya.

Sasabihin ko na,

"Hydra" seryosong kong pagtawag sakanya.

"oh bakit Elise?"

"Mag usap tayo" seryoso parin ang tonong gamit ko.

"Teka wag mo muna kong sundan mamaya ka na mangulit." pagtataboy niya doon sa kanina pang sunod ng sunod sakanya.

"tungkol saan?" seryosong tanong niya.

"He's here in the campus"

STALLIN'S POV

Panay ang pangungulit ko dito kay KANGaroo natutuwa kasi ako pag naiinis ko tong dyosang to at mas lalo siyang gumaganda lalo na pag nakikita yung naligaw niyang dimple sa ilalim ng mata niya kaya mas nagiging mukang pusa siya sa tuwing ngumingiti.

ang ganda niya talaga pag nakangiti.

Hindi ko na alam kung saang parte na kami ng campus hindi ko pa kasi ito kabisado masyado. Sa gitna ng pangungulit ko sakanya may tumawag sakanya na isang babae palagay ko ay kaibigan niya ito. Maganda siya pero mas maganda ang babae ko.

Seryosong humarap yung babae kay Kang.
Sa itsura nito mukang may mahalaga silang pag uusapan kaya naman tinaboy ako agad ni Kang at tuluyan ng umalis.

"He's here in the campus"  seryosong sabi nung babae kay Kang.

Nacurious naman ako kaya sinundan ko sila.

Sino kaya yung lalaki na tinutukoy nila at nandito daw sa campus na bigla nalang nagpabago ang mood ni kangaroo.

HYDRA'S POV

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko kay Elise.

may masama kayang nangyari? Meron na naman bang delubyong dadating?

" We saw your ex lover" seryosong sabi sakin ni Elise.

"But why?" takang taning ko.

"Maybe he's going to study here?" singit sa amin ni Lim.

At saan naman galing ang ulupong na to parang kabute bigla bigla nalang sumusulpot kung saan saan.

"Wtf?"

Dali dali akong umalis para magpunta sa office ng damuhong kong kapatid. Nakita ko siya sa swivel chair niya na parang ang lalim ng iniisip kung hindi ako nagkakamali ay iniisip niya rin ang tungkol sa pagpasok dito ng ex ko.

Nagulat siya ng biglaang pagpasok ko sa office niya.

"Learn how to knock, princess." sarkastikong sabi ni Jasper sakin.

"May dapat ba kong malaman?" cold na bungad ko sakanya.

"Marami" bored niyang pagkakasabi.

"Barado ang cr sa third floor, may tatlo tayong sirang aircon , may bagong dating , at yun ay ang ex mo." paliwanag niya  sabay seryosong tumitig sakin.

"So its real" seryosong sabi ko.

"At bakit ka naman pumayag?" inis kong tanong sakanya.

"I dont have a choice" sabay iwas ng tingin sa akin.

Bumugtong hininga nalang ako. I know im ready for this kaya hindi dapat ako mabahala sa mga pwedeng mangyari. Besides Im expecting na makikita ko ulit siya kaya lang hindi sa ganitong paraan at hindi sa ganitong lugar.

STALLIN'S POV

Narinig ko ang lahat ng pag uusap nila nung babaeng Elise ata yung pangalan.
Nagtataka lang ako kung sino yung lintek na sumayang sa babaeng pangarap ko. Pag nalaman ko talaga kung sino yun hindi na ko magdadalawang isip na sugurin siya at pagsuntok suntukin.

Umalis nalang bigla si Kang matapos may sumingit na lalaki sa gitna ng kanilang pag uusap. Sino naman kaya yung lalaki na yun?

Hindi ko na napansin kung saan siya patungo kaya naglakad lakad nalang ako at nilibot ang sarili ko sa loob ng campus.

"idol papicture po"

"notice me senpai"

"uwi ka na bae di na ko galit"

Nung una ay hindi ako sigurado kung ako nga yung sinasabihan nila pero hindi na ko nagtaka na ako lang pala ang mag isang lalaki na nandito ngayon sa fields.

At dahil pahumble ako nginitian ko nalang sila with matching alam-kong-pogi-ako look.

Ikaw nalang yata Kang yung hindi nakakapansin ng taglay kong kagwapuhan. Kelan mo kaya ako manonotice senpai?

 In Disguise Where stories live. Discover now