Hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng magandang buhay. Pero kailangan pa din natin palaging magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natatanggap. Amen lolAko nga pala si Precious Jewel Benitez 20 years old. Oh di ba pangalan ko pa lang pangmayaman na. Pero hindi po ako mayaman. Kinareer ata ng mga magulang ko ang pagbibigay ng pangalan sakin.Nasa average lang yung pamumuhay ko. Labintatlong taon pa lamang ako ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Kaya lumaki ako sa pangangalaga ng Tita Alma ko. Nagiisang kapatid lang kasi sya ni mama at yung mga kamag anak ko naman sa side ni Papa ay wala ng pakialam sakin simula ng mamatay si papa yun ay sa kadahilanang ayaw nila sa mama ko. Yan ay ayon lamang sa kwento ng Tita ko hindi na din kasi ako masyadong nagtanung kasi pakiramdam ko ayaw na nyang balikan ang nakaraan nina mama. May maliit na negosyo si Tita. My grocery store sya sa bayan namin dito sa Batangas. Maayos naman ang nagiging takbo nito sa nakaraang mga taon. Dalawa lang kasi kami ni Tita dahil matandang dalaga sya sa edad na 45 anyos. Ewan ko ba kung bakit hindi sya nagasawa eh hindi naman sya panget. Kaya minsan ang bitter nya sa pagibig. Naalala ko pa ang madalas nyang sinasabi sakin "Anak sa pagibig ay parang ulan. Hindi porke nakapayong ka ay hindi ka na mababasa. In other term Hindi porke nagmamahal kayo ng taong mahal mo ay hindi ka na masasaktan" minsan naisip ko siguro naging mapait ang buhay pagibig nya. Pero hindi ko pa din naman maintindihan ang ibig sabihin ng pagibig na yan dahil unang una wala pa akong nagiging boyfriend at pangalawa wala pa akong panahon sa mga bagay na yan hindi pa ata ipinapanganak ang lalaking nakatadhana sa akin.
'Precious anak andito na si Imie sigaw ni Tita mula sa baba. Andito kasi ako sa kwarto ko at nagaayos dahil araw ng linggo kaya magsisimba kami.
Sige po Tita pababa na po ako maikling sagot ko.
Pababa na ako ng hagdan ng salubungin ako ni Tita.
Anak mauna na ako umalis sa inyo ha kasi magbubukas pa ako ng tindahan nakangiting wika nito. At magiingat kayo umuwi agad kayo pagkatapos ng misa at wag na kung saan saan pupunta bilin pa nito at hinalikan ako sa pisnge bago tuluyang umalis.
Nang tuluyan na akong makababa nadatnan ko si Imie na nakaupo sa sofa at umiinom pa ng kape.
Si Imie ay ang bestfriend ko. Magkasing edad lamang kami pero magkaiba ang pamumuhay namin. Mayaman kasi sya. Hindi ko nga alam kung bakit nauwe kami sa pagiging magbestfriend. Basta mahabang kwento.
Ng maramdaman nya ang presensya ko agad syang tumayo at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Sis wika nya. Teka nga sis tanggaling mo yang pagkakayakao mo hindi ako makahinga pabirong wika ko.
Feel na feel mo talaga dito sa bahay ano sis at talagang nakikikape ka ang yaman yaman mo jan eh pabirong sabi ko sa kanya.
Eh alam mo naman sis na hindi ako nagkakape kunh hindi si Tita Alma ang nagtimpla ang sarap kasi ng kape nya. Hindi katulad sa bahay ang dami dami nilang nagtitimpla pero hindi ko pa din magustuhan ang lasa nakangiting wika nya.
Sya nga pala si Imie Rose Buenavista anak ng isa sa pinakamayaman at kilalang tao dito sa Batangas.
Sis tara na baka mahuli pa tayo sa misa wika ko at lumabas na kami ng bahay. At dahil sa sya ang may kotse sa aming dalawa sa kanyang sasakyan kami sasakay.
Habang patungo kami sa simbahan hindi namin maiwasan ang magkwentuhan kahit halos araw araw naman din kaming nagkikita at magkasama dahil sa iisang dorm kame nakatira sa Maynila. Duon kasi kami nagaaral. Hindi man kasi ako mayaman nabiyayaan naman ako ng talino at kagandahan na naging puhunan ko para makakuha ng full scholarship sa Oakland University. Ang sikat na paaralan sa Maynila dahil puro mayayaman at halos mga modelo ang mga nagaaral duon. Nasa huling taon na ako ng kurso kong Bussiness Management Major In Financial Management. At si Imie naman ay isang HRM students. Panagarap kasi nyang maging isa Flight Attendant. Bagay na bagay naman kasi sa kanya e bukod sa napakaganda nya maladyosa pa ang kaseksihang taglay nya. Syempre besfriend ko yan e kaya dapag possitive lol.
Nakarating kami ng maayos sa simbahan at umatend ng misa.
Pagkatapos ng misa napagpasyahan muna namin na kumain sa Yellow Cab tutal malapit na din namang maglunch.
Sis daanan na lang kita bukas ng maaga para sabay na tayong lumuwas ng Maynila wika ni Imie habang kinakagat ko ang pizza na inorder namin.
Okay sige para namang makakahindi ako dahil alam ko naman na pipilitin mo oa din akong sumabay sayo nakatawang sagot ko.
Syempre naman sis anu oa at nagkaroon ka ng besfriend na hindi lang maganda kundi saksakan ng kabait pa nakatawang wika nya.
Totoo naman talaga na mabait sya. Para na talaga kaming magkapatid kung magturingan. Kasi hindi naman nila kasama sa bahay ang isa nitong kapatid dahil duon ito nakatira sa Tiyahin nya sa London kaya siguro ganito na lang kame kalapit sa isa't isa.
Oo na lang pabirong sagot ko.
Nang matapos kaming kumain napagpasyahan naming dumaan sa isang bookstore dahil may kailangan daw syang bilhin. So habang hinahanap nya ang kailangan nya ako naman ay tumingin tingin ng mga libro na pwede kong basahin mahilig kasi akong magbasa ng mga aklat. Papalapit na ako sa lugar kung saan nakalagay ang mga libro ng maagaw ng atensyon ko ang mga magazine na nakahilera sa isang shelf.
Grabeh ang gwapo talaga nya. Nagmomodelo din pala sya. Ang tinutukoy ko ay ang anak nya may ari ng Oakland University na si Harold Miguel V. Samonte. Agad ko din namang ibinalik ito ng tawagin ako ni Imie dahil tapos na pala nitong bilhin ang kailangan nya. At umalis na kami ng lugar na yun at tuluyan na kaming umuwe.
Sige sis ingat ka ha wika ko kay Imie ng maihatid ako sa bahay namin.
Salamat sis. Sige bukas ha daanan kita itext na lamang kita mamaya wika nito at tuluyan ng sumakay ng kotse nya.
Tags to
ImieRosedeOcampoII
toniean23

BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...