Quality Time

443 8 1
                                    

ALDEN POV

"saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Kanina ko po to kinukulit e kaso ayaw nya talaga sabihin. Well ako yung nag d-drive pero siya yung nag tuturo ng direction, hindi ko na nga din alam kung nasaan na kami e naliligaw na ata kami.

"Basta, malapit na tayo" yan, kanina pa yan e laging yun ung sinasabi niya 'malapit na tayo'' konti na lang'

"Baka naliligaw na tayo ah"

"Hindi basta mag drive ka nalang"

"Sige, sige"

"ganito pag may nakita kang sign na may nakasulat na DN lumiko ka din pag kaliko mo gisingin mo ko, iidlip lng ako"

"K."

maya maya nakarating na din kami.

"Maine andito na tayo"

nagmulat naman na siya ng kanyang mata ang cute cute niya talaga nagkusot kusot pa ng mata.

"hmmmm?"

"sabi ko po nandito na tayo"

"ok, wait lang" pagkasabi niya nun may tinawagan siya dun.

"Tara na?"

"Huh?! san naman tayo pupunta e parang garden alng naman to" well kasi para kaming nasa gubat na parang hardin kasi talagang super layo at liblib ng lugar.

"lumabas ka muna kasi bago sumatsat" singhal naman nyang sagot sa akin.

"Eto na po bababa na" hay kung di lang kita mahal e.

"May sinasabi ka?!

"Wala....wala!!" hay ang sungit mo talaga... Pero kahit ganyan ka bakit mahal na mahal pa rin kita?

"yun pala e tara na "

Nag umpisa na kaming maglakad at maya maya may nakita akong napakagandang bahay?! wait pano nangyari yun?

"May bahay dito?! kaninong bahay naman to?"

"Pasok muna kasi tayo"

Pumasok na nga kami at hindi pala yun bahay kung hindi isang shop. Nagtataka man ay sumunod na lang ako sa kanya. Binati agad siya ng mga nakakasalubong namin. Siya kaya ang may-ari nito? wow ah! ang galing talaga ng Maine-loves ko 😘.

"Huy!! Alden!!!! kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig"

"sorry naman sobrang ganda kasi ng place e. Super comportable ung kanyang ambiance. Teka lang kanina pa tayo nandito e kaninong shop naman ito?" takang tanong ko

"geh -_-basta wag mo ng tanungin kung kanino to tara sa kitchen tulungan mo akong mag bake"

"marunong ka? tsaka sure ka ba na pwede tayo dito baka mamaya mapagkamalan pa tayong tresspasing tapos ipakulong tayo tapos narereport tayo tapos ibabash tayo tapos......."

"Alden.... alam mo super oa mo naman. Hindi tayo pagbabawalan dito at free tayo na gawin ang lahat ng gusto nating gawin dito kaya wag kana puro satsat dyan, kaya nga kita sinama dito para bonding tayo e ayaw mo ata sige uwi na tayo" 😕 hala sya!!

"hindi....hindi sa ganun sabi ko nga e simulan na natin"

"dapat lang at may pupuntahan pa tayo pagkatapos nito"

"saan naman? basta for sure matutuwa ka dun"

"clue na alng bigyan mo ko ng clue....."

"mga bata"

"mga bata?"

"oo mga bata"

"yun na yung clue? ano ba naman yan isa pa please!"

"diba marami pa tayo gagawin? imbes na dumaldal ka ng dumaldal dyan simulan na natin"

mga after 5 hours natapos na din kami. Puro cupcakes, mga 600 pcs. ang dami nga e ewan ko dito, maubos kaya namin yun?

"ano tulala ka nanaman?" yung salitang yun yung nakapagpabalik sa sarili ko sa realidad.

"huh....ano...hindi...ano...kasi..." nauutal na sabi ko pano ba naman napakafierce na medyo sexy yung aura niya. Napalunok tuloy ako *gulp*

"ano?..." napaka seductive ng boses niya grabeh. lord jusme wag sana ako madala sa tukso kayo na pong bahala sakin.

"huy.." sabi niyang muli. Ang ganda ng boses niya nakakainlove lalo "hay nako Alden tara na nga iniintay na nila tayo"

"ok"

👣👣👣👣👣👣👣👣👣👣👣👣👣👣👣

Naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa isang lugar at may nakita akong maraming bata. Binati naman agad nila si Maine.

"Ate Maine!!" tuwang tuwang sabi nila. Mahahalata mo sa kanila ang pagkagalak na makita si Maine

"Kamusta kayo dito?" mababakas mo rin ang kasiyahan sa mga mata ni Maine habang nakikipag usap siya sa mga bata. Mahahalata mo na super close talaga sila. Ang swerte naman nila parang super close sila ni Maine. Pero nakakaproud din na malapit pala siya sa mga bata.

"huy! Alden!!... Alden!!! tulala ka nanaman"

"huh?!... ano... may iniisip lang"

"haynako tara na nga dito ipapakilala kita sa mga bata. Ibaba mo muna yan doon sa lamesa"

"Mga bata!!" ang lambing talaga ng boses niya 😍. Siguro ako na ang pinakaswerteng lalaki kung maririnig ko yun araw-araw.
"ALDEN!!! hay naku... Nga pala siya nga pala si Kuya Alden. Kasama ko siya today kasi siya yung tumulong sa akin na magbake!!." Parang nagningning naman ang mga mata nung mga bata ng marining ang sinabi ni Maine.

"parang super close ka sa mga bata dito ah"

"yup, sila kasi yung talagang lagi ko pinupuntahan kapag nag l-lielow ako. Yung tipo bang gusto ko irefresh yung utak ko kasi pagnakikita ko sila napapayapa yung kalooban ko, para bang source of happiness ko sila" ah kaya pala sana isa na lang ako sa kanila para source of happiness mo din ako.

"ang galing naman e bakit mo pa ako sinama dito?"

"because I want you to meet them. Meron kasi silang sakit. May iba't ibang karamdaman silang iniinda at lumaki na sila na sila na ung magkakasama kasi iniwan na sila ng kanilang mga magulang. E nakakaawa nga sila e kaya lagi ko sila binibisita para naman maging masaya sila"

"ahh oo nga nakakaawa naman sila. Pero pwede din ba ako dumalaw dito katulad mo?"

"oo naman kaya nga ngayon pa lang pinapakilala na kita sa kanila para naman maging close mo sila."

"salamat Maine, tayo na pamigay na natin yung mga binake natin kanina."

so ayun na nga nilapitan namin yung mga bata ang cute cute nila at ang lambing lambing pa, mahahalata mo rin ang pagkasabik nila sa pagmamahal. I promise to myself na starting now I will learn to appreciate everything na.

"Kuya Alden laro tayo!!" si Baste. Isa sa mga bata dito sa charity. Yup charity yung pinuntahan namin

👤👤👤👤👤👤👤👤👤👤👤👤👤👤👤

HANGGANG DIYAN PO MUNA 😆😊.

Ihohold ko na din po siya. Thanks po sa patuloy na pagbabasa 😊

To Love You Was The Greatest Thing I Do [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now