THIRD PERSON'S POV
After almost 6 hours natapos na rin ang operation ni Hydra hinihintay na lang na magising siya para masabing success ang operation na ginawa sakanya.
"Hintayin nalang natin na magising siya Mr Fontanilla" sabi ng doctor kay jasper.
"Success naman diba?" may pag aalalang sabi ni Janstine sa doctor.
"Yes Mr fontanilla pero hindi po muna pwedeng maexpose sa sunlight ang kanyang mga mata dahil baka magkaron po ng complications pag nagkataon but after 3 days she can have her normal life." paliwanag sa amin ng doctor na mom ni Franz.
"Thank you alot Mrs Tan"
"Youre always welcome Mr Fontanilla."
LEO'S POV
I should be ready dahil ako talaga ang sisi sa lahat dito kapag wala silang magkakapatid.
"Leo pinapasabi ni sir Jasper na ihandle mo ang lahat at use your officers daw para isecure ang lahat ng facilities make sure na hindi na mauulit ang nangyari also train them kung pano gumamit ng ilang weapons at mas maganda kung lahat ng estudyante may necklace knife para sa self defense nila." sunod sunod na sabi sakin ni stacey na secretary ni Hydra ko.
Im expecting for this.
"Okay I got it"
Mag iisang linggo na mula nung umalis sila Hydra para magpagamot sa ibang bansa. And it feels like somethings missing. Gusto ko siyang puntahan gusto kong sumunod dahil natatakot ako na baka matagalan pa siya bago bumalik dito natatakot na ibang tao ang una nitang makita sa pagbukas ng bago niyang mata , natatakot na baka tuluyan na kong mawalan ng pag asa na mahalin siya at mahalin ako mas lalong natatakot ako sa naiisip kong posibleng pagbalik niya may dala na siyang lalaki papunta dito. Hindi ko alam kung papano ko pa haharapin ang mga lalaki na nakikita kong nakaaligid sakanya.
Isa lng ang sigurado ako na sa pagbalik niya ay ang siyang pag gising ni Stallin mula sa pagkakacomatose niya. Paniguradong hindi niya na maaalala si hydra pag nangyari yun kaya naman hindi na ko ganun nangangamba sakanya.
Wala na rin akong nababalita tungkol kay Benedict matagal na panahon na rin. Ang sabi lang nila ay umalis ng bansa sila nung mga panahon din na nangyari ang trahedya sa campus.
Kay Franz nalang siguro ako nangangamba dahil kasama niya ngayon si Hydra at napapansin ko rin na panay ang titig niya sa Hydra ko mula nung naging parte siya ng gang namin. Marahil ay mababaw lang na pagtingin ang meron siya kay Hydra pero hindi parin impossible na sila na pagbalik dito sa Pilipinas.
"----tapos ganun ang gawin mo sa isang linggo pa daw kasi ang balik ni sir Jasper.Hoyy nakikinig ka ba??" patuloy na pagsasalita ni stacey na hindi ko naman napakinggan dahil sa pagmumuni muni ko.
"Huh ano? oo nakikinig ako. Ano nga ba ulit yun?" tanong ko sakanya dahil hindi ko naman talaga naintindihan ang ilang mga sinabi niya.
"Ang sabi ko----"
Hindi ko pa rin talaga maisip na nangyayari talaga ang mga bagay na to. Ni hindi ko maimagine na ang tahimik na buhay ni Hydra noon ay magiging ganto kamiserable ngayon. Halos lahat nalang ng panganib sa buhay nararanasan niya na dahil lang sa kasalanan ng iba at lahat ng yon kapalit ang buhay niya. Ano pa kaya ang mas lalala na nangyayari ngayon sa kanya na mangyayari pa sa hinaharap. Paniguradong maraming gustong pumatay sakanya at mas dadami pa.
"---- ganun daw kasi para mas maging secure ang buong lugar na to" patuloy nita paring sabi at gaya ng una hindi ko uli ito naintindihan.
"Hah? oo nga ganun nga rin naisip ko e."