Chapter 17

27 0 0
                                    

ELISE'S POV

"Totoo na ba to?" takang tanong ko sakanila. Hindi ko kasi lubos maisip na tatlong linggo lang ang training at bukas na ang simula ng paghihirap ng buong school na to.

"Mali ka ng iniisip." sabi naman sa akin ni Lim.

"They still dont know na si Hellenic ay si Hydra na may ari nito pwede silang umurong dahil matatakot sila pag nalaman na nila ang totoo." paliwanag naman ni Leo sa amin.

"You got a point" sabi naman samin ni kuya sir Janstine.

"We're in between, maganda kung ititigil nila ang pananakot pag nakilala nila nag totoong tinatakot nila, but not good pag lalo silang naglakas ng loob na manghimasok at mandamay ng ibang nag aaral dito." sabi din ni kuya sir Jasper

"Good thing is naturuan sila kahit sa maikling panahon ang talino ni Hydra para maisip na pwedeng maging hostage ang isa dito." seryosong sabi samin ni kuya sir Janstine

"We have to obey her kahit marami sa atin ang hindi sang ayon sa gagaawin niya. For sure she has her own way para harapin ang gustong pumatay sakanya." Dagdag na sabi pa ni kuya sir Jasper.

"in short we dont have a choice" may pagdududang sabi ko sakanila.

Bumukas naman bigla ang pinto ng office at nakita ko ang kunot noong muka ni Hydra.

"You dont trust me?" inis niyang sabi sa akin at humarap siya sa kuya niya at humarap uli siya saming lahat.

"Im ready to kill and be killed"

STALLIN'S POV

Bigla na namang nawala sa paningin ko si Kang kaya naman lumabas na rin ako pero may natapakan akong isang nakakapagtakang papel dun mismo kung saan nangyari ang pagsabog kanina.

--revenge is near
revenge is here-

Kagaya ito nung una kong papel na nabasa na nakalagay doon sa bouquet. Nakakapagtaka lang hindi naman siguro to para kay Kang diba?

Binaliwala ko nalang ito at umalis na sa condo umuwi nalang ako. Pagkauwi ko nagulat ako nung biglang andaming tawag akong natanggap.

Nagring muli ang aking cellphone sa pagkakataong to sinagot ko na ang tawag.

"Hello?"

"dude may celebration tayong lahat sa school dahil natuto tayong lahat ng basic sa loob lamang ng tatlong linggo!"
masayang sabi sa akin ng nasa kabilang linya.

"okay okay"

"meron pa! magtatanggal na din daw ng maskara yung mga nagtrain satin. Makikilala na natin sila bukas dude! excited na ko makita yung muka nung sexy na trainer natin"

Kahit kelan talaga tong kaibigan ko napakamanyakis talaga pag dating sa sexy.

Binaba ko na ang tawag at humiga ako sa kama ko para sana matulog

Ilang oras na kong hindi makatulog at kinakabahan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.

Kaya ang result bangag akong papasok mamaya.

puta di na nga ko matutulog.

Naghanda na ko ng makakain at mabilis na naligo saka lumabas ng bahay para pumunta naman sa school.

Matagal ang naging byahe ko dahil natraffic pa ko sa harap na mismo ng SHU.

sawakas at nakasingit na din.

 In Disguise Where stories live. Discover now