Chapter 7

25 0 0
                                    

BENEDICT'S POV

kriiiiinggg! kriiiingggg!

Nakahilata pa ako nang biglang tumunog ang alarm clock ko bwisit kulang pa tulog ko.Oo nga pala ngayon pala ang unang araw ng klase ko.

Naghanda na ko ng mabilis at saka umalis at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa school dahil 10 mins late na ko

Pagkadating ko sa school marami paring taong nasa labas so I guess hindi pa ko late.

ano bang oras talaga umpisa ng klase dito bakit ang dami pang taong nasa labas.

Sa dinami rami ng tao dito isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.

Yung naka hoodie na lalaki at tila ba duguan ang buong muka nito.

paanong nakapasok dito ang kagaya niya, naka uniporme nga pero ganyang yung itsura muka pang kakagaling lang sa suntukan.

Habang pinagmamasdan ko yung lalaking misteryoso napalingon siya sakin pero nag iwas agad ng tingin lumilibot parin ako nang may biglang bumangga sa akin laking gulat ko nang makita kung sino yung nakabunggo sakin.

"Pinsan!" sigaw nito sakin. Nagbungguan kami as a sign ng pagkakamustahan ganito kasi kami nun tuwing nagkikita kami.

"Oh Jill kumusta na ?" masayang tanong ko sakanya. Hindi ko alam na dito rin pala siya nag aaral.

"Ang laki mo na pinsan dati ang liit mo lang e." pabiro nitong sinabi sakin. "ayos lang ako pinsan ikaw? kayo ng girlfriend mo? kayo pa ba nung Hydra? dagdag niya pang sabi.

"Break na kami pinsan matagal na pero bumalik ako ng Pilipinas para bawiin ulit siya." seryoso at disididong pagkakasabi ko sakanya.

"Naku pinsan mukang mahihirapan ka diyan"

"Alam ko pero kakayanin ko." maayos na pagkakasabi ko.

"Sure ka? Sobrang lupit lang naman yung kaagaw mo sakanya."

"bakit nakikita mo pa ba siya?" curious kong tanong.

bakit sa tono ng pananalita niya parang kilalang kilala niya si Hydra.

"Oo dito siya nag aaral at balita ko nililigawan siya nung cor commander dito sa school."

"What?!" gulat kong sabi sakanya.

hindi ako makapaniwalang dito pala siya nag aaral. At malupit na punisher pa ang kaagaw ko sakanya. Di pa rin ako papatalo mababawi parin kita Hydra.

"Bakit hindi mo ba alam na dito siya nag aaral? Akala ko pa naman kaya ka dito mag aaral kasi nandito siya." dismayadong pagkakasabi ni Jill.

"Hindi. Ang alam ko lang kailangan mapasakin ulit si Hydra Lincoln Kang."

LEO'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng bar para tumambay at makalimot ng sakit kahit naka uniporme pa ko hindi parin ako nagpatinag. Hindi ko na kasi alam pa ang gagawin ko pag muling pang magkita si Hydra at yung ex niyang gung gong.

Aaminin ko matagal ko ng mahal si Hydra kahit nung mga bata palang kami. Magkababata kasi kami nitong ni Hydra kaya alam ko na ang buong storya ng buhay niya at ako ang una niyang pinagsasabihan ng problema niya nung wala pa si Elise.

Alam ko rin kung paano siya ginagago ni Benedict at kung paano niya pinaglaruan at pinagmukang tanga si Hydra. Naging sobra sobrang cold ng pakikitungo niya saamin magmula nung nagkahiwalay sila ni hindi na siya makausap ng maayos ni hindi na rin siya kumakain pumayat siya ng husto kumpara nung dati na chubby pa siya.

Madalas na rin siyang naglalaslas kaya naman parati siyang may sugat muntik pa nga niya itong ikamatay. Natrauma na rin siya sa dugo dahil muntik na rin siyang makapatay nung dati na pinagtanggol niya ang kanyang sarili kase may nagtangkang gumahasa sakanya. Kaya sa tuwing nakakakita siya ng dugo nawawala siya sa sarili hindi niya magawang kontrolin ang kanyang pag iisip nag iiba siya at para bang may sumasapi sakanya na kung ano.

"Bro sa SHU ka pala nag aaral? Kilala mo ba yung Hydra Kang? yung sexy na babae pakilala mo naman ako dun gusto ko lang maka one night stand" nakakalokong sabi sa akin nitong gagong katabi ko.

p*tangina neto ah!

Nagulat ako sa sinabi nitong katabi kong manyakis na naging dahilan kung bakit ako nabilaukan at walang anu ano'y hinila ko siya palabas ng bar at saka pinagsusuntok. 

Dahil sa dami ng nainom ko may mga naging tama din ako sa muka nahihilo hilo pa ko pero dahil sa inis ko gusto ko na siyang tuluyan.

Pumasok ako sa school ng duguan ang muka ko pero tinakpan ko iyon gamit ng hoodie ko na kapareha ng kay Hydra.

Habang naglalakad ako patungo sa VIP room na kwarto para lang sa gang namin, pinagtitinginan ako ng lahat pero agaw pansin itong nakita kong mukang baguhan palamang. Pero namukaan ko kagad siya at ang malas ng araw ko dahil nakita ko pa ang gumagago sa Hydra ko.

ang sarap tuloy pumatay ng tao ngayon.

JASPER'S POV

"Kambal naalala mo ba yung sinabi ko sayo nung nakaraan tungkol dun sa gustong pumatay kay princess?" tanong sa akin ni Janstine.

"Oo kaya naman lagi kong minomonitor ang bawat gagawin ni princess. siguradong sabi ko kay kambal. "Kaya lang hindi ko siya mabantayan ng maayos dahil may ilang bagay rin akong pinagkakaabalahan." dugtong ko pang sabi.

"Ano kaya kung sabihin na natin to sa gang niya?" nag aalalang sabi akin ni kambal.

"She's dauntless brother, dont you remember?" kampante kong sagot sakanya.

"Oo nga pero nanganganib parin ang buhay niya hindi ka ba nag aalala?" kunot noong naging sagot niya sa akin.

"I am, thats why Im monitoring her." huling sabi ko saka ako lumabas ng opisina.

Papunta ako ngayon sa room nila Elise, Leo at Lim para sabihin sakanila na nanganganib ang buhay ng kaibigan nila.

Isa isa ko silang pinatawag pero hindi ko nakita si Leo dahil sabi nila hindi daw ito pumasok.

bakit kaya wala siya.

Nandito na kami ngayon sa loob ng opisina ko at inumpisahang sabihin sakanila.

"Bakit mo po kami pinatawag kuya sir Jasper?" nagtatakang tanong sakin ni Elise bago siya naupo sa sofa.

"Oo nga kuya sir" sabi din ni Lim na may halong pagtataka.

"Nasa panganib ang buhay ni Hydra"

[A/N: kuya sir ang tawag nila kay Janstine at Jasper dahil sir talaga nila to and at the same time parang kapatid na rin dahil kapatid sila ng kaibigan nila]

 In Disguise Where stories live. Discover now