JANSTINE'S POV
"Kambal may nagpadala para daw kay princess" seryosong sabi sabi ko kay jasper
"Tignan mo muna kung ano laman"
Isa itong maliit na karton na kasya lang ang isang rice cooker.
Pagkabukas nila sa box may nakita silang maliit na doll na nakakatakot dahil sa dalawang linyang pula nito sa pisngi at may pagkaclown din ang itsura nito. Sa gilid nito ay may pindutang pula na siyang pinindot ni Jasper.
"Let's play a game" nakakatakot na tonong lumabas galing sa doll na ikinatakot din ng dalawa.
"Para ka namang bakla kambal." pang aasar ko sa kumag kong kambal.
Maya maya pa ay biglang sumabog ang doll na hawak nila kanina.
"WAAAHHHH!!
Sobrang lakas ng impact dahilan para tumilapon ang dalawa. Nagulat ang ibang nasa office kaya agad silang humingi ng tulong.
Dinala agad sila sa hospital dahil nakatamo sila ng 1st degree burn sa parteng kamay at braso nila.
HYDRA'S POV
"Ano ba wag ka ngang makulit" inis kong sabi kay Stallin. Nababadtrip na ko sa taong to wala ng ibang ginawa kundi mas badtripin pa ko.
"ang pangit mo kasi pag naiinis ka" pang aasar pa ng damuhong kong katabi.
Akmang sasapakin ko na siya nang bigla akong mag narinig na isang malakas na ingay at parang tunog ito ng pagsabog kaya lumabas ako at hinanap ko agad kung saan nanggaling ang pagsabog na yun.
"san ka pupunta kang?" may pag aalalang tanong ni stallin sakin.
"shhhh!"
"I heard it too come on" saka siya sumunod sa akin.
wala na kong pake sa sunod niyang ginawa nang mahanap ko na kung san galing ang pagsabog na narinig ko.
"Stacey! Asan sila? bungad ko sa unang taong nakita ko sa office.
"Maam dinala na po sila sa hospital" tarantang sabi niya sa akin. Maam narin ang tinawag niya sakin kaya alam kong natatakot na din siya.
"WHAT?! BAKIT?
Pinaliwanag na sakin lahat ni stacey nasabi niya rin sakin na may box daw na pinapabigay sa akin pero hanggang dun lang ang alam niya dahil pumasok na sila kuya sa loob.
Bago ako tuluyang umalis pinauwi ko na ang mga natitirang estudyante pa sa campusa at wag munang magkaroon ng pasok ng isang linggo para imbestigahan ang nangyari.
"Cut the class pauwiin mo silang lahat ngayon and next week mo na sila papasukin announce it rightaway." mauthoridad na utos ko sa secretarya ko.
Dali dali na kong sumakay sa kotse ng kuya ko at pinaharurot ng mabilis ito hanggang sa makarating na ako sa nasabing hospital.
"Fontanilla -- " ito pa lamang ang sinabi ko pero agad na natarantang kumilos ang mga kaharap ko.
"Ro--om 304 po maa-m" manginig nginig nitong sabi. Halata sa pananalita niya ang kaba sakanya.
Pagbukas ko palang ng pinto nakita ko agad ang isang doctor ata dito.
"what do you want me to say first ms Fontanilla?" bungad sakin nitong doctor na to.
eh kung unahin na kaya kitang tapusin kesa sakanila?
"Tell everything straight to the point!" pasigaw kong sabi sa kaharap ko. Wala kong pake kung doctor pa siya dito. Wala kong sinasanto pag badtrip ko.
"Goodnews is they are both fine" nakangiti nitong sabi. "but the badnews is hindi na kinaya nung isa" dagdag niya pang sabi sabay turo doon sa isang kama na may takip na puti at tila may tao sa ilalim nito.
Nanginginig akong lumapit doon sa kama at nang tanggalin na ang kumot na ito bigla nalang may bumagsak na luha hanggang sa tuloy tuloy na iyon.
"why the heck are you here baby rupert!!" Wake up you!! tama na pagbibiro bumangon ka na diyan hindi ka nakakatuwa!!! Ruperttt gumising kaaa! sunod sunod kong sinabi habang pinipilit na gising ang nakahilata kong kapatid.
Hindi ko kaya please rupert wag muna
Bigla nalang may lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. Hindi ko na pinag aksayahang tignan ang muka nito pero bigla ko itong niyakap ng mahigpit.
"iniwan na ko ni rupert!! iniwan na ko ng baby ko!! bakitttttt bakittt kailangang mangyari to" nahihirapan na kong huminga sa pagkakataong to.
Narinig kong biglang may sumuntok ng malakas at nang lingunin ko yun nakita kong si kuya jasper ang galit na galit na sumusuntok sa pader at inaawat na ni kuya janstine.
"Sinong nagpadala nun?" seryoso kong tanong sa kapatid kong kasalukuyan paring sumusuntok sa pader. Nakita kong may sugat siyang natamo sa braso at ngayon naman ay namamaga ang kanyang mga kamao dahil sa kakasuntok.
Hindi niya parin ako pinansin at patuloy parin siyang sumusuntok sa pader.
"SINONG NAGPADALA NG P*TANGINANG YON?!
JASPER'S POV
*FLASHBACK*
"Kuyaaaa where is DL?
Boooooogshhhhh!!!
"RUPEEERRRRRTTTT!!
*END OF FLASHBACK"
"This is bullsh*t! Bakit si Rupert pa?!"
Galit na galit ang kapatid ko sa nangyari kaya naman pati ako nakuha niya pang sigawan.
"I dont know okay? I dont know, I dont have any idea Im sorry." niyakap ko agad ang kapatid ko.
Humagagulgol na sa kakaiyak si hydra hindi ako sanay sa nangyayari kaya parang gusto kong pumatay ngayon ng kahit sino.
Kumalas sa pagkakayakap sakin ang kapatid ko at lumapit siyang bahagya sa bangkay ni Rupert.
"Ipaghihiganti kita"